MOMO'S POV :
Nang magising ako , Agad akong pumunta sa kusina para magluto ng sarili kong pagkain . Kaso , Ang dumi ng kusina . Buwisit talaga ang babaeng 'yun . Hindi naman niya nililinis nang maayos eh !
Gusto ko nang magluto kaya naman kailangang maglinis na siya . Lumakad na ko para puntahan siya sa kwarto niya . Nakita ko si Mina na nagbabasa lang ng libro sa living room .
"Mina , Linisin mo na nga yung kusina" Sabi ko.
"Sino ka para utusan ako ?! May maid tayo" Sagot niya nang paseryoso.
"Whatever" Sagot ko .
Lumakad na lang ako papunta sa kwarto niya . Bubuksan ko na sana yung doorknob ng pinto niya nang marinig kong parang may kausap siya sa loob .
Siguro naman hindi niya rin ako pagkakamalang manyak kapag pumasok ako sa loob ng kwarto niya gaya ng pagaakala niya kay Mina .
Okay ! Papasok na ko . Hindi naka-lock. Agad ko nang binuksan ang pinto ng kwarto niya . Natigilan ako nang makita siyang kasama si Sana sa loob ng kwarto niya .
What the ---- ? Bakit ganun ang posisyon nila ? Nakahiga si Sana sa kama tapos siya nasa ibabaw ni Sana . Pareho silang nagulat nang makita ako.
Ano bang ginagawa nila ?! Aish ! Sana talaga ! Walang pinapalagpas kahit maid .
Na-Speechless ako sa kanilang dalawa . Hanggang sa lumabas na si Sana , May kasama pang pagtabig sakin .
Inutusan ko na ang buwisit naming maid na linisin ang kusina . Lalabas na sana ko kaso ipinaalam pa niyang aksidente lang 'yung nakita ko.
Bakit kailangan pa niyang sabihin sakin ? Tsk ! Baliw na talaga siya . Saka , As if namang talagang type siya ni Sana . Lol ! Malabo 'yun .
Lumabas na lang ako ng kwarto niya . Nakita ko si Sana na nakaupo na rin sa Living Room habang nanonood ng TV .
Agad ko na siyang nilapitan . Pumunta ko sa harapan niya kaya naman napatingin siya sakin nang paseryoso.
"Ano bang problema mo ?" Tanong niya sakin.
"Ikaw" Sagot ko.
"Ako ? Bakit naman ako ?!" Tanong niya.
"Tigilan mo na nga ang pakikipaglandian ! Pati yung buwisit na maid natin hindi mo pinapalampas" Sagot ko nang paseryoso.
"Bakit ka ba nangingialam ?!" Tanong niya sakin.
"Dahil ayokong madamay sa kalokohan mo ! Kapag nalaman ni Grandpa na pati ang maid natin nilalandi mo , Pare-pareho tayong malalagot !" Sagot ko.
"Dahil ba talaga diyan o baka naman gusto mong ikaw ang lumandi sa kanya ? Ganun ba ? Don't Worry , Hindi ko naman siya type . Sadyang gusto ko lang siyang pagtripan" Tanong ni Sana sakin sabay ngisi nang nakakaloko.
"Umayos ka sa mga kilos mo . Binabalaan kita ! Wag kang gumawa ng ikagagalit ni Grandpa" Sagot ko.
"Whatever" Sagot niya sakin.
"Isa pa nga pala , Mukhang hindi ka rin naman niya type kaya bawas-bawasan mo 'yang pagkamahangin mo" Sagot ko sa kanya . Napakunot-noo na lang siya sakin .
Napatingin naman ako kay Mina na mukhang walang pakialam samin sa isang tabi habang nagbabasa ng libro.
Maya-maya , Lumabas na si Dahyun sa kwarto niya kaya naman lumakad na ko papuntang kusina .
Ayoko lang naman kasi talagang magalit na naman si Grandpa . Bakit ? Dahil alam kong kapag nagalit si Grandpa , Parurusahan kaming tatlo . Damay-damay kami . Yun lang 'yun ! Hindi dahil sa babaeng 'yun kaya nagkakaganito ko . Pakialam ko sa kanya !
Sumunod na sakin si Dahyun at naglinis na ng kusina . Ako naman , Nasa may isang tabi hinihintay na matapos ang paglilinis niya .
Kada linis niya , Pinagmamasdan ko lang siya . Talaga bang ganito siya kasipag o sadyang uto-uto lang siya kaya nasanay na siyang mautusan ? Grabe din naman ang Probinsyana na 'to 👏😎 Naiisip ko nga kung hanggang kailan siya tatagal dito eh .
Bibigay din 'to , Susuko din siya . Sigurado ko diyan !
"Tada !" Sabi niya nang malinis na niya ang lahat sa kusina .
"Good , Ngayon umalis ka na dito sa kusina" Sagot ko.
"Mahilig ka magluto ? Wow naman ! Masarap ka siguro magluto noh" Sabi niya . Tsk ! Nambola pa talaga eh .
"Umalis ka na nga lang dito sa kusina" Sagot ko nang nakakunot-noo.
"Ikaw na nga 'tong pinupuri eh . Dapat nagpasalamat ka na lang" Sagot niya.
"Bakit ko naman gagawin 'yun ? No Way !" Sagot ko.
"Ang sungit niyo talagang lahat" Sagot niya sabay lakad na kaso bigla siyang nadulas . Basa pa kasi yung sahig 😂😂😂
"Aray ko !" Sabi niya . HAHAHAHA ! Hindi ko napigilang matawa dahil sa itsura niya.
"Lampa , What the f----? HAHAHA !" Sabi ko sabay tawa.
"Tulungan mo naman ako oh" Sagot niya.
"K , Fine" Sagot ko sabay alok ng kamay ko . Hinawakan niya ko sa kamay pero bumitaw ako kaya bumagsak ulit siya . Una pwet 👏😂 HAHAHAHA !
"Ano ba ?!" Inis niyang tanong.
"Sorry , Madulas yung kamay mo eh . Hahaha" Sagot ko sabay tawa.
Inalok ko ulit siya na hawakan ang kamay ko pero tumayo na siya sa sarili niya.
"Kaya ko na 'to , Buwisit ka !" Sagot niya sabay alis na ng kusina.
Napatawa nalang ako 👏😂 Hobby niya ba talaga ang palaging madulas ? Why so clumsy ?! HAHAHAHAHA .
Naku ! Magluluto na nga lang ako .
😂To be Continued😂
Mahal ko ulit kayo 💞😁😍 Cute ako ✌😂 Lol
- lherrygulpo
BINABASA MO ANG
Kim Dahyun & The J-Trinity
FanfictionKim Dahyun & The J-Trinity "Kim Dahyun , Pwede ka nang magsimula sa bago mong trabaho . Good Luck , Sana'y makatagal ka . Binabalaan na kita dahil hindi biro ang trabahong pinasok mo . Siguraduhin mong magtitino ang tatlong magpipinsan na apo ng Cha...