Chapter 44 - I'll Protect You

838 31 3
                                    

MINA'S POV :

Nang magising ako ng umaga , Napansin kong nawawala si Dahyun dahil sinubukan ko siyang katukin sa kwarto niya nang ilang ulit pero walang sumasagot . Sinubukan ko siyang contact-in pero hindi niya sinasagot ang phone niya . Balak ko sana siyang yakaging mag-jogging . Gusto ko kasing ma-experience na mag-jogging na kasama ang kaibigan ko .

Dahil hindi siya sumasagot sa kwarto niya , Nagdesisyon na kong buksan ang pinto ng kwarto niya dahil hindi naman siya nagla-lock . Natuklasan kong wala siya sa kwarto niya. 

Kaya naman kinutuban na ko nang masama . Agad ko na siyang hinanap sa buong mansion kaso wala talaga siya . Nasaan na kaya si Dahyun ?

Sunod ko namang pinuntahan ang labas ng mansion . Natigilan ako nang makita kong natutulog si Sana sa bench sa Garden . Anong ginagawa niya dun ?! Dun siya natulog ? Agad ko na siyang ginising .

Nang malaman kong wala nga talaga si Dahyun , Kinabahan na ko't nag-alala . Saan naman siya nagpunta ? Nalaman kong nag-away sila ni Sana kaya naman nag-panic na ko . Malamang kagabi pa siya umalis , Hindi naman nagalaw yung kama at yung CR niya eh.  Baka nasaktan talaga siya sa pagtatalo nila ni Sana sa kung ano. 

Sa ngayon , Kailangan ko munang mahanap si Dahyun . Mamaya ko na lang aalamin ang reason kung bakit sila nag-away ni Sana . Ano na naman ba kasing ginawa ni Sana ?! Tsk !

Wala siyang pwedeng puntahang iba dahil wala naman siyang kakilala . Maliban na lang kung ----- Nagpunta siya kay Somi ? Hindi pwede ! Hindi dapat siya magpunta sa Somi na 'yun ! Masasaktan lang siya .

Agad na kong kumilos at inutusan si Sana na gisingin na si Momo . Nagtatakbo na ko papunta sa bahay ni Somi . Halos madapa na ko sa sobrang bilis ng takbo ko . Sa pagtakbo ko , Natalisod ako sa isang bato kaya naman nadapa ako. 

Pero , Hindi parin ako susuko . Kailangan kong mahanap si Dahyun . Kailangan ko siyang protektahan . Agad na kong bumangon at tumakbo na ulit . Wala akong pakialam kung masaktan ako , Ang mahalaga ay mahanap ko siya .

Nang dumating ako sa bahay ni Somi , Nakita ko si Dahyun na biglang napaupo sa sahig sa tulak ni Somi . Nagulat ako sa nangyari . Lalapit na sana ko sa kanila kaso biglang nagsalita si Somi . Anong nangyayari ?!

Narinig ko kung anong mga sinabi ni Somi kay Dahyun . Ngayon , Alam na ni Dahyun ang lahat . Alam na niyang niloloko lang siya ni Somi . Ang lakas ng loob ng taong 'yun na saktan siya ! Pumasok sa loob si Somi at bumalik sa labas dala ang sandals sabay bato sa tabi ni Dahyun .

Basura ?! Si Dahyun ?! Siya ang dapat na ihalintulad sa basura dahil sa ugali niya ! Nakita kong umiiyak si Dahyun dahil sa mga pinagsasabi ni Somi sa kanya .  Agad na kong lumapit sa kanila .

"Tumayo ka diyan" Sabi ko kay Dahyun .

"Bakit ba nangingialam ka dito ?!" Tanong ni Somi sakin .

Tiningnan ko lang siya nang masama . Kailangang matuto nang leksyon ng taong 'to dahil sa ginawa niya 👊😠

"Sinabi nang tumayo ka diyan" Ulit ko kay Dahyun . Dahan-dahan siyang tumingala at tumingin sakin .

"Mi--Mina" Mahina niyang sabi habang umiiyak.

"Tumayo ka sabi diyan eh" Sagot ko kay Dahyun.

Kim Dahyun & The J-TrinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon