SANA'S POV :
Gabi na nang umuwi si Mina at Momo . Saan naman kaya sila nagpunta ? Kanina pa silang hapon umalis , Wala parin sila .
Nakaupo lang ako sa may sofa sa living room at hinihintay sila .
"Sana , Matutulog na ko . Kanina pa sila umalis , Wala padin sila ngayon" Sabi ni Momo sabay lakad na sa kwarto niya .
Napayuko na lang ako . Nasaan na kaya sila ? Ano nang ginagawa nila ? Napalingon na lang ako sa mga picture frames na inilagay ni Dahyun sa mga patungan .
Pinagmasdan ko ang mga pictures kung saan kasama namin siya . Sa isang iglap , Hindi ko in-expect na mahuhulog ako sa kanya . Oo , Gusto ko na si Dahyun .
Akala ko nung una trip ko lang kunin ang atensyon niya pero nagkamali ako. Gusto ko na pala siya 💔
Paano ko sasabihin sa kanya ? Paano ko aaminin ? Sobrang hirap sa pakiramdam na hindi ko masabi-sabi sa kanya .
Maya-maya pa , Narinig ko na ang boses niya . Kaya naman lumakad na ko para salubungin sila .
"Saan kayo nagpunta ?" Tanong ko sa kanila.
"Sa Park , Pasensya na . Ginabi kami . Nagala pa kami eh" Sagot ni Dahyun.
"Bakit ? May nangyari ba ?" Tanong ni Mina.
"Wa--Wala naman" Sagot ko.
"Oh Sige , Magpapahinga na ko" Sagot ni Mina sabay lakad na sa kwarto niya .
"Si Momo ?" Tanong ni Dahyun sakin . Si Momo na naman yung hanap niya . Pwede bang ako naman ?
"Nasa kwarto na niya" Sagot ko.
"Oh , Sige . Maglilinis na muna ko bago matulog" Sagot niya sabay kilos na .
Nagsimula na siyang maglinis kaya naman nilapitan ko na siya . Hindi ko na kayang itago 'tong nararamdaman ko . Para kong mababaliw araw-araw sa kakaisip kung anong gagawin ko .
"Dahyun , Kailangan nating magusap" Sabi ko sa kanya.
"Tungkol saan ?" Tanong niya sakin.
Hinawakan ko siya sa kamay at dinala sa labas ng mansion .
"Anong problema , Sana ?" Tanong niya.
"Araw-araw akong nag-iisip ng kung ano-ano . Halos mabaliw na ko kung paano sasabihin sayo 'to" Sagot ko.
"Ang Ano ?" Tanong niya.
"Can you hear my heart ?" Tanong ko sa kanya.
"What do you mean ?" Tanong niya.
"Kim Dahyun , Hindi ko in-expect na ikaw pala yung katapat ko . Alam kong hindi kapani-paniwala pero ito ang totoo" Sagot ko.
"Deretsyuhin mo na kasi ako" Sagot niya.
"Mahal kita , Kim Dahyun" Sagot ko nang matapang sa kanya.
Natigilan siya sa sinabi ko .
BINABASA MO ANG
Kim Dahyun & The J-Trinity
FanfictionKim Dahyun & The J-Trinity "Kim Dahyun , Pwede ka nang magsimula sa bago mong trabaho . Good Luck , Sana'y makatagal ka . Binabalaan na kita dahil hindi biro ang trabahong pinasok mo . Siguraduhin mong magtitino ang tatlong magpipinsan na apo ng Cha...