Chapter 7 - My Temper

962 38 9
                                    


DAHYUN'S POV :

Anak ng tokwa naman oh 😭😭😭 Hindi ko naman alam na ganun pala talaga sila kalala . Akala ko talaga kasi mga bata ang aalagaan ko yun naman pala mga isip bata .

Naturingan silang magpipinsan tapos ganun ang trato nila sa isa't-isa . Mayaman nga sila pero hindi naman sila marunong makisama sa isa't-isa . Ganun ba talaga kapag mayaman ? Wala nang oras sa isa't-isa . Mabuti na rin palang mahirap kami at maliit ang bahay namin . At least , Magkakasama kami at nagmamahalan hindi katulad nila .

Natural na walang tatagal nang dahil sa ugali ng tatlong 'yun . Para kong nakikipag-usap sa hangin eh . Hindi nila ko pinakikinggan . Ayoko sanang gamiting panakot na irereport ko sila sa Chairman pero wala na kong choice .

Gulong-gulo na ang ulo ko sa pinagagawa nila kaya naman tinakot ko na sila . Mabuti naman at napasunod ko sila . Sana talaga ay sundin nila ang mga rules na sinabi ko . Hindi naman mahirap sundin yung rules eh .

Dapat makipag-cooperate na lang sila sakin para wala nang mahirapan . Dahil sa napagod ako sa mga nangyari , Agad na muna kong nagpahinga sa kwartong tutuluyan . Inisalansan ko na ang mga gamit at damit ko.

Wew ! Nakakapagod ang unang araw ko dito 😭 Pero kakayanin ko ! Tandaan , Para 'to sa pamilya ko hindi lang para sakin .

Kumusta na kaya sila ? Mabuti pa mag-video call kami . Agad ko nang kinuha ang phone ko at nagvideo call kay Chaeyoung . Agad namang inaccept ni Chaeyoung ang video call ko.

Nagsimula na ang video-call namin .

"Oh ! Unnie , Kumusta ka diyan ?" Tanong sakin ng kapatid ko.

"Ayos naman ako dito , Chaeyoung" Sagot ko sa kanya.

"Unnie , Wala ako sa bahay eh . Nandito ko sa bahay ni Tzuyu . May ginagawa kaming project sa school" Sagot ni Chaeng.

"Ganun ba ? Ayos lang , Chaeng . Pakisabi na lang kina Mom and Dad na ayos naman ang buhay ko dito . Komportable ako dito kaya wag kayong mag-alala . Namimiss ko lang kayo" Sagot ko.

"Miss ka na rin namin , Unnie . Wag kang mag-alala , Enjoy ka lang diyan . Fighting ! Sasabihin ko na lang mamaya kina Mom and Dad" Sagot niya.

"Oh ? Dahyun ? Hello ! Musta na ?" Sumulpot na si Tzuyu sabay kaway sakin.

"Tzuyu , Maayos naman . Miss ko na kayo" Sagot ko.

"Miss na rin kita , Dahyun . Ingat ka diyan ah . Ako nang bahala sa kapatid mo" Sagot ni Tzuyu sakin kaya napatango na lang ako .

"Sige na , Unnie . Next time na lang . Enjoy !" Sagot ni Chaeyoung .

"Bye ! Ingat kayo diyan" Sagot ko.

Kumaway na ko sa kanila sabay end sa video call . Napangiti na lang ako . At least nakausap ko at nakita ang kapatid ko . Siyempre kasama na din si Tzuyu .

Nahiga na lang muna ko sa kama ko at ipinikit ang mata ko . Kakayanin ko 'to !

Nang imulat ko ang mata ko , Gabi na pala 😱 Naku ! Yung tatlong buwisit nga pala .

Agad na kong bumangon sa higaan at agad na lumabas ng kwarto ko . Nang mahawakan ko ang door knob sa labas ng pinto , Nagulat ako . Wait ! Ano 'to ?! 🙅🙅🙅 Bakit madikit ?! Aish ! May glue . Buwisit talaga sila !

Kim Dahyun & The J-TrinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon