Chapter 31 - Pajama Party 🎉

784 36 10
                                    

MOMO'S POV :

Pumunta na ko sa kwarto ko dala ang pajama na binili ng buwisit naming maid . Para talaga siyang ewan , Idinadamay niya pa ko sa mga kabaliwan niya .

Gusto niya talagang suutin ko 'to ? Seriously ?! Ang corny kaya ! Isip bata talaga siya 😫 Kaso , Ano bang magagawa ko ?! Alam kong makakarating kay Grandpa kapag nagmatigas kami . Napahiga na lang ako sa kama ko .

Pagod na pagod na ko ~ Hanggang kailan ako magtitiis sa ganitong buhay ?! Kainis !

Napaisip na lang ako . Napaka-kulit niyang tao . Siya na yata ang pinakamakulit na taong nakilala ko sa buong buhay ko . She's incredible 👏😎 Saan kaya niya kinukuha ang ganung ka-grabeng energy niya ?

Sa bagay , May punto siya . Walang kabuhay-buhay ang mansion na 'to . Nagawa niya pang ipa-print yung mga pictures na kinuha niya kasama kami . Ganun na ba ka-importante sa kanyang mapagkasundo kaming tatlo ? Well , Mahihirapan siya.

Ang bilis pa niyang magtiwala sa kung sino-sino . Sino kaya ang Somi na 'yun ?! Halata namang tuwang-tuwa ang babaeng 'yun nang makita ang Somi na 'yun eh . Tsk ! Baliw talaga . Hindi ako magtataka kung isang-araw , Bigla siyang maloloko dahil ang bilis niyang magtiwala sa ibang tao .

Napatawa na lang ako bigla nang maalala ko yung mga moments na ang clumsy niya 😂😂😂 HAHAHAHA ! Palagi na lang siyang palpak . Palaging nadadapa at nadudulas . Tsk ! Hindi marunong mag-ingat . Lol !

Tama na nga ang pagiisip ng kung ano-ano , Tumayo na lang ako at inisuot na ang pajama na ibinigay niya . Foods ang nakadesign sakin . Alam niyang mahilig ako sa pagkain . HAHAHAHAHA ! Kakaiba talaga ang babaeng 'yun . Lahat gagawin niya 😂

Nagpahinga na muna ko sa kama ko , Maya-maya bigla nang mag kumatok sa pintuan ng kwarto ko . Nang buksan ko ang pintuan , Bigla na kong hinawakan ni Dahyun sa kamay sabay hila sakin .

"Sandali !" Sabi ko pero hinila na niya ko. Nakita kong kasama na niya sa tabi niya si Sana na nakasuot na rin ng pajama . LOL ! HAHAHAH .

Kinatok na rin niya ang kwarto ni Mina , Nang buksan ni Mina --- Hinila na rin niya si Mina .

"Sandali ! Bakit ba atat na atat ka ?" Tanong ni Mina.

"Basta , Sumunod kayo sakin !" Sagot niya samin .

Lumakad na siya pababa ng hagdan kaya naman sinundan na namin siya . Mukha tuloy kaming mga ewan . Tsk !

Nang pumunta kami sa living room , Nagulat kami dahil may mga nakahain na pagkain .

"Ikaw bang nagluto niyan ?" Tanong ko.

"Yes ! Niluto ko talaga 'to para sa inyo 'tong Jokbal , Jjajangmyeon at Ddeokbokki" Sagot niya samin sabay smile.

Marunong pala siyang magluto . Nag-effort pa talaga siyang magluto ? Mukhang gagawin nga talaga niya ang lahat .

"Magkakaroon tayo ng Pajama Party" Sabi niya samin.

"Kayo na lang ang magparty" Sagot ni Sana.

"Wala akong ganang kumain" Sagot naman ni Mina.

"Bakit ba kasi may ganito pa ?!" Tanong ko.

Kim Dahyun & The J-TrinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon