SANA'S POV :
Ang laki ng nagawa kong kasalanan . Hindi ako matatahimik hanggang sa magawa kong makabawi kay Dahyun .
Nang iwanan akong mag-isa nila Momo at Mina dito sa living room , Nag-isip isip ako . Kailangan ko siyang mapasaya . Kailangan kong gawin 'to . Napayuko na lang ako sabay hawak sa ulo ko .
Napatingin na lang ako sa mga picture frames naming naka-display na si Dahyun mismo ang naglagay . Bigla ko na lang naalala yung mga moments na palagi kong nakikita ang nakakunot-noo niyang mukha sakin . Namimiss ko na 'yung mga moments na 'yun.
Kung alam ko lang na masasaktan ko siya , Hindi na sana ko naghangad na malaman niya ang nararamdaman ko .
Binuksan ko ang phone ko at tiningnan ang mga derp pictures niya sa gallery ko . Kim Dahyun , Sorry sa mga nagawa ko .
Ayokong saktan ka pero nagawa ko padin 'yun dahil sa pagka-selfish ko .
Nagulat na lang ako nang biglang pumatak ang luha ko mula sa teary eyes ko . Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito . Yung ayaw mo siyang masaktan pero nasaktan mo parin siya nang hindi sinasadya . Ngayon , Mukhang ayaw ka na niyang kausapin o makita man lang .
Pinahid ko na lang ang luha na tumulo sa mata ko . Lumakad na ko papunta sa kwarto ko kaso bigla kong nakita si Momo na nakasandal sa pader sa labas ng kwarto ni Dahyun . Sobra-sobra yung ngiti niya .
Alam kong nanggaling siya sa kwarto ni Dahyun . Masayang-masaya siya , It means nagka-bonding sila ni Dahyun . Mabuti pa siya . Eh , Ako ? Wala na , Wala na talagang kwenta .
Lumakad na lang ako papasok sa kwarto ko't nahiga sa kama ko . Sana , Kahit na anong mangyari dapat na magsorry ka kay Dahyun. First time ko nga yatang magso-Sorry eh . Pipiliin kong magbago para sa kanya .
Dahil sa kanya , Ang Sana na walang pakialam sa ibang tao --- Unti-unti nang nagbabago . Narealized kong mali pala talagang paglaruan ang feelings ng ibang tao . Maling-mali .
There are some things you don't learn about yourself until you let someone else into the most intimate places of your heart . Binabago mo ko , Kim Dahyun . Masaya ko sa pagbabagong nagagawa mo sakin pero at the same time , Nalulungkot ako dahil nasaktan kita .
Ipinikit ko na lang ang mata ko dahil sa sobrang lungkot . Nang imulat ko ang mata ko , Umaga na pala . Agad na kong nag-ayos ng sarili ko sabay labas na sa kwarto .
Nagmadali akong pumunta sa kusina para maghanda ng breakfast for Dahyun . Kailangan kong bumawi sa kanya .
"Ano bang ginagawa mo , Sana ?" Tanong ni Momo.
"I'll make breakfast for Dahyun" Sagot ko.
"What ? Eh , Gagawa na ko" Sagot niya.
"Please , Let me . Kahit ngayon lang" Sagot ko.
"Sana , Siguraduhin mong hindi mo paiinitin ang ulo niya" Sabi ni Momo.
"Promise !" Sagot ko kaya napatango na lang siya sakin .
"Nandun siya sa Garden . Nagpapahangin" Sagot ni Mina.
"Talaga ?" Tanong ko.
"Oo . Bumawi ka sa kanya , Kailangan mong gawin 'yun . Kailangan niyong mag-usap pero tandaan mong hindi porke't hinayaan kita ngayon eh hahayaan ko na ring saktan mo na naman siya" Sagot ni Mina.
"Tama si Mina , Subukan mong saktan siya . Malalaman mo kung anong mangyayari sayo" Sagot ni Momo.
