DAHYUN'S POV :Nang humiga na ko sa higaan ko para matulog dahil na-beastmode talaga ko sa kanila , Nakalimutan ko na palang kumain .
Nagugutom ako ngayon . Nagrereklamo yung sikmura ko . Tanga ko kasi ! Di pa ko kumain kanina .
Pinilit ko namang pigilan ang gutom kong 'to pero hindi ko na talaga kaya . Bumangon ako at pumunta sa kusina nang dahan-dahan .
Patay ang mga ilaw . Ayos lang , Di naman ako matatakutin masyado eh . Nang marating ko ang kusina , Binuksak ko na ang ref at nakakita ko ng isang bowl ng kimchi kaya kinuha ako na at sinimulang kainin .
Ang sarap 😍😘💞 Sa wakas , Makakakain na din ako ! Nag-enjoy lang ako sa pagkain nang makarinig ako ng paparating . Anong gagawin ko ?! Sino 'yun ?! Omg ! Baka isipin nila na patay gutom ako . Pinakialaman ko ang pagkain 😱
Hindi ko alam kung saan ako magtatago kaya naman naisip kong sa ilalim na lang ng lamesa magtago total madilim naman eh . Nagtago na ko sa ilalim dala ang isang bowl ng kimchi .
Sino ba 'tong nadating ?! Nagulat ako nang malamang si Momo pala . Patay ! Matakaw pa naman 'to . Baka sabihin niya kinuha ko ang pagkain niya 😱 Nagutom kasi talaga ako eh .
Binuksan niya ang ilaw . Nakakita naman ako ng switch sa gilid ko . Agad akong kumilos at pinindot ang off ng switch sa ilaw sa kusina . Saktong pag-on niya , Ini-off ko agad kaya di niya naman ako nakikita . Nagulat siya 👏😂
Halatang natatakot siya ngayon . Matatakutin pala ang isang 'to eh . HAHAHAHA ! Ang yabang tapos takot naman pala sa dilim .
Paulit -ulit ko lang pinipindot ang off hanggang sa magsawa na siya . Hinayaan na lang niyang patay ang ilaw . Binuksan niya ang ref at kumuha na ng tinapay .
Hindi ko naman napigilang maubo kaya nagulat siya . Lumakad siya palapit sa lamesa kaso di ko naitago ang paa ko kaya napasigaw siya .
Anong gagawin ko ?! Ang ingay niya ! Agad ko nang inilitaw ang ulo ko para magpakita sa kanya kaso mas sumigaw siya .
Hala ! 😱😱😱 Ano bang akala niya sakin ?! Nang matauhan siya , Napahawak siya sa dibdib niya . Lumabas na ko mula sa ilalim ng lamesa .
Kitang-kita ko sa mukha niya ang sobrang takot 👏😂 Nakakatawa ang itsura niya .
"Ano ba kasing ginagawa mo 'dun ?!" Inis niyang tanong sakin .
"Kasi nagutom ako , Hindi pa kasi ako kumakain simula kaninang pagdating ko dito . Pinigilan ko naman kaso gutom na talaga ako kaya naisip kong pumunta dito sa kusina at kumain" Sagot ko sa kanya.
"So , Kailangan sa ilalim ng lamesa ka kumain ?! Sira ! Kaya nga may lamesa eh" Sagot niya sakin .
"Pa--Pasensya na , Naisip ko kasing baka magalit ka kapag kinain ko 'tong kimchi kaya nagtago ako" Sagot ko.
"Iyong-iyo na 'yan . Aish ! Ikaw ang papatay sakin eh . Ang weird mo talaga !" Sagot niya sakin sabay pulot sa tinapay niyang bumagsak sa sahig . Itatapon na niya yung tinapay sa trash can pero pinigilan ko siya.
"Sandali !" Awat ko.
"Ano na naman ?!" Tanong niya.
"Wag mong itapon . Sayang , Wala pa yang 1 minute" Sagot ko sa kanya kaya natigilan siya.
"Eh , Ano naman kung itapon ko 'to ?! Ew ! Bumagsak na sa sahig !" Sagot niya.
"Teka nga ! Akin na nga 'yan !" Sabi ko sabay kuha sa tinapay .
Tumingin siya sakin nang weird.
"Ang weird mo talaga ! Balak mong kainin yan ?!" Tanong niya sakin.
"Oo naman , Sayang 'to noh . Saka , Dapat pinahahalagahan mo ang pagkain . Hindi porket mayaman kayo ay magaaksaya na kayo" Sagot ko sa kanya.
"Ibang klase ka talaga !" Sagot niya sakin.
"Here ! Ayan na ulit ang kimchi . Konti palang naman nababawas ko diyan . Ito na lang tinapay ang kakainin ko" Sagot ko sabay kain na sa tinapay .
Bakit ba ?! Malinis naman 'yun eh . Saka , Ang kintab kintab kaya ng sahig na pinagbaksakan . Pagkain din 'to noh .
"Di bale na , Kainin mo na 'yan" Sagot niya sakin.
"Talaga ?!" Tanong ko.
"Oo ! Sayo na 'yan , Hindi na ko nagugutom . Diyan ka na nga" Sagot niya sakin sabay akmang aalis na.
"Kung gusto mo , Share na lang tayo" Sagot niya.
"Di bale na , Mukhang kulang pa nga 'yan sayo . Matutulog na lang ulit ako" Sagot niya sabay lakad na.
"Salamat" Sagot ko sa kanya sabay smile . Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain. FOOD is 💖💖💖 . Yummy !
Kahit papaano , May nadulot na tama ang isang 'to . Kumain na lang ako nang kumain hanggang sa mabusog ako . Bumalik na ko sa kwarto at nagpahinga na 😍😘💞 Bukas ,Sisiguraduhin kong magkakalapit-lapit na sila 💪😎👏😂 FIGHTING !
🌹To be Continued🌹
Ano nga ba ang binabalak ni Dahyun ? Abangan !
BINABASA MO ANG
Kim Dahyun & The J-Trinity
FanfictionKim Dahyun & The J-Trinity "Kim Dahyun , Pwede ka nang magsimula sa bago mong trabaho . Good Luck , Sana'y makatagal ka . Binabalaan na kita dahil hindi biro ang trabahong pinasok mo . Siguraduhin mong magtitino ang tatlong magpipinsan na apo ng Cha...