Chapter 28 - Long Time No See🎉

792 30 7
                                    

DAHYUN'S POV :

Saktong-sakto ang pagdating ni Chairman sa Mansion . Dahil sa pagdating niya , Wala nang nagawa yung tatlong asungot kundi pumayag na sumama sakin .

Alam na naman nilang wala silang choice eh . Hinayaan ko muna silang mag-ayos ng sarili nila bago kami umalis . Mamimili kami ngayon ng mga pangdecorations sa malungkot nilang Mansion .

Alam kong makakabuti 'to para mas mapalapit ko pa sila sa isa't-isa . Isang tawagan ko lang kay Chairman lagot na sila kaya wala silang magagawa kundi sumunod sakin 💪😎

Maya-maya pa , Lumabas na kami ng mansion . Nagsimula na kaming maglakad .

Oh , Hindi nga pala ko sanay sa mga lugar dito at daanan .

"Ahhmm , Saan ba ang bilihan ng mga decorations dito ?" Tanong ko.

"Saang bundok ka ba galing ?" Tanong ni Momo sakin.

"Follow me" Biglang sabi ni Mina .

Pagkakatiwalaan ko ba ang isang 'to ? Baka mamaya niyan ---- Pagtitripan lang pala ako.

"Alam mo kung saan ?" Tanong ni Sana kay Mina.

"Of Course" Sagot ni Mina .

"Dun tayo sa mura ah" Sagot ko.

"Ang kuripot naman nito" Sagot ni Sana.

"Mas mabuting nagtitipid" Sagot ko sa kanila.

"Fine , Then sa Pampublikong Palengke tayo pumunta" Sagot ni Mina kaya tumango na lang ako.

"Ang cheap naman !" Sagot ni Momo.

"Shut up na nga lang kayong dalawa" Sagot ko.

Naglakad-lakad na kami at sumunod kay Mina . Napalingon-lingon ako sa paligid . Ang lalaki ng mga bahay na nandito malapit sa mansion nila ah . For sure , Mayayaman din ang mga nakatira dito .

Habang naglalakad kaming tatlo nang tahimik sa daan , Biglang may tumawag sakin .

"Dahyun ?" Nagulat ako sa narinig ko . Nang lumingon ako kung sino ang taong 'yun , Nakita ko si Somi sa labas ng isang bahay na may mga hawak na trash bag .

Omg ! Si Somi 😱😍😘💞 Ang forever ko este ang new friend ko . Ngumiti siya nang makita ako . Nakapangbahay lang siya so ibig sabihin taga-dito din siya ?

"Somi , Ikaw nga" Sabi ko sabay lapit sa kanya .

Ibinaba na niya ang mga trash bag na dala niya .

"Kim Dahyun , Long time no see" Sagot niya sakin .

"Somi , Taga-dito ka ?" Tanong ko.

"Yes ! Actully , Dito ko nakatira" Sagot niya sabay turo sa malaking bahay .

"Oh ! Dito ka pala nakatira" Sagot ko sa kanya.

"Ikaw ? Taga-dito ka din ?" Tanong niya.

"Ahh---Oo , Malapit lang dito ang pinamamasukan ko as maid" Sagot ko.

"Tingnan mo nga naman" Sagot niya

"Ahem" Biglang sabi ni Sana.

"Ahh---Sino sila ? Mga kaibigan mo ?" Tanong ni Somi sakin.

"Ahhh---Sila ang mga boss ko . Doon sa malaking mansion ako nanunuluyan" Sagot ko.

"Oh ! Dun pala sa malaking mansion malapit dito . Hello sa inyo" Sagot niya sabay bati dun sa tatlo.

Kim Dahyun & The J-TrinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon