MINA'S POV :
Anong gagawin ko ngayon ?! Ni hindi ako makalabas ng kwarto dahil ikinulong ako dito . Ilang araw na rin akong hindi makalabas ng kwartong 'to . Dinadalhan lang ako ng pagkain sa loob ng kwarto ko .
Masakit ang katawan ko pero balewala 'to sakin basta ang mahalaga ay makalabas lang ako dito . Kailangan kong puntahan si Dahyun . Kailangan naming makapag-usap nang maayos .
Yun lang naman ang gusto ko eh . Ang makasama si Dahyun . Bakit hindi maintindihan ni Grandpa ?! Bakit nagagawa niya 'to samin ?! Para samin 'tong ginagawa niya ?! Hindi totoo 'yun ! Para sa kanya 'tong ginagawa niya dahil hindi niya matanggap si Dahyun .
Hindi ko magawang ma-contact si Dahyun dahil wala na sakin ang phone ko . Kinuha ng guards . Ngayon , Paano pa ko makakagawa ng paraan ?!
Maya-maya , Biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko .
"Mina ! Gising ka ba ?! Mina ! Kami 'to !" Rinig kong tawag sakin sa loob .
"Momo ? Sana ?" Tanong ko sa kanila.
"Tama ! Kami nga 'to , Si Momo 'to . Ayos ka lang diyan ?" Tanong ni Momo sakin.
"Hindi ako ayos . Pakiusap , Tawagan niyo si Dahyun" Sagot ko.
"Sorry Mina , Kinuha rin ng mga guards yung cellphones namin" Sagot naman ni Sana.
"Kailangan kong makalabas dito !" Sagot ko.
"Mina , Maawa ka naman sa sarili mo . Masasaktan ka lang nang masasaktan kapag nagpumilit ka ngayon . Magpahinga ka muna" Sagot ni Momo .
"Gagawin ko ang lahat makalabas lang sa kwartong 'to !" Sagot ko sa kanya.
"Sige , Bababa na muna kami . Dadalhan ka daw ng guards ng pagkain eh" Sagot nila sakin . Naramdaman kong umalis na silang dalawa .
Ano ba namang buhay 'to ? Nagkaayos nga kami ng Dad ko , Nasakal naman ako sa mundong 'to kung saan wala si Dahyun sa tabi ko .
Maya-maya pa , Bigla nang may dumating . Malamang ito na yung guard na magdadala ng pagkain ko .Nagtago ako sa likuran ng pinto . Nang buksan niya ang pintuan ng kwarto ko , Nabigla siya dahil hindi niya ko makita .
"Nasaan na yun ?" Tanong ng guard sabay lingon sa paligid .
"Gotcha !" Sigaw ko sabay hampas sa likod ng guard dahilan para bumagsak ito sa sahig.
Nagmadali na kong lumabas na kwarto't agad nang bumaba sa hagdan . Natigilan ako nang makitang napalingon sakin yung guards .
"Nakalabas siya ng kwarto !" Sigaw ng guards . Agad rin namang sumulpot sila Sana at Momo.
"Mina , Anong ginagawa mo ?!" Tanong ni Sana sakin.
"Paano ka nakalabas ?!" Tanong ni Momo .
"Hindi na mahalaga 'yun ! Palabasin niyo na lang ako !" Sagot ko sa kanila .
Agad nang kumilos ang guards para hulihin ako pero pinigilan sila nina Sana at Momo .
"Go ! Mina ! Umalis ka na !" Sigaw ni Momo at Sana kaso agad rin naman silang nasaktan nang dahil sa maraming guards na nakapalibot sa kanila .
Palabas na sana ko nang saktong dumating naman si Grandpa kasama ni Secretary Park .
"Mina , Ano na namang ginagawa mo ?! Paano ka nakalabas ng kwarto ?!" Tanong ni Grandpa .
"Palabasin niyo na lang ako" Sagot ko kay Grandpa.
"Huwag ka nang magmatigas ! Dito ka lang" Sagot ni Grandpa sakin .
"Hayaan niyo kong puntahan si Dahyun . Please , Kailangan niya ko eh . Kailangan ko rin siya" Sagot ko kay Grandpa.
