Chapter 59 - For You 🌹

659 32 4
                                    

SANA'S POV :

Sobrang nag-enjoy ako sa paglalaro naming apat kanina sa dagat . Matapos kong magpalit ng damit , Nagpahinga na muna ko sa kwarto na tutuluyan ko .

Masaya pala talaga kapag wala kang problemang inaalala . Yun tipong wala kang ginawa kundi tumawa at ngumiti . Sana tuloy-tuloy na 'to . Nagugustuhan ko na kasi ang ganitong feeling eh .

Hindi ko inakala na mararanasan rin pala naming maging masaya . Yung dating puro bangayan lang naming magpipinsan , Napapaltan na ng masasayang alaala kasama si Dahyun .

Kakaiba talaga si Dahyun eh . Siya lang 'yung nakapagpabago ng takbo ng buhay namin . Yung dating puno ng lungkot at problema , Puno na ng saya ngayon .

Napag-isip isip ko na rin na dapat magbago na ko . Hindi na dapat ako nananakit ng feelings ng ibang tao . Ang dami ko na kasing naloko at napaglaruan noon eh . Nakikipagdate ako sa mga taong hindi ko naman talaga gusto . Pinaglalaruan ko lang ang feelings nila .

Si Dahyun 'yung nagparealized sakin na dapat na kong magbago . Dapat na kong maging seryoso sa buhay ko . Dapat na kong magseryoso sa taong ide-date ko .

Seseryosohin ko na talaga ang pakikipagdate . Hindi sa ibang tao kundi sa kanya , Sa taong nagbago ng buhay ko .

Kim Dahyun , Dahil sayo kaya natuto kong maging masaya . Dahil sayo , Handa akong magbago .

Para sa kanya , Aayusin ko na ang buhay ko . Gusto ko kasing patunayan sa kanya na kaya kong maging karapat-dapat para sa puso niya .

Mahal ko na siya , Mahal na mahal . Hindi ko na siya pakakawalan . Gagawin ko ang best ko para magustuhan niya rin ako .

Kakayanin ko 'to . Kim Dahyun , Ipapakita ko sayong kaya kitang alagaan at kaya kitang pasayahin nang higit pa sa ibang tao .

Ikaw lang ang nagpasaya sakin nang ganito . Kinuha ko na ang phone ko at binura na ang phone numbers ng mga ini-date ko noon sa contacts ko .

Kim Dahyun , You're my One and Only . Pangako 'yan . You'll be mine ~ Maghintay ka lang . Gagawa ako ng paraan hanggang sa magustuhan mo rin ako . Ang buwisit na 'to sa buhay mo , Magiging reason na ng happiness mo .

Makalipas ang ilang oras , Lumabas na muna ko ng kwarto ko . Siguro nagpapahinga pa sila Dahyun sa kani-kanilang kwarto .

Ano bang dapat kong gawin ? Ahah ! Alam ko na ~ Agad na kong lumapit sa mga employees ng beach resort ni Grandpa .

"Pwede bang magrequest ako ?" Tanong ko sa kanila.

"Opo naman po" Sagot nila.

Agad ko na silang binulungan sa gusto kong gawin nila . May plano ko . Alam kong mapapasaya ko siya sa ganito .

Napangiti na lang ako kasi alam kong ito na ang simula ng pagbabago ko . Naglakad-lakad na lang muna ko sa tabing dagat . Kinuha ko ang phone ko . Naisipan kong mag-selfie .

Instead na ipakita ang charm ko sa picture , Nag-wacky pose ako . Bakit ? Wala lang , Natutuwa lang ako eh . Hahahaha .

Sa totoo ----- Para pareho kami ni Dahyun . Pinagmasdan ko ulit yung mga wacky poses niya sa pictures niyang meron ako . Napatawa na lang ako . Plagai niya talaga kong napapasaya kahit sa mga pictures niyang 'to .

Kim Dahyun & The J-TrinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon