SANA'S POV :Kinabukasan , Bigla akong napaiktad sa kinahihigaan ko nang biglang may tumunog na malakas malapit sa tenga ko .
"Waaahh ! Anong nangyayari ?! Anong meron ?!" Nagpapanic kong tanong .
"Wake Up ! Bangon na diyan" Natigilan ako nang makita ang maid namin sa tabi ng kama ko na may hawak na kaserola at sandok .
Anong ---- ?! Paano siya nakapasok dito ?!
"Paano ka nakapasok dito ?!" Tanong ko sa kanya .
"Hindi mo ni-lock yung pintuan" Sagot niya sakin nang masaya pa.
"Aish ! Buwisit , Lumabas ka nga !" Sagot ko sabay balik sa higaan ko kaso nagingay na naman siya gamit ang kaserola at sandok .
"Gising na !" Sigaw niya sakin kaya naman wala na kong nagawa kundi ang bumangon na.
"Bakit ba ?!" Tanong ko sa kanya.
"Kumilos ka na , May gagawin tayo mamaya. Bilis na" Sagot niya sabay hila sakin papunta sa cr . Teka ! Anong gagawin namin mamaya ? 😏 Mukhang alam ko na . Tsk ! Type niya yata ako.
Ipinasok niya ko sa cr ko sa loob ng kwarto . Ano ba talagang gusto niya ?! Ganun pala ah ! Lalabas na sana siya kaya inisarado ko ang pinto ng cr ko at agad siyang hinila't isinandal sa pader .
Natigilan naman siya sa ginawa ko. Heto na naman siya sa pagtitig sakin .
"Ito ba ang gusto mo ? Type mo ba ko ?" Tanong ko sa kanya.
"Ahhh---Ano bang sinasabi ?! Isod nga diyan" Sagot niya sabay pilit na tulak sakin .
"Tell me , Type mo ko noh ?!" Tanong ko sa kanya.
"Aba ! Kapal din naman ng face mo noh , Shiba Inu . As if namang magustuhan kita . For your information , Wala ka pa nga sa kalingkingan ng type ko kaya isod !" Sagot niya sabay tulak sakin .
Shiba Inu ?! Ano ko aso ?!
"Shiba Inu ka diyan" Sagot ko.
"Totoo naman kasi . Mukha kang Shiba Inu" Sagot niya.
"At least cute ako" Sagot ko sa kanya.
Napasmirk na lang ako . Nakakatuwa ang itsura niya kapag nagb-blush eh 👏😂
"Pero lahat ako ang type , Saming tatlong magpipinsan --- Ako ang pinakagusto ng lahat" Sagot ko sa kanya nang nakangiti.
"Pwes , Ako ?! Hindi ! Tabi diyan ! Kumilos ka na kung ayaw mong i-report kita kay Chairman !" Sagot niya sakin sabay labas na ng cr at kwarto ko.
Ibang klase talaga siya 👏😂 Ngayon lang ako nakakilala ng tulad niya na hindi nadadala sa charm ko . Mas nagiging interested tuloy ako na makipaglaro sa kanya . Para siyang isang apoy na nakakapaso 🔥🔥🔥. Well , Sa tingin ko masaya namang makipaglaro sa isang apoy na tulad niya 😉😉😉 Gusto kong makipaglaro sa tulad niyang pa-hard to get pa . Hahahaha !
Well , Hindi naman siya ang type ko pero masaya akong makipaglaro sa kanya 😉😏 Tingnan natin kung hanggang saan ang kakayanin niya . HAHAHA !
Agad na lang din akong kumilos at nag-ayos ng sarili ko . Nang lumabas ako ng kwarto , Natigilan ako nang makita ko si Mina at Momo na nakatayo sa tabi ni Dahyun .
Teka ! Don't tell me ------ Kasama namin ang dalawang 'to sa kung ano man ang gagawin namin ?! No Way !
"No Way !" Sambit ko sabay akmang babalik sa kwarto ko kaso nahawakan ako ng maid namin sa braso at agad niya kong hinila papunta sa tabi nung dalawa.
"Ano ba kasi 'to ?!" Tanong ko.
"Tada !" Sagot niya sabay labas ng mga picnic basket . Teka ! Ano 'to ?!
"Bakit may ganyan ka ?!" Tanong ni Momo sa kanya.
"Magpipicnic tayong apat" Sagot niya .
"Ayoko ! Hindi ako kakain kasama ng dalawang 'yan !" Sagot naman ni Mina.
"Aish ! Kakain lang naman eh . Tara na , Guys" Sagot niya samin.
"Ayoko !" Sabay-sabay naming sagot.
"Hindi kayo pwedeng tumanggi" Sagot niya samin sabay pamewang.
"At Bakit ?!" Tanong ko.
"Dahil alam ni Chairman na magpipicnic kayo ngayon at ako ang maghahatid sa inyo sa Picnic Area sa Park" Biglang sumulpot si Secretary Park.
Aba ! Anong ginagawa niya dito ?!
"Ipinaalam ko kay Secretary Park" Sagot ng maid naming weird.
"At ipinaalam ko kay Chairman . Ibinilin ni Chairman na ako mismo ang maghahatid sa inyo sa Park kaya sumakay na kayo sa Van" Sagot ni Secretary Park samin.
"Sila na lang , Ayoko !" Sagot ko.
"Pwede namang di kayo sumama pero alam niyo namang iko-close ni Chairman ang card niyo" Sabi ni Chairman .
"Nasaan yung Van ?" Tanong ko agad sabay lakad na.
Nakakainis talaga ang maid na 'yun . Pahirap siya sa buhay ko . Pahirap na nga yung dalawa dagdag na pahirap pa siya 😠😠😠
Wala na rin namang nagawa yung dalawa kaya sumakay na rin sila sa Van .
Sumakay na rin ang maid namin at si Secretary Park .
"Mage-enjoy tayong apat dun , Promise !" Sambit ng weird na maid namin .
"Ihahatid ko kayo 'dun . Mag-enjoy kayo . Ako rin ang susundo sa inyo mamaya . Tandaan , Para sa kaligtasan ng credit card niyo ------ Sumunod na lang kayo" Sabi ni Secretary Park.
Ano pa bang magagawa namin diba ?! Nanahimik na lang ako sa isang tabi habang bumibiyahe kami . Buwisit talaga !
💞To be Continued💞
Maging successful kaya ang pinaplano ni Dahyun ? Abangan !
BINABASA MO ANG
Kim Dahyun & The J-Trinity
FanfictionKim Dahyun & The J-Trinity "Kim Dahyun , Pwede ka nang magsimula sa bago mong trabaho . Good Luck , Sana'y makatagal ka . Binabalaan na kita dahil hindi biro ang trabahong pinasok mo . Siguraduhin mong magtitino ang tatlong magpipinsan na apo ng Cha...