CHAEYOUNG'S POV :
Sa pagkaka-brokenhearted ni Tzuyu kay Dahyun Unnie , Hindi ako umalis sa tabi niya . Palagi kong sinisigurado na mapapangiti ko siya kahit na nalulungkot siya .
Nasa classroom kami ni Tzuyu ngayon , Last subject na namin para sa araw na 'to . Nagtuturo ang teacher namin sa unahan . Nagulat na lang ako nang biglang tawagin ng teacher namin si Tzuyu .
"Tzuyu ! Are you with us ?" Tanong ng teacher kay Tzuyu . Lumingon ako kay Tzuyu . Napahawak na lang ako sa ulo ko dahil nakatunganga pala siya't nakatingin lang sa labas ng bintana ng classroom .
"Tzuyu ! What's happening to you ?!" Malakas na sabi ng teacher sa kanya.
"Yah ! Tzuyu ! Tawag ka ni Mom" Sabi ng mga classmates namin kay Tzuyu . Agad namang nagulat si Tzuyu . Bigla siyang tumayo sa kinauupuan niya .
"Bakit ?! Anong meron ?! Sinong tumatawag sakin ?!" Gulat na tanong ni Tzuyu samin .
Obvious na hirap parin siyang maka-move on kay Dahyun Unnie . Kasi naman eh , Bakit hindi na lang ako ang minahal niya ? Kawawa naman si Tzuyu .
"Ako ! Ako ang tumatawag sayo !" Sagot ng teacher namin sa kanya.
"Pa--Pasensya na po , Bakit po ?" Tanong ni Tzuyu kay Ma'am.
"Nakatulala ka na naman ! Ano bang problema mo ? Hindi ka naman ganyan dati ! Bilang parusa , Ikaw ang maglinis nitong classroom" Sambit ni Ma'am sa kanya .
OhMyGod ! Kawawa talaga si Tzuyu . Brokenhearted na nga , Paglilinisin pang mag-isa ng classroom .
Hindi pwedeng hindi ko siya dadamayan . Kailangan ko siyang tulungan .
Agad na kong umub-ob sa table ko't nagkunwaring tulog . Nang mapansin ako ni Ma'am , Pinatayo niya ko.
"Isa ka pa , Chaeyoung ! Ano bang nangyayari sa inyo ng bestfriend mo ?!" Tanong ni Ma'am.
"Sorry po , Inaantok ako" Sagot ko kay Ma'am
"Ganun ?! Sige ! Dahil inaantok ka , Samahan mong maglinis ang bestfriend mo . Nagiging troublemakers kayo !" Sagot ni Ma'am.
"Salamat po este Sige po pala" Sagot ko kay Ma'am sabay upo na ulit sa upuan ko.
Lumingon ako kay Tzuyu na nasa tabi ko . Seryoso siyang napatingin sakin . Pasimple na lang akong nag-thumbs up sa kanya . Nang matapos ang klase , Naiwanan kami ni Tzuyu sa classroom namin .
"Bakit nagpasaway ka kay Ma'am ?" Tanong niya sakin.
"Wala eh, Sinaway niya ko . Nagpasaway ka rin naman" Sagot ko.
"Hindi naman sadya 'yung sakin , Sadya kaya yung sayo . Sinadya mong magpasaway para sakin noh . Aish ! Eh di sana nakauwi ka na ngayon" Sagot niya sakin.
"Mas gusto kong magstay dito kasama mo . Mas gusto kitang makasama kaysa tumunganga akong mag-isa sa kwarto ko . Alam mo namang hindi kita pababayaang mag-isa eh" Sagot ko sa kanya.
"Aish ! Bakit kasi ang hirap mag-move on ?!" Malungkot niyang tanong sakin.
"Kaya mo 'yan ! Tiwala lang , Wag mo na siyang isipin . Mas hindi ka makaka-move on niyan ! Maglinis na lang tayo para naman makauwi na tayo" Sagot ko sa kanya.
Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Napalingon ako sa kanya . Seryoso siyang nakatingin sakin.
"Oh , Bakit ?" Tanong ko sa kanya.
"Thank you for always being here for me , Chaeyoung" Sagot niya sakin
"Ano ka ba ?! Wala 'yun ! Mahal na mahal kita eh" Sagot ko sa kanya .
"Huh ?" Gulat niyang tanong.
"I mean ---- Mahal na mahal kita bilang bestfriend ko" Sagot ko sa kanya . Hanggang ngayon , Di ko parin maamin sa kanya ang katotohanan na mahal ko talaga siya higit pa sa pagkakaibigan .
"Ah , Ganun ? Thank you , Chaeyoung . Alam mo namang mahal na mahal rin kita" Sagot niya sakin sabay akbay pa sakin.
"Oh siya ! Maglinis na tayo" Sagot ko . Ngumiti na lang siya sakin at naglinis na rin .
Masaya na kong napapangiti ko siya kahit papaano . Ayos na 'to . At least , Kasama ko parin siya hanggang ngayon .
Habang nagma-mop ng sahig , Nakaisip ako ng idea para mapatawa siya . Kinuha ko na yung mop at tinapakan ito .
"Tzuyu ! Look at me" Sambit ko sa kanya .
Sumayaw-sayaw ako nang tingnan na niya ko . Bigla naman siyang tumawa dahil sa ginagawa kong kabaliwan para sa kanya .
"Hahaha ! Baliw ka talaga ! Tama na nga yan , Baka madisgrasya ka pa" Sagot niya sakin sabay tawa pa .
Nagpatuloy ako sa pagsayaw , Hanggang sa bigla akong madulas at mapaupo sa sahig .
"Ouch !" React ko . Ang sakit eh ! Unang bumagsak ang butt ko .
"Chaeyoung !" Tawag ni Tzuyu sabay lapit sakin.
"A--Ayos lang ako" Sagot ko.
"Tsk ! Sabi na sayo eh , Ang kulit mo kasi . What If malala pa diyan ang nangyari sayo ?" Nag-aalala niyang sabi sakin .
Inalalayan na niya ko sa pagtayo . Masakit talaga eh ! Tsk ! Huhuhuhuhu .
"Gusto lang naman kitang mapasaya" Sagot ko.
"Hindi mo na kailangang gawin 'yun ! Makasama lang kita , Masaya na ko" Sagot niya sakin .
"Ta--Talaga ?" Tanong ko sa kanya.
"Oo ! Kaya maglinis na tayo" Sagot niya sakin.
Oh My God ! Makasama niya lang daw ako masaya na siya . Emegesh ! May gusto na ba siya sakin ?! Aish ! Chaeyoung , Nag-assume ka na naman . Ni hindi pa nga nakaka-move on kay Dahyun , Tas gusto ka na agad ?! Whatever . Nagde-delulu lang ako .
Nagpatuloy na lang kami sa paglilinis ng classroom. Mukhang imposible talagang magustuhan niya ko . Wag na kong umasa !
💔To be Continued💔
Talaga bang imposibleng magustuhan ni Tzuyu si Chaeyoung ? Maging successful kaya ang confession ni Momo kay Dahyun ? Abangan !
BINABASA MO ANG
Kim Dahyun & The J-Trinity
FanfictionKim Dahyun & The J-Trinity "Kim Dahyun , Pwede ka nang magsimula sa bago mong trabaho . Good Luck , Sana'y makatagal ka . Binabalaan na kita dahil hindi biro ang trabahong pinasok mo . Siguraduhin mong magtitino ang tatlong magpipinsan na apo ng Cha...