SANA'S POV :
Kinabukasan , Nagising ako ng 8AM . Bored na bored na talaga ako sa mansion na 'to . Gusto ko nang umalis at gawin ang gusto ko.
Teka nga lang ! Bakit nga ba hindi na lang muna ko lumabas ng dorm ? Sandali lang naman ako eh .
Agad na kong nag-ayos ng sarili at agad na kumilos . Aalis ako ng mansion ngayon at mage-enjoy muna sa labas .
Wala akong kotseng gagamitin . Nakakainis ! Bakit kasi hindi pa pumayag si Grandpa na dalhin din dito sa Mansion ang kotse namin ?! Maglalakad pa tuloy ako't sasakay sa mga pampublikong sasakyan .
Lalabas na sana ko ng mansion nang biglang --
"Saan ka pupunta ?" Natigilan ako sabay tingin sa kanya . Sino pa ?! Eh di si Dahyun , Ang weird na maid . Naglilinis siya ngayon .
"Sa labas lang , Magpapahangin" Sagot ko.
"Ahhh---Ganun ba ? Sige" Sagot niya sakin kaya naman pasimple kong napangiti . Ayos ! Makakaalis din sa wakas .
Nagmadali na kong lumakad . Yes ! Kalayaan ~ 😁😁😁😁😁 Namiss kong gumala . Alam ko na ang gagawin ko ngayon . Makikipagdate na lang ako sa girls na nasa contacts ko sa phone .
Sino kaya ang mai-date ? Hmmm ~ Alam ko na ! Si Eunha na lang , Na-meet ko sa Bar last month .
Agad ko na siyang ini-text na magkikita kami sa restaurant na ibinigay ko ang location sa kanya . Sumakay na ko ng bus at nagsoundtrip na muna .
Nang makarating ang bus sa bababaan ko , Agad na kong bumaba at agad rin namang pumunta sa restaurant kung saan magkikita kami ni Eunha .
Namiss kong makipag-date . Finally , Hindi na boring . Sanay na naman akong makipagdate eh . Ang dami ko na ngang na-date dati pero wala akong sineryoso sa kanila 👏😎 Bakit ako magseseryoso ?! Eh hindi ko naman sila mahal . HAHAHAHA ! Kumbaga , Pampalipas oras ko lang . Exciting eh .
Agad na rin naman akong pumasok sa restaurant . Nakita kong naghihintay na sakin si Eunha . Napangiti siya nang makita ako.
"Sana , Namiss kita . Kumusta na ? Ang tagal nating di nagkita" Sabi ni Eunha sakin.
"Ayos naman ako , Eunha ko ~" Sagot ko sabay kiss sa cheeks niya .
Naupo na ko sa harapan niya . I smiled at her .
"Bakit nga pala naisipan mong makipagmeet ngayon ?" Tanong niya.
"Namiss kita" Sagot ko sa kanya sabay wink kaya kinilig siya 👏😂
Basic lang talaga sakin ang magpakilig . HAHAHAHA !
"Namiss din kita" Sagot niya sakin nang kinikilig pa .
"Masaya ka bang makita ako ?" Tanong ko sa kanya.
"Sobra !" Sagot niya sakin.
"Kung ganun , Mabuti 'yan kasi --- masaya rin ako na makita ka ulit" Sagot ko sabay hawak sa kamay niya .
"Talaga ?" Kinikilig na naman niyang tanong.
BINABASA MO ANG
Kim Dahyun & The J-Trinity
FanficKim Dahyun & The J-Trinity "Kim Dahyun , Pwede ka nang magsimula sa bago mong trabaho . Good Luck , Sana'y makatagal ka . Binabalaan na kita dahil hindi biro ang trabahong pinasok mo . Siguraduhin mong magtitino ang tatlong magpipinsan na apo ng Cha...