Chapter 53 - Love , Love , Love

707 30 3
                                    

MINA'S POV :

Nang dumating sila Sana at Dahyun , Agad ring bumalik sa pagpapahinga si Momo . Anyare kaya 'dun ? Ang weird niya kanina . Parang ayaw na niyang pakawalan si Dahyun mula sa yakap niya .

Habang kinukumusta ni Dahyun si Momo , Naiwan kami ni Sana sa living room.

"Kumusta ? May nangyari bang masama kanina ?" Tanong ko.

"Sa totoo kasi , Sinundan ko si Dahyun nung magpadala siya ng pera sa family niya then sinundan ko siya sa restaurant na kinainan niya . Sakto namang dumating din si Somi kasama ang girlfriend niya" Sabi ni Sana.

"Tapos ?" Tanong ni Mina.

"Hindi naman ako nagdalawang-isip na ipagtanggol si Dahyun dahil nilalait-lait na naman ni Somi si Dahyun . So , Ang ending nag-away si Somi at yung girlfriend niya . Dapat lang sa kanya 'yun" Sagot ni Sana.

"Hindi na talaga nagtanda ang Somi na 'yun . Dapat siyang turuan ng leksyon" Sagot ko.

"Ayos na , Mina . Binutas ko na yung gulong ng kotse niya . Binato na rin namin ni Dahyun ng bato yung bintana ng bahay niya kaya basag na" Sagot ni Sana.

Natigilan ako sa sinabi niya . Seriously ?

Agad akong lumapit kay Sana kaya naman naalerto siya .

"A--Anong gagawin mo ?" Tanong niya.

"Ang galing niyo talaga . Tama 'yun ! Dapat pinasabog niyo na rin ang bahay niya" Sagot ko.

"Ta--Talaga ? Haha" Natatawang tanong ni Sana.

"Oo naman ! Haha , Kulang pa 'yun sa ginawa niya kay Dahyun" Sagot ko sabay smile na lang.

"Hindi ko in-expect na sasang-ayon ka" Sagot ni Sana.

"Basta para kay Dahyun" Sagot ko.

"Ah , Mina . What if magreklamo si Somi sa pulis ?" Tanong niya sakin.

"Simple lang ! Sumama ka sakin . May pupuntahan tayo sandali" Sagot ko sa kanya .

Sumunod na siya sakin hanggang sa makarating kami sa bahay ni Somi . Nakita namin siyang nakahawak sa ulo niya . Halata namang problemado siya .

"Kayo ! Kayong may gawa nito noh ?!" Galit na tanong ni Somi.

"Eh , Ano naman ngayon kung kami ?" Tanong ko .

"Bayaran niyo 'to kung hindi magrerelamo ko sa pulis" Sagot niya.

"Then magrereklamo kami na hina-harass mo si Dahyun" Sagot ko.

"Ikaw talaga ! Ang yabang mo rin eh noh" Sagot sakin ni Somi.

"Talaga ? Pwes , Ipapakita ko sayo kung gaano ko kayabang !" Sagot ko sabay kuha ng malaking bato .

"Te---Teka , Anong gagawin mo ?!" Awat ni Somi.

Binasag ko yung sidemirror ng kotse niya .

"Hindi !" Sigaw niya sabay tingin sakin nang masama.

"Bayaran mo 'yan !" Sigaw niya.

"Fine" Sagot ko sabay kuha ng pera sa wallet ko . Hinawakan ko siya sa kamay at inilapag sa palad niya ang perang sobra pa sa kailangang bayaran. 

"Ano ba talagang gusto mo ?!" Galit na tanong ni Somi.

"Gusto kong lubayan mo si Dahyun . Kapag nandiyan siya , Isipin mong hindi kayo magkakilala . Sa bagay, Never mo naman kasing nakilala si Dahyun dahil puro panlalait lang ang alam mo" Sagot ko.

"Tama !" Sagot naman ni Sana.

"Letcheng buhay 'to ! Iniwan na nga ko ng girlfriend ko . Basag-basag pa ang mga bintana ng bahay ko . Butas pa ang gulong ng kotse ko tapos ngayon pati yung side mirror nang dahil sa inyo !" Sigaw niya.

"Somi , Hindi lang 'yan ang aabutin mo kapag ginulo mo pa si Dahyun kaya kung ako sayo ---- Tumigil ka na" Sagot ko sabay lakad na paalis.

"Tama !" Sagot na naman ni Sana sabay sunod sakin pauwi .

Inabot na kami ng dilim . Nang makauwi kami ni Sana , Nagulat ako nang tapikin niya ko sa balikat.

"Good Job" Sabi niya sabay smile sakin . Napangiti na lang din ako . Dapat lang naman 'yun kay Somi . Kulang na kulang pa nga .

Lumakad na si Sana sa kwarto niya .Samantalang ako , Nagpahinga muna ko sa living room .

Sana naman magtanda na si Somi sa mga ginawa niya . Dahil kung guguluhin pa niya si Dahyun , Talagang makakatikim na siya sakin .

Maya-maya pa , Sumulpot na si Dahyun .

"Matulog ka na , Mina . Ako nang bahala dito" Sabi niya .

"Salamat . Ayos lang ako" Sagot ko.

"Hihintayin kong matapos ang paglilinis mo" Sagot ko sa kanya.

"Bakit naman ? Pwede ka nang matulog" Sabi niya sakin .

"Hindi ako makakatulog hangga't hindi ka pa natutulog . Matulog ka na din , Bukas na 'yan . Makakatulog ako nang ayos kapag nasigurado kong ayos ka na" Sagot ko.

Tumango na lang siya sakin at napangiti . Nang matapos siyang maglinis , Nagkatinginan kaming dalawa.

"Goodnight , Sweet Dreams" Sabi ko.

"Ganun din sayo" Masayang sagot niya.

"Fighting , Kim Dahyun !" Sabi ko nang ngiting-ngiti sa kanya.

"Bakit ganyan ka makangiti ? Hahaha" Tanong niya sabay tawa.

"Masaya lang ako" Sagot ko.

"You deserve to be happy , Fighting !" Sagot niya sakin .

Tiningnan ko muna siya hanggang sa makapasok siya sa kwarto niya . Napangiti na lang ako dahil sigurado na kong makakatulog siya ng maayos at maaga . Abot-tenga na naman 'yung ngiti ko .

When I am with her , I smile like an Idiot . Ewan ko ba , Basta alam ko kapag nandiyan siya --- Hindi ko na inaaala kung ano bang itsura ko . Palagi na lang akong napapangiti kapag nasa tabi ko siya . She's beautiful , inside and out .

Nagpahinga na rin ako sa kwarto ko . Nakangiti akong nahimbing ng tulog . GOODNIGHT , DAHYUN ~

💞To be Continued💞

Kim Dahyun & The J-TrinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon