DAHYUN'S POV :
Nang dumating si Secretary Park para sunduin kami , Naisipan ko munang umalis dahil may naisip akong gawin .
Nagmadali akong maghanap ng mga gamit na binabalak kong bilhin . Nang mahanap ko na ang gusto kong bilhing cute pajamas , Ipinaprint ko naman ang pictures naming apat na ako pa mismo ang kumuha . Ipinaprint ko na kahit hindi sila mga nakatingin . Nakatingin man sila , Seryoso naman . Naisipan ko ring bumili ng mga ingredients ng gusto kong lutuin mamaya .
Agad rin akong bumalik sa kanila . Nakita ko silang mukhang inip na kaya naman nagmadali na ko't tumakbo . Napapangiti na lang ako kasi naiisip ko na suot-suot nila yung mga pajamas na binili ko . Omg ! Matutuwa si Chairman .
Ayos na sana eh ! Ang lapit ko na sa kanila kaso bigla akong nadapa 😭😭😭 Natumba ako sa sahig at nabitawan ko ang mga dala kong plastic bag .
Nakita kong agad na tumakbo si Secretary Park papunta sakin . Nakita ko rin kung paano ko tawanan ni Shiba Inu este Sana . Buwisit talaga siya kahit kailan 😠😠😠
Tinulungan na ko ni Secretary Park . Tapos , Si Momo mukhang wala ring pakialam sakin tulad ni Mina . Ayos lang na wala silang pakialam kaysa naman kay Sana na tinatawanan ako . Kainis talaga siya !
Ikinagulat ko nang makita ko si Mina na pinulot ang mga dala ko sabay lapag sa tabi ko.
Palagi niyang sinasabi na pahalagahan ko ang sarili ko . Pinahahalagahan ko naman ang sarili ko ah . Concern ba siya sakin o talagang sinasabi niya lang 'yun kasi tatanga-tanga ko palagi ? Aish ! Naka-confused na ko sa tunay na ugali ng Mina na 'to . Minsan may pakialam sakin , Minsan wala . Tsk ! Mababaliw talaga ako sa tatlong 'to .
Binuhat na ni Secretary Park yung mga dala ko .Napatingin naman ako kay Sana na inalok ang kamay niya sakin . No , Thanks na lang ! Baka tulad din siya ni Momo na kunwaring itatayo ako pero ang totoo bibitawan din ako . Buwisit talaga sila .
Tumayo ako nang walang tulong niya at lumakad na papunta sa Van . Alam ko namang trip na trip ako ni Sana eh ! Alam kong puro kalokohan siya kaya nga nag-iingat na ko ngayon eh .
Ang kulit-kulit pa niya kanina habang namimili kami . Nag-effort pa siyang magpapansin sakin . Hindi niya kasi matanggap na meron pa palang katulad kong hindi nadadala sa mga kalokohan niya . Ibahin niya ko ! Tsk !
Nang makasakay na ako sa Van , Katabi ko si Momo sa likod . Napatingin na lang ako sa view sa labas ng bintana ng kotse.
"Kim Dahyun , Ayos ka lang ba ?" Nagulat ako sa itinanong ni Momo.
"Bakit mo tinatanong ?" Tanong ko sa kanya.
"Pwede ka namang sumagot ng Oo at Hindi lang naman eh" Sagot niya nang paseryoso.
"A--Ayos lang ako" Sagot ko.
"Mabuti naman" Sagot niya.
"Salamat sa pag-aalala sakin" Sagot ko . Aba ! Himala . Nakakagulo na talaga silang tatlo .
"Hindi ako nag-aalala sayo . Ayoko lang na walang maglilinis sa mansion" Sagot niya.
Anak ng ----- ?! Bakit ganun ?! Palagi nilang sinasabi 'yan . Sinasabi nilang hindi sila nag-aalala sakin , Kundi ayaw lang nilang walang maglinis ng mansion . Oo nga naman ! Dapat masanay na kong mas mahalaga sa kanila ang mansion kaysa sakin . Tama ! Ganun na nga .

BINABASA MO ANG
Kim Dahyun & The J-Trinity
Fiksi PenggemarKim Dahyun & The J-Trinity "Kim Dahyun , Pwede ka nang magsimula sa bago mong trabaho . Good Luck , Sana'y makatagal ka . Binabalaan na kita dahil hindi biro ang trabahong pinasok mo . Siguraduhin mong magtitino ang tatlong magpipinsan na apo ng Cha...