DAHYUN'S POV :
Talaga namang iniwanan ako ni Mina na nagiisa dito na nakaupo mag-isa sa bench . Talaga namang wala siyang pakialam sa'kin . Nagiging masungit na naman siya .
Tama talagang imposibleng magustuhan niya ko . Kahit naman ako , Imposibleng ma-inlove sa isang tulad niyang walang pakialam sakin.
Sa bagay , Sino nga ba naman ako para magustuhan niya ? Eh , Maid lang naman nila ko . Dahyun , Tama na ngang kakaisip sa Mina na 'yun . Imposible talagang magkatuluyan kayo tulad ng sabi ni Lolang Tindera .
Napayuko na lang ako habang naghihintay kay Mina na mukhang nag-eenjoy namang magala nang mag-isa . Tsk !
Maya-maya pa , Bigla na lang may lumapit sa harapan ko . Nakayuko lang ako at hindi man lang tumitingin sa kanya.
"Tumingala ka nga diyan" Sambit niya kaya naman napatingala na ko dahil boses ni Mina ang narinig ko.
Natigilan ako nang makita si Mina sa harapan ko .
"Bakit nandito ka na?" Tanong ko sa kanya. Agad naman siyang naupo sa bench sa harapan ko . Naglapag siya ng mga pagkain at inumin sa table sa gitna namin .
"Bumili ako ng jokbal at inumin" Sagot niya sakin.
"Ganun ? Okay , Sabihin mo na lang kapag tapos ka nang kumain" Sagot ko sa kanya.
"Bumili ako ng jokbal at inumin --- Para satin . Sating dalawa . Sa-ting-da-la-wa" Sagot niya . Talagang klinaro pa niya ah .
"Talaga ? Para satin ? Pati ako ?" Tanong ko sa kanya . Tumango na lang siya sakin.
"Kumain na nga tayo , Wag ka nang magtanong" Sagot niya kaya naman kumain na lang din ako kasanay niya . Kahit papaano pala , Marunong din namang umalala ng iba si Mina . Minsan hindi ko na siya maintindihan , Nagiging masungit tapos biglang nagiging masayahin tapos parang walang pakialam sa iba then magiging maalalahanin. Nakakabaliw rin ang trip nitong si Mina eh .
"Salamat" Sagot ko sa kanya . Hindi naman siya sumagot sakin at kumain na lang .
Matapos naming kumain , Nagpahinga muna kami .
Napansin kong tumitingin-tingin siya sakin . Ano na naman kayang iniisip nitong si Mina sakin ? Baka iniisip na naman niyang hindi ko pinahahalagahan ang sarili ko . Tsk ! Palagi na lang siyang ganyan .
Tinatanong ko kung nag-aalala siya sakin kaga sinasabi niya sakin 'yun pero hindi naman daw siya nag-aalala sakin . Aish ! Ang gulo niya kausap .
"Bakit ba tinitingnan mo ko nang ganyan ? May dumi ba ko sa mukha ?" Tanong ko sa kanya.
"Wala naman , May ibibigay lang ako sayo pero ngayon palang gusto ko nang malaman mo na walang meaning 'to" Sagot niya sakin.
"Ano ba 'yun?" Tanong niya sakin kaya naman inilabas ko na yung bracelet at inilapag sa table sa harapan niya .
"Oh My God ! Yung bracelet" Gulat niyang sabi nang makita yung bracelet .
"Binili ko na 'yan . Mukhang gustong-gusto mo eh" Sagot niya sakin.
"Salamat , Mina . Oh My God , Ang ganda nito" Sagot ko sa kanya.
"Akin na nga ang kamay mo" Sagot niya sabay hawak sa kamay ko . Inisuot na niya ang bracelet sa wrist ko . Nagulat naman ako nang makita kong inisuot niya rin ang isa pang bracelet na ka-terno ng sakin . Teka nga , Yun yung ka-terno nito eh . Bumili din siya ng kanya ?
"Teka nga , Hindi naman tayo couple eh" Sagot ko sa kanya.
"Tama ka , Nagustuhan ko lang din 'tong design na 'to . Sinabi ko namang walang meaning 'to kahit ba couple bracelet 'to" Sagot niya sakin nang paseryoso.
