DAHYUN'S POV :
Kinabukasan , Agad na kong nagsimula sa pagpaplano ng Outing namin bukas. Kailangang maging exciting ang mangyayaring outing .
Inisulat ko na sa papel ang mga dapat kong bilhin at ang mga dapat kong gawin para maging exciting ang outing namin.
Nagulat na lang ako nang biglang sumulpot sa harapan ko yung tatlo .
"Oh , Anong ginagawa niyo diyan ?" Tanong ko sa kanila.
"Diba ngayon ka bibili ng mga kailangan para sa outing natin" Sabi ni Mina.
"Tama kayo , Bukas na kasi ang outing natin" Sagot ko.
"Saan naman tayo maga-outing ?" Tanong naman ni Sana.
"Si Secretary Park na ang bahalang mamili ng pupuntahan natin eh . Siya ang maghahatid satin" Sagot ko sa kanila.
"Oh , Total mamimili ka na rin naman ngayon . Samahan ka na namin" Sabi ni Mina.
"Naku , Wag na . Kaya ko na naman eh" Sagot ko sa kanila.
"Naku Dahyun , Mamimili rin naman kami eh" Sagot naman ni Sana.
"Tama ! Ako nang bahala sa foods" Sagot naman ni Momo.
"Sige na nga , Tara na" Sagot ko sa kanila.
Ano pa bang magagawa ko ? Saka , Naisip ko na magandang idea 'to para mas maging close pa silang tatlo . Akalain mo sila na mismo ang nagvolunteer na sumama sakin .
Umalis na kami ng mansion at naglakad na lang . Nang dumaan kami sa bahay ni Somi , Nakita ko siyang nakatingin sakin .
"Ano ?!" Sigang tanong ni Sana kay Somi .
"Basura !" Sigaw naman ni Mina sa kanya.
"Duwag !" Sigaw naman ni Momo sa kanya.
Napailing na lang si Somi dahil sa kanila . Sa bagay , Ang saya rin palang magkaroon ng mga ganitong kaibigan . HAHAHAHAHA !
Mabuti nga kay Somi 'yun . Dapat lang na matuto na siya ng leksyon niya . Hindi na ko papayag na magpalait sa kanya noh .
Tawa nang tawa 'yung tatlo habang naglalakad kami .
"Tara na nga , Hahaha ! Tawa kayo nang tawa diyan" Sabi ko sa kanila.
"Kasi naman , Nakakatawa yung itsura niya" Sabi ni Sana.
"Tama ! Dapat lang naman kasi sa kanya 'yun" Sabi naman ni Mina.
"Kapag di pa siya tumigil sa panggugulo sayo , Ako na makakalaban niya" Sabi ni Momo sakin.
Napatawa na lang ako sa kanila . Lumakad na lang kaming apat at sumakay na sa Bus papuntang Mall .
Nang makarating kami sa Mall , Nagsimula na kaming mamili ng mga pagkain , damit , etc para sa outing namin .
Ang kulit-kulit nilang tatlo . Napapatawa na lang ako sa tuwing magkukulitan sila . Masaya ako dahil mukhang nagiging maayos na ang samahan nila . Napalapit na ang pag-alis ko . At least , Nakasama ko sila . Ang mahalaga ay magkaayos na silang tatlo .
"Picture tayong lahat !" Sabi ni Sana kaya naman nagpicture na kami nang magkakasama . Yung dating Sana , Momo at Mina na nagaaway noon --- Natuto nang tanggapin ang isa't-isa ngayon nang unti-unti . Ang cute na nga nilang tingnan eh .
"HAHAHA ! Nakakatawa ang itsura ni Sana dito" Sabi ni Momo nang tumatawa.
"Yah ! Patingin ako ng itsura ko" Sabi ni Sana kay Momo.
"Ang kulit niyong dalawa , Patingin nga ! HAHAHA . Nakakatawa nga" Sabi ni Mina sa kanila .
Ang kulit nila habang nag-aagawan dun sa cellphone . Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan silang tatlo .
"Dahyun , Anong problema ?" Tanong ni Momo.
"Masaya lang ako na makita kayong magkakasama" Sagot ko sa kanila.
"Aish ! Ang drama , Monster Maid . HAHAHA !" Sabi naman ni Sana sabay tawa.
"Halika nga dito !" Sabi naman ni Mina sakin .
Nagulat ako nang hilahin ako ni Mina palapit sa kanila .
"Ba--Bakit ba ?" Tanong ko.
"Group Hug !" Sabi ni Mina .
Natigilan ako nang yakapin nila akong tatlo . Napamahal na sila sakin kahit na nakakabuwisit sila kung minsan . Mga kaibigan ko na sila eh .
Alam ko namang mabubuti silang tao kaya naman naiintindihan ko sila .
"Ang drama niyo !" Sabi ko sa kanila kaya natawa naman sila sakin .
Inituloy namin ang pagsasaya sa mall . Minsan lang 'to kaya naman dapat na magsaya kami .
Alam ko naman kasing hindi na 'to mangyayari sa future dahil aalis na ko . Malapit na silang magkaayos-ayos eh . Masaya ko para sa kanilang tatlo .
Inabot na kami ng gabi kaya naman bumiyahe na kami pauwi . Nasa dulong part kami ng bus nakaupo . Masaya akong naka-bonding ko silang tatlo ngayon . Sana magtuloy-tuloy ang bonding nila kahit wala na ko sa tabi nila .
🌹To be Continued🌹
BINABASA MO ANG
Kim Dahyun & The J-Trinity
FanfictionKim Dahyun & The J-Trinity "Kim Dahyun , Pwede ka nang magsimula sa bago mong trabaho . Good Luck , Sana'y makatagal ka . Binabalaan na kita dahil hindi biro ang trabahong pinasok mo . Siguraduhin mong magtitino ang tatlong magpipinsan na apo ng Cha...