Chapter 27 - Surprise Visit

757 31 0
                                    

MOMO'S POV :

Hindi ko na alam kung ano-ano bang nangyayari dito sa Mansion . Ewan ko sa mga pinsan ko . Nababaliw na silang lahat . Siyempre , Baliw din ang maid namin . Ako na lang yata ang matino dito eh .

Nang lumabas si Dahyun dala ang keychain na penguin na itinatanong niya kung kanino , Sumunod si Mina sa kanya .

Obvious kayang kay Mina 'yun . Tsk ! Minsan ko nang nakita na hawak ni Mina 'yun eh . Ewan ko ba kung bakit importante sa kanya 'yun . Parang isip bata lang eh .

"Hoy Momo ! Tingin mo , Kay Mina 'yun noh" Sabi ni Sana.

"Obvious naman" Sagot ko habang nageexercise .

"Paano napunta 'yun sa kama ni Dahyun ?" Tanong ni Sana.

"I don't know" Sagot ko.

"Nakakapagtaka" Sagot niya.

"Bakit ? Nagseselos ka ?" Tanong ko sa kanya .

"Of Course Not !" Sabi niya sabay kunot-noo.

Oo nga naman , Nakakapagtaka ! Alangan namang naglakad yung penguin keychain papunta sa kama ni Dahyun . Well , Siguro may di sila sinasabi . Eh , Ano namang pakialam ko ?! Buwisit talaga sila . Tsk !

Saka , Bakit ba nakikipagusap ako sa Sana na 'to ?! Aish ! Hindi dapat ako nakikipag-usap sa kanya eh . Kainis !

Maya-maya pa , Bumalik na si Mina sa loob .

"Sayo 'yun noh" Sabi ni Sana kay Mina.

"So What ?" Tanong ni Mina.

"Paano napunta sa kama ni Monster Maid ?" Tanong ni Sana.

"Wala ka nang pakialam dun" Sagot ni Mina sabay upo sa isang tabi at basa na lang ulit ng libro.

Tapos , Pumasok na rin sa loob si Dahyun .

"Monster Maid , Paano napunta sa kwarto mo 'yun ?" Tanong ni Sana kay Dahyun.

"E--Ewan ko" Sagot ni Dahyun.

"Sabihin niyo na kasi !" Sagot ni Sana.

"Bakit ba ? Nagseselos ka ba sa kanila?" Tanong ko kay Sana.

"Hindi nga sabi . Curious lang ako !" Sagot ni Sana .

"Wala ka na nga kasing pakialam dun" Sagot ni Mina.

"K , Fine" Sagot naman ni Sana sabay iling na lang .

Napatingin naman ako kay Dahyun na mukhang may malalim na iniisip .

Maya-maya , Bigla siyang tumayo sa harapan . Ano na namang binabalak niya ?

"Announcement !" Sabi niya.

"Aish , Sumakit ang ulo ko . Matutulog muna ko sa kwarto ko" Dahilan ni Sana.

"Hoy ! Tumigil ka diyan , May sasabihin ako" Sagot ni Dahyun kaya natigilan si Sana.

"Ano bang sasabihin mo ?" Tanong ni Mina.

"Ngayong araw , Magdedecorate tayo" Sagot niya samin kaya natahimik kami.

WHAT ?! Ano bang meron ?! Kainis talaga ang babaeng 'to .

"Wala namang special event eh . Wag na !" Sagot ko.

"Hindi pwede ! Bibigyan natin ng buhay ang malungkot na mansyong ito" Sagot niya.

"Ayoko !" Sabay-sabay naming sagot nila Sana at Mina.

"Ayaw niyo ? Pwes ako , Gusto kong gawin niyo !" Nagulat kaming lahat nang biglang marinig namin ang boses ni Grandpa .

Hindi pwede 'to 😱😱😱 Nandito si Grandpa ! Bakit nandito siya ?! Surprise Visit ! Omg

"Gr---Grandpa" Sabi ko.

"Ano pong ginagawa niyo dito ?" Tanong ni Mina.

"Kanina pa kayo diyan ?" Tanong naman ni Sana.

"Hindi naman , Kadarating ko lang . Pero , Narinig ko ang sinabi ni Miss Dahyun" Sagot ni Grandpa samin.

Patay na ! Buwisit 😬😬😬

"Good Morning po , Chairman" Bati ni Dahyun kay Grandpa.

"Good Morning din , Miss Dahyun" Sagot ni Grandpa.

Sumulpot na rin si Secretary Park sa tabi ni Grandpa.

"Mabuti po at bumisita kayo" Sagot ni Dahyun .

"Bumisita ko dito para alamin ang sitwasyon niyo" Sagot ko.

"Ganun po ba ? Ma--Mabuti naman po" Sagot ni Dahyun.

"Mabuti kung ganun . Narinig kong gusto mong bigyan ng buhay ang mansion na ito . Tama ang naisip mo . Gusto ko ang ideya na 'yan . Huwag kang mag-alala , Kasama mo sina Sana , Momo at Mina sa pagaayos ng mansion" Sagot ni Grandpa.

Hindi pwede 'to . Ayokong makasamang mag-ayos sila Sana at Mina.

"Pero Grandpa" Sabi naming tatlo.

"Wag na kayong umangal . Mauuna na ko , Magsesend ng picture si Miss Dahyun kay Secretary Park . Kapag nalaman kong nagmatigas kayo , Alam niyo na ang parusa ko" Sagot niya.

Siyempre ! Mawawalan na naman kami ng access sa card namin ! Buwisit talaga .

"Ikaw nang bahala , Miss Dahyun" Sabi ni Grandpa kay Dahyun .

"Masusunod po , Chairman" Sagot ni Dahyun kay Grandpa.

"Bumili kayo ng mga kakailanganin niyo ngayon din . Gusto ko sama-sama kayong bumili . Malalaman ko kapag sumuway kayo " Sagot ni Grandpa.

"Salamat po , Chairman" Sagot ni Dahyun.

Nagbigay na si Grandpa ng pera kay Dahyun . Nakakainis !

"Wala kaming sasakyan , Grandpa" Sabi ko.

"Si Miss Dahyun na ang bahalang gumawa ng paraan" Sagot ni Grandpa.

Lumakad na si Grandpa kasama ni Secretary Park .

Napatingin kami kay Dahyun na napasmile naman .

"So , Tara na ?" Tanong ni Dahyun samin sabay ngiti.

"Ayoko na !" Sabi ni Sana sabay higa sa sofa.

"Let's Go , Akong bahala sa inyo" Sagot ni Dahyun .

Ano pa bang magagawa naming tatlo ?! Nakakainis talaga ! Pakiramdam ko tuloy si Dahyun pa ang boss namin eh . Parang kami ang mga nauutusan ngayon .

😠To be Continued😠

Saranghaeyo ! Para sa inyo talaga ang flood updates ko . Fighting ! Cheer Up 💟
- lherrygulpo

Kim Dahyun & The J-TrinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon