MOMO'S POV :
Hindi ako nakagalaw nang yakapin ako ni Dahyun . Bakit ba siya ganito ?!
"Ayos lang 'yan , Iiyak mo . Nandito lang ako" Sabi niya sabay tapik sa likod ko .
Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng pagka-komportable sa ginawa at sinabi niya .
"Da--Dahyun , Bakit niyayakap mo ko ?" Tanong ko.
"Para damayan ka , Kaya mo 'yan . Problema lang 'yan , Matatapos din 'yan" Sagot niya habang yakap padin ako .
Natigilan na lang ako nang ilan pang sandali . Hindi ko alam kung bakit pero sa palagay ko --- Kailangan ko nga ng karamay . Kailangan ko ng taong mapapagaan ang kalooban ko .
Habang yakap niya ko , Nagdadalawang-isip akong ilagay ang kamay ko sa likuran niya .
"Dahyun" Mahina kong Sabi.
"Ayos lang 'yan , Fighting lang nang fighting . Kakayanin mo 'yang pinagdadaanan mo . Naiintindihan kong hindi madali pero alam kong kaya mo" Kalmado niyang sabi sakin .
Naiintindihan niya ko ? Alam niya kung anong pinagdadaanan ko ? Well , Nakinig naman kasi siya sa usapan namin ni Dad . Kahit ako lang 'yung naririnig niyang nagsasalita , Sure namang gets niya na kung anong pinag-aawayan namin .
"Salamat" Mahina kong sabi.
"Wag ka nang malungkot . Wag ka nang mahiya sakin . Dadamayan kita simula ngayon" Sagot niya kaya naman hindi na ko nag-alinlangang yanapin din siya .
Bakit ganito ? Pinagagaan niya ang kalooban ko sa pamamagitan ng yakap niya . Siguro dahil siya palang ang taong yumakap sakin nang ganito ka-warm .
Maya-maya pa , Bumitaw na siya sakin sabay smile lang . Napayuko na lang ako . Ano ba naman 'to ?! Bakit ba pinapakita ko sa kanya ang side kong 'to ?!
"Momo , Naiintindihan kong mahirap pero sana sundin mo 'yung nasa puso mo" Sabi niya sakin.
"What do you mean ?" Tanong ko.
"Dun ka sa kung anong ikasasaya mo . Wag mong i-pressure ang sarili mo dahil lang sa gusto ng ibang tao . Always remember na magaan sa pakiramdam kapag ginagawa mo ang nakapagpapasaya sayo" Sagot niya sakin.
"Talaga ?" Tanong ko.
"Sana magkaayos-ayos na kayong magpipinsan . Hindi mo naman gustong makipagtalo , Diba ? Ayaw mo namang makipagkumpitensya kaya gawin mo 'yung tama at yung gusto ng puso mo" Sagot niya.
Napatango na lang ako dahil sa mga sinabi niya . Kim Dahyun , Bakit ganito ka sakin ?
"Sige na , Pasok na ulit ako sa loob" Sabi niya .
"Dahyun , Thank you" Sagot ko.
"For What ?" Tanong niya .
"Sa pagpapagaan ng kalooban ko" Sagot ko.
"Walang anuman . Basta , Nandito lang ako bilang kaibigan mo" Sagot niya sakin sabay smile . Lumakad na siya pabalik sa loob ng Mansion .
BINABASA MO ANG
Kim Dahyun & The J-Trinity
FanfictionKim Dahyun & The J-Trinity "Kim Dahyun , Pwede ka nang magsimula sa bago mong trabaho . Good Luck , Sana'y makatagal ka . Binabalaan na kita dahil hindi biro ang trabahong pinasok mo . Siguraduhin mong magtitino ang tatlong magpipinsan na apo ng Cha...