Chapter 51 - Maghihintay Ako

694 30 0
                                    

DAHYUN'S POV :

Nang makapagpadala ko ng pera sa pamilya ko , Naisipan ko munang kumain kung saan pero dahil 'yung restaurant na kinainan lang namin ni Somi ang alam ko sa mga restaurant dito , Dun na lang ako pumunta .

In-enjoy ko talaga yung pagkain dahil nagugutom na talaga ako . Bigla kong naalala yung time na kumain kami dito ni Somi . Ang bait-bait pa niya sakin 'nun . Tapos sa isang iglap , Naging ganun siya sakin . Hindi ko naman alam na ganung klaseng tao siya . Hindi ko naman in-expect na darating din si Somi kasama si Doyeon . Natigilan na lang ako nang makita sila . Nung umorder si Doyeon , Naupo na sa tabi ko si Somi . Anong gagawin ko ? Lalait-laitin na naman niya ko . Napayuko na lang ako . Nagulat na lang ako nang biglang sumulpot si Sana . Naupo siya sa tabi ko .

Sinundan niya ko . Damn ! Ang kulit-kulit niya talaga . Sinabi nang kailangan ko ng space at time eh . Hindi marunong makinig .

Nagpatuloy ang panlalait ni Somi sakin . Nabigla na lang ako nang ipagtanggol ako ni Sana sa kanya . Ginagawa niya ba 'yun para sakin o dahil wala lang siyang magawa ? Nang lumapit na si Doyeon , Mas lumala ang tensyon dahil kumain kami nang sabay-sabay . Oo , Kumain ulit ako . Wala eh , Nastress ako sa mga problema ko .

Maya-maya pa , Sinimulan na naman ni Somi na sabihan ako ng masasakit na salita . Natigilan ako nang gumanti si Sana ng mga salitang maaaring pag-awayan nila Somi at Doyeon .

Nagulat na lang ako nang hawakan ni Sana ang kamay ko.  Rinig parin namin sa labas ang away nila Somi at Doyeon . Agad ko namang hinampas si Sana sa braso .

Akala ba niya ? Hindi pa kami tapos 'noh ! Akala niya ganun-ganun na lang 'yun . Kung sincere siya , Ipakita niya nang maayos hindi yung sunod siya nang sunod.

Pero --- Mabuti na rin at nandun siya . Kahit papaano , Natulungan niya ko mula kay Somi na ayaw parin akong tigilan.

Lumakad na ko kaya naman sumunod na si Sana sa'kin . Inabot na kami ng hapon . Nang makababa kami ng bus , Naglakad na kami ni Sana pabalik sa mansion .

Nang madaanan namin ang bahay ni Somi , Hindi ko napigilang maging emosyonal . Naalala ko kasi kung paano niya ko itulak at sabihan nang masasamang salita. 

"May problema ba ?" Tanong ni Sana.

"Wala naman" Sagot ko.

"Look ! Naka-park sa labas ng bahay niya yung kotse niya . Hindi niya siguro dinala" Sabi ni Sana sabay turo sa kotse ni Somi .

Bigla ko tuloy naalala nung sumakay ako sa kotse ni Somi . Akala ko kasi talagang sincere siya sakin .

"Dahyun , Dapat tinuturuan ng leksyon ang Somi na 'yun" Sabi ni Sana.

"Naturuan na siya ni Mina ng leksyon . Pinagsabihan na siya ni Mina . Ayos na 'yun.  Saka , Ang lakas ng loob mong sabihin 'yan gayong may nagawa ka rin namang masama sakin" Sabi ko sabay irap na lang .

Nagulat na lang ako nang lapitan ni Sana ang kotse ni Somi . Pinanood ko siya .

"Anong gagawin mo ?" Tanong ko sa kanya . Nagsmirk siya sakin . Teka , Mukhang may masamang balak ang Sana na 'to .

Bigla siyang namulot ng kung ano bakanteng lote sa tabi ng bahay ni Somi.

"Watch and Learn" Sagot niya.

Kim Dahyun & The J-TrinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon