MINA'S POV :
First time na nagluto si Momo para samin kaya naninibago ko . Ang dami na talagang nagbago nang dumating si Dahyun sa mansion na 'to .
Nanonood ako ng TV nang puntahan ni Sana si Dahyun sa kusina . Tumayo ako at pumunta sa gilid sa labas ng kusina para alamin kung anong paguusapan nila .
Napailing na lang ako sa mga tinanong ni Sana sa kanya . Obvious na may malalim na iniisip si Sana . Halata kaya sa mukha niya , Parang halos mabaliw na siya sa kung anong iniisip niya .
Hanggang ngayon , Kinukulit parin niya si Dahyun na ma-attract sa kanya . Baliw talaga siya kahit kailan. Hindi niya matanggap na meron pa palang di tatablan ng charm na ipinagmamalaki niya . Masyado kasi siyang confident sa sarili niya . Ang dami na ngang napaiyak na nai-date niya eh .
Maya-maya pa , Nagmadali akong bumalik sa pwesto ko sa sofa para di obvious na pinakinggan ko sila .
Nakita kong lumabas si Sana at sinundan naman siya ni Dahyun . Agad na kong kumilos para sundan sila . Nakita ko sila sa Garden . Aba ! Dun pa talaga . Pinagmasdan at pinakinggan ko sila sa isang sulok .
Nagiging seryoso na ba si Sana kay Dahyun ? Si Dahyun na ba 'yung katapat niya ? Kitang-kita ko sa mata ni Sana na nalulungkot at naguguluhan siya . Nakita niya rin yung yakapan moment ni Momo at Dahyun kagabi kaya siguro nagkakaganyan siya .
Eh , Bakit naman siya magkakaganyan ? Di kaya nagseselos siya ? Oh ! Totoo ba 'to ? Si Sana , Nagseseryoso nang magmahal ? Tsk ! Kaya ayokong nagloloko eh . Kasi gusto ko seryosohan . As if namang gusto siya ni Dahyun . Ayos lang 'yan , Mina . Wag kang mag-alala , Wala ka namang pakialam eh . Aish , Sa kwarto na nga lang muna ko .
Napailing na lang ako at pumasok na sa loob . Dumeretsyo ko sa kwarto ko . Ayokong makita yung mga ganung scene . Naiirita lang ako . Basta , Ayoko lang .
Makalipas ang ilang minuto , Lumabas na ulit ako . Nakita ko si Dahyun at Momo na mgkausap na . May malaking teddy bear na yakap si Dahyun habang masayang nakikipagusap si Momo sa kanya .
So , Yun yung binili ni Momo ? Para kay Dahyun . Bakit naman niya naisipang bigyan si Dahyun ng ganun ? Wait ! So , Ano namang pakialam ko ? Aish . Bumaba na lang ako at lumapit sa kanila.
"May pupuntahan lang ako" Sabi ko.
"Saan naman ?" Tanong ni Dahyun.
"Basta , Babalik din ako" Sagot ko.
"Samahan na kita" Sagot ni Dahyun sakin.
"Kaya ko na 'to" Sagot ko.
"Hindi , Samahan na kita" Sagot ni Dahyun .
"Pero----" Sabi ko.
"Diyan ka lang ! Hintayin mo ko kundi isusumbong kita kay Chairman . Ilalagay ko lang ang teddy bear sa kwarto ko" Sabi niya sabay lakad na .
Nagkatinginan lang kami ni Momo .
"Saan ka naman pupunta ?" Tanong niya
"Magpapahangin lang" Sagot ko.
Tumango na lang siya sakin .
BINABASA MO ANG
Kim Dahyun & The J-Trinity
FanfictionKim Dahyun & The J-Trinity "Kim Dahyun , Pwede ka nang magsimula sa bago mong trabaho . Good Luck , Sana'y makatagal ka . Binabalaan na kita dahil hindi biro ang trabahong pinasok mo . Siguraduhin mong magtitino ang tatlong magpipinsan na apo ng Cha...