Naiintindihan ko sila . Alam kong nag-aalala sila kay Dahyun . Ako naman kasi talaga ang may kasalanan eh . Tanggap ko .
Agad na kong nag-ready ng breakfast for Dahyun . Nagprito na ko ng itlog at ng mga healthy foods . Sinamahan ko na rin ng milk . Nang matapos ako , Agad na kong lumakad papuntang Garden dala ang Tray ng pagkain .
Nakita ko siyang nakatingin lang sa malayo habang nakaupo sa bench . Agad na kong lumapit sa kanya .
"Anong ginagawa mo dito ?" Tanong niya nang makita ko.
Ibinaba ko na ang pagkain sa isang tabi. Galit parin siya sakin . Alam ko naman 'yun .
"Dito ko nakatira eh , Ginawan kita ng breakfast" Sagot ko.
"Tsk ! Alam ko ! Busog ako" Sagot niya nang paseryoso.
"Dahyun , Kailangan kitang makausap" Sagot ko.
"Pwes ako , Hindi kita kailangang kausap" Sagot niya.
Naupo na ko sa tabi niya kaya naman umisod siya palayo .
"Dahyun , Let me explain" Sabi ko sa kanya.
"Wala tayong dapat pag-usapan dahil maid lang ako dito , Ikaw ang boss ko . Hindi na kailangang magkaroon ng usapan sa pagitan natin" Sagot niya sakin.
"Sorry , Dahyun . Please Forgive Me" Sagot ko.
"Hindi ka dapat naghuhusga sa ibang tao na hindi mo pa naman talaga kilala" Sagot niya.
"Alam ko , Sorry na talaga . Hindi ko na uulitin 'yun . Aminado kong ako 'yung may kasalanan . Naging selfish ako . Pinagsisisihan ko na talaga 'yun" Sagot ko sa kanya.
"Isa lang ang masasabi ko sayo . Pinalaki ako nang maayos ng magulang ko at hindi ako malanding tao" Sagot niya .
"Alam ko , Nadala lang ako ng emosyon ko kaya nasabi ko 'yun . Gulong-gulo kasi ako eh" Sagot ko.
"If you're nice to me , I'll be nice to you . If you're a bitch to me , I'll be your worst fvcking nightmare !" Sagot niya sabay tayo na at akmang aalis na .
Kaya naman agad ko siyang hinawakan sa kamay . Napalingon naman siya sakin sabay bitaw . Agad na kong tumayo at humarang sa harapan niya kaya naman natigilan siya .
"Gagawin ko lahat para mapatawad mo lang ako" Sagot ko.
"Give me time . Give me space . Okay ?" Seryoso niyang sabi sakin.
Lumakad na siya papasok .
"Sandali !" Tawag ko kaya huminto siya .
"Maghihintay ako hanggang sa mapatawad mo na ko" Sambit ko sa kanya .
Dumeretsyo na siya sa loob . Well , Hindi ko naman siya masisisi kung hindi pa talaga siya handa . Handa akong maghintay kahit na gaano katagal .
Alam kong mabuti siyang tao . Mapapatawad din niya ko . Rerespetuhin ko ang desisyon niya .
Naupo na lang ulit ako sa bench at kinain na lang ang pagkaing hinanda ko .
💟To be Continued💟
- Mapatawad pa kaya ni Dahyun si Sana ? Abangan ! Excited na ko sa comeback . EMEGESH !
- lherrygulpo
BINABASA MO ANG
Kim Dahyun & The J-Trinity
Fiksi PenggemarKim Dahyun & The J-Trinity "Kim Dahyun , Pwede ka nang magsimula sa bago mong trabaho . Good Luck , Sana'y makatagal ka . Binabalaan na kita dahil hindi biro ang trabahong pinasok mo . Siguraduhin mong magtitino ang tatlong magpipinsan na apo ng Cha...