MINA'S POV :
Nage-exercise ako ngayong umaga dito sa mansion , Nakita ko si Sana na pasimpleng lumalakad palabas . Sanay na kong makita siyang ganyan . Palagi naman niyang hubby ang tumakas at makipagdate sa kung sino-sinong matipuhan niya .
Sa dami ng ini-date niya , Wala siyang sineryoso 👏😎 Kailan ba siya nagseryoso ?! Eh , Never naman . Balang araw , Makakatapat niya din ang katapat niya.
Maya-maya , Nakita ko ang maid naming si Dahyun na agad ring kumilos . Kasalukuyan siyang naglilinis tapos bigla niyang inilapag yung mga panglinis .
Lumabas din siya ng dorm . For sure ,Susundan niya si Sana . Goodluck na lang sa kanya . Wala pang naging maid dito ang nakapigil kay Sana sa gusto niya pagdating sa pakikipagdate.
Maya-maya , Lumabas na si Momo sa kwarto niya . Dere-deretsyo siya sa kusina . Isa pa ang isang 'yun eh . Walang ginawa kundi kumain . Nagtataka nga ko kasi kahit kain nang kain , Hindi naman tumataba .
Nang matapos akong mag-exercise , Nagpalit na ko ng damit at nagpahinga na muna sa garden sa labas ng mansion .
Para sakin , Pinakamapayapang place dito sa Mansion ay itong Garden . Bakit ? Kasi , Kapag nandito ko --- Gumagaan yung pakiramdam ko . Siguro dahil sa magagandang bulaklak at sariwang hangin .
Ipinikit ko ang mata ko dahil gusto kong pakiramdam ang sariwang hangin . Napangiti na lang ako nang walang dahilan.
Nang imulat ko ang mata ko , Agad akong napaiktad dahil sa una kong nakita 😱😠
"Nandito ka lang pala" Sabi sakin ng maid namin .
"Waaahh !" Sigaw ko nang makita ko siya.
Shete ! Halos atakihin na ko dahil sa kanya ! Akala ko kung ano na eh . Yung mukha niya kasi sobrang lapit sa mukha ko . Buwisit talaga siya .
"Ba--Bakit ka sumisigaw ?" Tanong niya sakin .
"Ano bang ginagawa mo dito ?! Bigla ka na lang sumusulpot !" Tanong ko sa kanya.
"Akala ko kasi tumakas ka din sakin eh" Sagot niya .
"Hindi ko gawain 'yun" Sagot ko sa kanya .
"Ganun ? Mabuti naman" Sagot niya sakin.
"Sino bang tumakas ? Si Sana ?" Tanong ko.
"Oo ! Mabuti na lang at mas matalino ko kaysa sa kanya . Kaya , Ikaw ! Wag kang magkakamaling tumakas sakin" Sagot niya sakin.
"Bakit ba nagtitiis ka pa dito ? Umalis ka na lang" Sagot ko.
"Yan ang hindi ko gagawin . Hindi ako susuko" Sagot niya sakin sabay pamewang.
"Lakas din ng fighting spirit mo" Sagot ko sabay iling na lang.
"Aba ! Siyempre , Para 'to sa pamilya ko" Sagot niya.
Pamilya ? Talagang gagawin niya lahat para sa pamilya niya eh noh .
"Kahit ba saktan ka namin nang personal , Kakayanin mo parin ?" Tanong ko nang paseryoso . Curious lang ako eh.
"Para sa pamilya ko , Gagawin ko ang lahat ng makakabuti sa kanila. Kahit masaktan ako , Wala akong pakialam dahil ang mahalaga sakin ay ang pamilya ko" Sagot niya sakin.
Tumango na lang ako at akmang lalakad na pabalik sa loob ng mansion .
"Sandali , Bakit parang gustong-gusto mo dito sa Garden ?" Tanong niya.
"Wala ka na 'dun . Siguro dahil ito lang ang lugar na hindi kita makikita" Sagot ko.
"Grabe ka naman sakin , Mina . Hindi naman sa lahat ng oras ay buwisit lang ang madadala ko sa inyo" Sagot niya.
"Basta , Hayaan mo na lang akong mag-isa" Sagot ko.
"Don't Worry , Hindi kita gagambalain sa lugar na 'to" Sagot niya sakin sabay smile pa .
"Mabuti kung ganun" Sagot ko.
"Sandali !" Tawag niya .
"Ano na naman ba ?" Tanong ko sa kanya. Ang kulit niya !
"Kung kailangan mo ng kaibigan , Nandito ko . Pwede tayong maging friends" Sabi niya .
"I'm not interested" Sagot ko nang paseryoso sabay lakad na papasok sa loob ng mansion.
Nang pumasok ako sa loob ng mansion , Nakita kong nakasimangot na nanonood ng TV si Sana . Aba ! Napabalik niya si Sana .
Siya palang ang kaisa-isang nakapigil kay Sana sa lahat ng naging maid dito .
"Kawawang Sana" Pagpaparinig ni Momo kay Sana.
"Shut Up , Takaw !" Sagot ni Sana kay Momo.
"Kaya wag niyo kong susubukan . Hindi niyo ko maiisahan" Sabi ni Dahyun samin.
"May araw ka rin sakin" Sabi ni Sana sa kanya.
"Okay ! Bring it on , Shiba Inu !" Sagot ni Dahyun nang matapang .
Napailing na lang ako sa kanila . Ang gugulo nila 👏😎 Bumalik na lang ako sa kwarto ko para magpahinga .
💖To be Continued💖
Fighting ! 😍😘💟
BINABASA MO ANG
Kim Dahyun & The J-Trinity
FanficKim Dahyun & The J-Trinity "Kim Dahyun , Pwede ka nang magsimula sa bago mong trabaho . Good Luck , Sana'y makatagal ka . Binabalaan na kita dahil hindi biro ang trabahong pinasok mo . Siguraduhin mong magtitino ang tatlong magpipinsan na apo ng Cha...