DAHYUN'S POV :Nang dumating kami sa Picnic Area , Inilatag ko na ang blanket at iniayos ang mga pagkain namin .
"Umupo na nga kayong tatlo dito" Sabi ko sa kanila .
Napilitan naman silang umupo . Alam ko ! Pero dapat na gawin nila 'to para rin sa kanila 'to noh.
Napatingin ako kay Secretary Park sabay thumbs up . Ang galing ko talaga . Lol !
"Miss. Kim , Ipinabibigay ni Chairman . Yan ang bayad sa pagsisikap mo" Sagot niya sakin sabay abot ng sobre . Nagulat ako nang makitang 25K yung nasa sobra . OMG !
"Naku , Sobrang taas naman po nito . Isang araw palang naman po ko" Sagot ko.
"Kulang pa nga 'yan sa efforts mo eh . Sa katunayaan , 1 hour nga lang tumatagal yung mga dating maids" Sagot niya .
Talaga ?! Grabehan naman .
"Pero masyado po itong malaki" Sagot ko.
"Ganito na lang , Mamaya ko na ibibigay sayo kapag sinundo ko kayo . Sa ngayon , Fighting muna ! Siguraduhin mong kakain sila nang sama-sama" Sagot ni Secretary Park kaya napatango na lang ako .
Grabe naman yun , Ang laking halaga na nun ah . Sa bagay , Talaga namang nageffort ako para gawin ang best ko . Timping-timpi na kaya ako sa tatlong 'to .
"Magpakabait kayong tatlo . Susunduin ko kayo mamaya" Sabi ni Secretary Park sa kanilang tatlo kaya napatango na lang sila. Umalis na si Secretary Park.
Ayos ! Ngayon , Simula na ng plano ko 😍
Naupo na ko sa tabi nilang tatlo. I smiled at them kaso poker face lang sila .
Tapos , Ang layo pa ng agwat nila sa isa't-isa .
"Closer nga kayo , Para naman kayong magkakaaway niyan eh" Sabi ko.
"Para namang di kami magkakaaaway noh" Sabi ni Mina.
"Ayoko ! Nasusuka ako kapag nakakatabi ang dalawang yan" Sagot naman ni Sana.
"Wala ako sa mood pag nakikita ko silang dalawa" Sagot ni Momo.
"Shut Up nga kayong tatlo diyan , Closer pa !" Sabi ko sa kanila.
"Closer your face !" Sagot sakin ni Momo.
Aba ! Aba ! Aba ! Matigas ang mga ulo ah . Kinuha ko yung phone ko at nagmonstra na tatawag ako .
Napasmirk na lang ako nang maglapit lapit silang tatlo . Susunod din naman pala eh .
"Siguro talagang mahalaga sa inyo ang credit card niyo noh" Sabi ko sa kanila sabay smirk.
"Whatever Major Loser" Sagot sakin ni Sana.
Aish ! Grabe talaga sila 😠 Wew ! Mabuti na lang at mahaba ang pasensya ko .
"Ngayon , Kakain na tayo nang sama-sama at sabay-sabay" Sagot ko sabay ayos ng mga pagkain.
"Hindi pa ko gutom" Sagot ni Mina.
BINABASA MO ANG
Kim Dahyun & The J-Trinity
FanfictionKim Dahyun & The J-Trinity "Kim Dahyun , Pwede ka nang magsimula sa bago mong trabaho . Good Luck , Sana'y makatagal ka . Binabalaan na kita dahil hindi biro ang trabahong pinasok mo . Siguraduhin mong magtitino ang tatlong magpipinsan na apo ng Cha...