Chapter 16 - Good Job !

828 33 3
                                    

DAHYUN'S POV :

Nakakapagod ang araw na 'to para sakin . Bakit ? Dahil lang naman sa tatlong 'yun . Ikaw ba namang pag-alagain ng ganung klase ng mga tao . Ginagawa ko lang naman 'to para sa pamilya ko eh .

Kahit ako , Gusto ko naring umalis sa mansion na 'yun kaso may utang na loob na rin naman ako sa Chairman dahil maayos ang trato niya sakin . Mabuti pa nga 'yung chairman eh maayos ang ugali eh yung mga apo , Walang-wala !

Nakakabuwisit 'yung tatlo kanina sa Park . Kulang na lang mabaliw na ko eh.

Ay ! Muntikan ko nang makalimutan na may maganda parin namang nangyari kanina. May bago kong kaibigan , Si Somi . Sana magkita ulit kami 😍😘💞

May mga natuklasan din naman ako dun sa tatlo dahil sa mga nangyari kanina . Unang-una , Mga pasaway talaga . Pangalawa , Gague talaga si Sana 🙅 Walang ginawa kundi tumawa . Pangatlo , Wala yatang kaibigan si Mina . Pang-apat , Matakaw talaga si Momo at paborito niya ang Jokbal .

Alam kong matatauhan din ang tatlong 'yun at susunod din sila sa mga rules . Siguro kailangan ko muna silang kilalaning mabuti . Kailangan kong malaman ang mga kahinaan nila . Alam ko namang ganun din ang ginagawa nila sakin . Sinusubukan nila ko pero hindi ako papatalo .

Sumakay na ko sa Van at agad rin akong dinala ni Secretary Park sa Office ni Chairman .

Habang bumibiyahe , Naisip kong magtanong kay Secretary Park . For sure , May mga nalalaman na siya tungkol dun sa tatlo .

"Secretary Park , Pwedeng magtanong tungkol dun sa tatlong asungot ?" Tanong ko.

"Asungot ? Haha" Tanong niya sabay tawa habang nagda-drive.

"Ay ! Tatlong magpipinsan pala" Sagot ko.

"Ayos lang 'yan , Miss Dahyun . Naiintindihan kita . Alam kong hindi madaling pasunurin ang tatlong 'yun" Sagot niya.

"Bakit sila nakatira sa JTrinity Mansion ?" Tanong ko.

"Dahil gusto ng Chairman na magkasundo-sundo sila at hindi magaya sa mga Dad nila" Sagot niya sakin.

"Ano pong meron sa mga Dad nila ?" Tanong ko.

"May tatlong anak na lalaki ang Chairman . Sa kasamaang palad , Maagang namatay ang asawa ni Chairman dahil sa lung cancer . Yung tatlong anak niya hindi magkasundo-sundo sa mga bagay-bagay . Hindi ko alam ang tunay na dahilan kung bakit nagkaaway-away ang mga Dad nila hanggang sa magkaroon na ng sari-sariling pamilya . So , Hindi nagkaroon ng chance na magkakilala nang mabuti sila Sana , Mina at Momo" Sagot niya.

"Ganun po ba ? Grabe naman . Kaya pala" Sagot ko.

"Pati yung tatlo nadamay na sa away ng magkakapatid nilang mga ama . Kaya naman , Naisip ng chairman na patirahin sila sa iisang bahay para naman mas magkakilala pa sila . Sa ganung paraan , Baka magkaayos na ang mga Dad nila" Sagot niya.

"Kaso mukhang hindi parin po sila nagkakasundo" Sagot ko.

"Tama ka , Kaya nga 'yan ang role mo . I-guide mo sila at gawin mo ang best mo para mapaglapit sila kahit na kailangan mo pa silang pagumpugin" Sagot niya.

"Wag kayong mag-alala , Fighting ! Kaya ko 'yan" Sagot ko .

"Yan ang dapat , Fighting !" Sagot niya sakin.

Kim Dahyun & The J-TrinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon