CHAEYOUNG'S POV :
Bumisita dito sa bahay si Tzuyu . Kasama rin namin dito sa bahay ngayon sina Dad and Mom .
"Kumusta na si Dahyun ? Nakakausap mo na ulit siya , Chaeyoung ?" Tanong ni Tzuyu sakin.
"Talagang sakin pa tinanong , Ba't di ka na lang pumunta sa kanya ?" Mahinang sabi ko.
"Huh ? May sinasabi ka ?" Tanong ni Tzuyu sakin.
"Ah , Hindi pa eh" Sagot niya sakin.
"Ganun ? Sige , Sabihin mo na lang sakin kapag may balita ka kay Dahyun . Alam mo na --- Yung confession ko" Sagot niya sakin.
Oo nga naman ! Yung confession niya kay Dahyun Unnie . Tsk ! Talagang sinasabi pa niya sakin ang mga bagay na 'yan ?!
Ngumiti na lang ako sa kanya kahit na nasasaktan ako sa loob-loob ko .
Nasasaktan ako dahil hindi naman ako 'yung gusto ng taong mahal ko . May iba siyang mahal at hindi ako 'yun . Hanggang bestfriend lang talaga ko para kay Tzuyu .
Siguro pumupunta na lang siya dito sa bahay , Para rin kay Dahyun Unnie . Palagi namang si Dahyun Unnie ang bukang-bibig niya .
Maya-maya pa , May biglang kumatok sa pintuan kaya naman pinagbuksan na ni Dad .
"Sino po sila ?" Tanong ni Dad sa pumasok na nakasuot ng pormal na kasuotan .
"Hello , Pasensya na po sa abala . Ako po si Park Jihyo , Ang secretary ng boss ng inyong anak na si Dahyun" Sagot ng kung sino.
Oh , Secretary pala siya . Wait ! Secretary ng Boss ni Dahyun . Bakit nandito siya ?! Uuwi na si Unnie ? May nangyari kay Unnie ?
"Ano pong pakay nila ?" Tanong ni Mommy Nayeon.
"Dahil magaling ang ipinapakita ng inyong anak sa trabaho , Naisipan ng boss naming bigyan siya ng reward . Ang reward na 'yun ay ang makasama kayo ngayong araw. Ipinagutos ng aming boss na sunduin kayo ngayon . Ihahatid ko rin kayo pauwi mamayang gabi" Sagot ng Secretary Park.
"Ganun ? Talaga ? Pupuntahan namin si Dahyun ?" Masayang tanong nila Mom and Dad.
"Ibinilin niyang isama rin ang kaibigan niyang si Tzuyu" Sagot ng Secretary samin.
"Tamang-tama ! Nandito si Tzuyu" Sagot ni Dad.
"Nandito po ko" Masayang sagot ni Tzuyu.
"As in ngayon na po ang alis natin ?" Tanong ko.
"Yes , Ngayon na . Uuwi rin naman kayo mamayang gabi . Hihintayin ko kayo sa labas" Sagot ni Secretary Park samin sabay labas na.
Sobrang saya nila Mom and Dad kaya naman nagmadali na silang mag-ayos ng sarili nila.
"Finally , Masasabi ko na rin kay Dahyun ang nararamdaman ko" Masayang sabi ni Tzuyu sakin.
"Talaga ? Mabuti 'yan" Sagot ko sabay fake smile.
Nag-ayos na rin ako ng sarili ko . Napatingin ako sa sarili ko sa salamin sa kwarto ko . Anong meron si Dahyun Unnie na wala ako ?
Mamaya , Malalaman na ni Unnie ang feelings ni Tzuyu para sa kanya . Mawawalan na talaga ako ng chance kay Tzuyu . Siguro nga hindi kami para sa isa't-isa .
Tatanggapin ko na lang ang katotohanan . Nang maging ready na kami ay sumakay na kami sa Van at umalis na .
Dahyun Unnie , Malapit na ulit tayong magkita . Masaya ko para sa kanya . Masaya ko para sa kanila ni Tzuyu . Sana maging masaya sila . Baka talagang sila ang ini-tadhana .
"Oh My God ! Yung secret !" Biglang sabi ni Tzuyu sa tabi ko habang bumibiyahe kami.
"Anong secret ?" Tanong ko sa kanya.
"Huh? Wa--Wala naman" Sagot niya sakin .
Mukhang may inililim ang kaibigan ko sakin ah . Ano kaya 'yun ? Baka tungkol na naman kay Dahyun Unnie . Bahala na nga lang .
Masasaktan lang ako nang paulit-ulit kapag mas lalo ko pang inisip ang tungkol doon .
Hahayaan ko na lang silang maging masaya sa isa't-isa . Bagay naman sila eh . Hindi na lang ako hahadlang sa kung anong mangyayari sa kanila .
Ngingiti na lang ako kapag masakit para sakin . At least , Makikita kong nakangiti't masaya ang bestfriend ko --- Yun nga lang hindi ako yung reason ng happiness niyang 'yun . Para naman sa Unnie ko , Talagang deserving siyang mahalin ni Tzuyu .
Tumingin na lang ako sa view sa labas habang bumibiyahe . Son Chaeyoung , Tama nang pag-asa dahil wala ka na namang inaasahan .
Parating na kaming pamilya mo , Unnie . Miss na miss na namin siya eh . Miss na namin yung kakulitan at tawa niya . Sa wakas , Mayayakap na ulit namin si Dahyun Unnie .
Talagang hanggang ngayon , Kami parin yung inaalala niya . Para parin samin 'yung mga ginagawa niya .
💔To be Continued💔
Abangan ang mga susunod na pangyayari .
BINABASA MO ANG
Kim Dahyun & The J-Trinity
FanfictionKim Dahyun & The J-Trinity "Kim Dahyun , Pwede ka nang magsimula sa bago mong trabaho . Good Luck , Sana'y makatagal ka . Binabalaan na kita dahil hindi biro ang trabahong pinasok mo . Siguraduhin mong magtitino ang tatlong magpipinsan na apo ng Cha...