DAHYUN'S POV :
Masaya ako dahil naging successful ang Pajama Party namin . May mga pictures at video ako sa phone ko na masasaya kaming lahat . Ewan ko kung bakit biglang naging masayahin ang tatlong 'yun .
Hindi ko na pinansin kasi ang mahalaga ay maging closer at mag-enjoy sila pare-pareho . Ang ganda talaga ng plano ko . Kaso , Sa huli narealized nila na tawanan pala sila nang tawanan . HAHAHAHA 👏😂 Hindi na mahalaga 'yun , Ang mahalaga ay nakapag-Party kami nang sama-sama .
Mas ikinagulat ko naman na tinulungan ako ni Momo na maglinis ng mga kalat namin . Bakit ganito ? Bigla ata siyang naging nice . Hindi ako sanay .
NagFighting si Mina , NagGoodnight si Sana at Tinulungan ako ni Momo 😱 Nasobrahan ata sila sa kakatawa . Masyado ko kasing ginalingan . Lol . HAHAHAHA .
Nagulat lalo ko nang hawakan ako sa ulo ni Momo . Ang awkward kaya ! Ewan ko kung anong pumasok sa utak niya kaya ganyan siya sakin . Nagpasalamat pa siya sa effort at mga niluto ko .
Sa bagay , Dapat lang naman akong pasalamatan eh . Hahaha . Agad na rin akong pumunta sa kwarto dahil ang awkward na talaga na ganito si Momo . Masyado ata siyang natuwa .
Agad ko rin namang isinend kay Secretary Park ang mga pictures na kinuhanan ko ngayon araw . Isinend ki na din ang videos namin na nagpaparty . I'm sure matutuwa si Chairman .
Dahil sa sobrang pagod ko , Nagpahinga na ko . Kailangan ko nang magpahinga . Napagod ako eh . Fighting !
Kinabukasan , Nang magising ako --- Tanghali na . Aish ! Agad akong kumilos at nag-ayos ng sarili ko. Nang lumabas ako sa kwarto , Nakita ko si Sana na naglalakad kaya naman nilapitan niya ko .
"Monster Maid , Salamat sa effort mo kagabi pero tandaan mo --- Wala paring magbabago , Ikaw parin si Monster Maid . Hahaha" Sabi ni Sana sakin sabay lakad na papunta sa kwarto niya .
Nga naman , Dapat nasanay na ko 👏😎 Bumaba na ko ng hagdan at nakita kong tahimik lang na nagbabasa ng libro si Mina sa living room .
"Yah ! Come Here" Sabi ni Mina sakin kaya lumapit ako sa kanya .
"Kalimutan mo na yung kagabi , Wala 'yun" Sagot niya sakin.
"Bakit naman ?" Tanong ko.
"Basta ! Kalimutan mo na 'yun . Inaantok lang ako kaya hindi ko alam ang ginagawa ko . Hinding-hindi ko na gagawin 'yun ! Pero , Thank you na din" Sagot niya.
"Okay , Sabi mo eh" Sagot ko sa kanya. Kunwari pa si Mina , Nag-enjoy naman talaga siya eh . Dine-deny pa 😂😂😂
Pumunta na lang ako sa kusina . Naabutan ko si Momo na may inaayos na pagkain .
"Tamang-tama , Dahyun . Come here" Sabi ni Momo sakin kaya naman lumapit ako sa kanya.
"May niluto akong pagkain para sayo" Sagot niya sakin sabay smile.
"Para Sakin ? Talaga ?" Tanong ko.
"Oo naman , Tada ! Kimchi para sayo" Sagot niya .
"Wow ! Salamat" Sagot ko.
Pumunta na kami sa Dining Room ni Momo , Sinimulan ko nang kainin ang Kimchi habang si Momo nakatingin sakin nang naka-smile.
BINABASA MO ANG
Kim Dahyun & The J-Trinity
FanficKim Dahyun & The J-Trinity "Kim Dahyun , Pwede ka nang magsimula sa bago mong trabaho . Good Luck , Sana'y makatagal ka . Binabalaan na kita dahil hindi biro ang trabahong pinasok mo . Siguraduhin mong magtitino ang tatlong magpipinsan na apo ng Cha...