"Baka mapagkamalan tayo eh" Sagot ko sa kanya.
"Eh di sabihin mong hindi tayo couple , Basic lang eh !" Sagot niya sakin . Wala talaga siyang pakialam sa ibang bagay sa mundo .
Ang gulo talaga ng Mina na 'to . Hindi malaman kung anong tumatakbo sa isip niya . Fine ! Wala namang meaning eh , Eh di wala !
"Babayaran na lang kita pag-uwi" Sabi ko sa kanya.
"Wag na , Libre ko na 'yan" Sagot niya sakin .
"Salamat" Tipid kong sagot sa kanya .
"Walang anuman , Basta walang meaning 'to" Sagot niya sakin . Tumango na lang ako sa kanya .
"Uuwi na ba tayo ? Baka hinahanap na tayo nila Sana at Momo eh" Sabi ko sa kanya
"Sige na , Tara nang umuwi" Sagot niya sakin kaya naman sumunod na ko sa kanya.
Habang naglalakad , Nagulat na lang ako nang biglang magsidaanan ang mga batang naka-skateboard . Muntikan na kong mabunggo nung isa , Mabuti na lang at nahawakan ako ni Mina't nahila palapit sa kanya . Wew ~
"Ayos ka lang ?" Tanong ni Mina kaya naman napatingin ako sa kanya . Natigilan ako nang magkatitigan kaming dalawa . Parang bumagal yung mundo nang magkatitigan kami . Bakit ganito ? Ang ganda ng mata niya . Hindi ko maintindihan kung bakit parang gusto ko siyang titigan na lang .
Biglang bumilis yung tibok ng puso ko nang magkatitigan kaming dalawa . Ano ba 'tong nararamdaman ko ?
"A--Ayos ka lang ?" Tanong ulit ni Mina kaya naman natauhan ako't agad na lumayo sa kanya. Aish ! Ano bang ginagawa ko ?!
"Salamat , A--Ayos lang ako" Sagot ko sa kanya.
"Mabuti naman , Dapat kasi nag-iingat ka . Paano kung nasaktan ka ? Ilang beses ko ba dapat sabihing pahalagahan mo ang sarili mo ?" Tanong niya sakin nang paseryoso.
"Alam ko naman 'yun eh . Pasensya na , Oo na . Sanay na naman ako sa pahalagahan thingy mo . Hindi ko na alam kung bakit mo sinasabi palagi sakin 'yan ngayong hindi ka naman nag-aalala sakin" Sagot ko sa kanya sabay kamot ulo na lang at lakad na.
"Paano kung sabihin kong nag-aalala talaga ko sayo ?" Tanong niya kaya naman napahinto ako sa paglakad.
"Huh ? Ano bang sinasabi mo ?" Clueless kong tanong sa kanya.
"Kung sasabihin ko bang nag-aalala ko sayo , Mag-iingat ka na ?" Tanong niya.
"Ang gulo mo kausap , Mina" Sagot ko sa kanya.
"Nevermind na nga lang , Basta mag-ingat ka na next time" Sagot niya sakin sabay lakad na . Ang gulo talaga niya ! Ngayon naman sasabihin niyang nag-aalala na siya sakin . Tsk !
Sumunod na ko sa kanya . Siguradong hinahanap na kami sa mansion .
💟To be Continued💟
VOTE.COMMENT.SHARE
Guys , Pagod na kong mag type at masakit na ang kamay ko pero sige parin ako HAHAHAHA. Sana magustuhan niyo ang update ko . Inaabot na ko ng 4AM dahil sa paga-update . Fighting parin ! Sana ma-appreciate niyo yung efforts ko 😍😘💞 SARANGHAEYO ! Sorry kung nagiging lame na ang ud ko . Susubukan ko pading ayusin . Fighting ! - lherrygulpo
BINABASA MO ANG
Kim Dahyun & The J-Trinity
Fiksi PenggemarKim Dahyun & The J-Trinity "Kim Dahyun , Pwede ka nang magsimula sa bago mong trabaho . Good Luck , Sana'y makatagal ka . Binabalaan na kita dahil hindi biro ang trabahong pinasok mo . Siguraduhin mong magtitino ang tatlong magpipinsan na apo ng Cha...