"Tumigil ka na , Mina . Sumuko ka na sa kanya dahil sumuko na siya sayo . Sa tingin mo , Bakit hindi siya bumabalik dito ? Bakit hindi siya gumagawa ng paraan para makita ka ?! Bakit ikaw lang ang nagpupumilit na lumaban ?! Kasi wala siyang pakialam sayo !" Sagot ni Grandpa.
"Hindi ako naniniwala ! Wala siya dito dahil sayo !" Sagot ko.
"Hulihin siya" Utos ni Grandpa sa mga tauhan niya .
Mukhang malabo nang makalabas ako sa mansion na 'to . Malabo nang makita ko si Dahyun . Malabo nang mapuntahan ko siya .
Ano pang saysay ng buhay ko kung wala siya ? Ano pang magagawa ko ? Wala na . Tapos na ang lahat .
Agad na kong nagtatakbo sa kusina kaya naman sinundan ako nila Grandpa.
"Wala nang silbi ang buhay ko dahil wala si Dahyun sa tabi ko" Sambit ko sa kanila sabay hawak sa isang kutsilyo.
"Mina ! Wag mong gawin 'yan ! Please" Sabi ni Momo sakin.
"Grandpa ! Hayaan mo nang umalis si Mina" Sabi ni Sana kay Grandpa.
"Mina , Stop It . Wag mong sirain ang buhay mo nang dahil sa babaeng 'yun" Sagot ni Grandpa.
"Ikaw yung sumira sa buhay ko simula nang ilayo mo siya sakin" Sagot ko sa kanya .
"Inuulit ko , Itigil mo na yan at bumalik ka na sa kwarto mo . Ikaw pa naman ang nais kong maging susunod na tagapamahala ng kompanya !" Utos ni Grandpa.
Nagsimula nang lumigid ang luha ko .
"Hindi ko hinangad na pamunuan ang kompanya niyo . Hindi mahalaga ang pera sakin . Maging masaya , Yun ang mas mahalaga" Sagot ko.
"Hulihin siya" Utos ulit ni Grandpa sa tauhan niya . Tuluyan nang tumulo ang luha ko sa pagsaksak ko sa sarili ko gamit ang kutsilyo .
Nanlaki ang mata nila Sana nang makita akong bumagsak na sa sahig . Unti-unti nang humihina ang katawan ko kasabay ng pagtulo ng dugo sa saksak ko .
"Secretary Park , Tumawag ka ng ambulansya !" Rinig kong sigaw ni Grandpa.
"Mina , Ano bang ginagawa mo ?! Wag mo kaming iwanan !" Sigaw ni Sana sakin.
"Mina , Kapit lang . Darating na ang ambulansya" Sabi naman ni Momo .
"Apo , Ba---Bakit inituloy mo ? Bakit ?" Nauutal na tanong ni Grandpa.
"Mamamatay akong lu--lumalaban para sa pagmamahalan naming dalawa" Sagot ko sa kanya.
"Mina , Kapit lang . Please , Lumaban ka ! Magkikita pa kayo ni Dahyun eh" Sabi ni Sana sakin.
"Pa--Pakibigay sa kanya 'to pa--para kahit wala na ko , Maaalala niya ko" Sambit ko sabay abot ng penguin keychain ko from my Mom .
"Wag ka nang magsalita , Mina . Kakayanin mo yan" Sabi naman ni Momo.
Nakaramdam na ko ng pagkahilo kasabay ng pag-alala ko sa masasayang alaala kasama ang babaeng mahal ko .
Kim Dahyun , Mahal na mahal kita . Habang-buhay kong pahahalagahan ang pagmamahal na meron tayo . Pangako ~
💑To be Continued💑
Tuluyan na nga kayang matapos ang buhay ni Mina ? Paano na si Dahyun ? Abangan .
BINABASA MO ANG
Kim Dahyun & The J-Trinity
FanficKim Dahyun & The J-Trinity "Kim Dahyun , Pwede ka nang magsimula sa bago mong trabaho . Good Luck , Sana'y makatagal ka . Binabalaan na kita dahil hindi biro ang trabahong pinasok mo . Siguraduhin mong magtitino ang tatlong magpipinsan na apo ng Cha...