Chapter 13 - A Friend

773 36 1
                                    

MINA'S POV :

Nang umalis ako sa pwesto namin sa Picnic Area , Naglakad-lakad lang ako sa paligid ng Park hanggang sa makita ko ang masasayang bata na naglalaro sa Park .

Hindi ko nagawang magkaroon ng mga kaibigan noong bata pa ako dahil ayaw ng Dad ko na nakikihalubilo ako sa iba . Palagi niyang dahilan na hindi dapat nakikisama ang isang tulad kong nagmula sa mayaman na pamilya sa mga batang mababa naman ang katayuan sa buhay .

Gustuhin ko mang makipaglaro sa ibang bata sa park noon , Hindi pwede . Hindi ko pwedeng suwayin ang strikto kong Dad .

Yung Mom ko , Wala na siya . Namatay siya sa Car Accident nung bata pa lang ako . Dahil 'dun , Si Dad na lang ang nagpalaki sakin . Pinalaki niya ko sa pamamaraan niyang strikto .

Namulat ako sa katotohanang may mga tao pala talagang antas sa buhay ang pinahahalagahan tulad ng Dad ko. Kahit na ganun , Hindi ako nagpaapekto . Hindi mahalaga sakin kung mayaman ba o mahirap , Ang mahalaga sakin ay yung kalayaan na maging masaya .

Dahil sa pagka-strikto ng Dad ko , Nasanay na kong mag-isa at palagi lang seryoso sa sariling mundo ko .

Bilin ni Dad na huwag akong magtitiwala kahit kanino .  Sarili ko lang daw ang pagkatiwalaan ko kaya pinilit kong mapag-isa . Hanggang ngayon , Wala parin akong naituturing na kaibigan . Wala na naman akong magagawa . Ito na ang buhay ko . Kahit nga ang mga pinsan kong ngayon ko lang nakasama , Hindi ko magawang pagkatiwalaan .

Ano bang pakiramdam nang magkaroon ng kaibigan ? Ni minsan kasi hindi ko alam kung anong feeling eh . Kahit nung pumapasok pa ko sa school , Wala akong naging kaibigan . Sarili ko lang ang kakampi ko sa school .

Tama na nga ! Bakit ba ko nagda-drama ?! Napailing na lang ako . Ilang oras na din pala akong nakatambay dito habang pinagmamasdan ang mga batang naglalaro .

Lumakad na ko , Mabuti pa at bumalik na ko sa maid namin . Dun din naman ako mapupunta eh . Malalagot ako kay Grandpa kapag hindi ako bumalik sa maid na 'yun . Umalis lang naman talaga ako para maglibot .

Kakaiba talaga ang babaeng 'yun . Ibang-iba siya sa ibang naging maid namin sa J-Trinity Mansion . May something special na kakaiba sa kanya . Kahit na nakikita kong nahihirapan na siya , Lumalaban parin siya . Bakit kaya ?

Lumakad na ko pabalik sa Picnic Area , Natigilan ako nang makita ko ang maid namin sa di kalayuan . May kausap siyang kung sino na mukhang mayaman .

Bitbit ng kausap niya yung picnic basket namin . Sino ba yung kausap niya ? Ang babaeng 'to talaga oh . Kilala ba niya 'yun ?! Kung sino-sino na lang ang kinakausap niya .

Napaka-careless niya talaga . Hindi ba siya sinabihan ng magulang niya na huwag makikipagusap sa di niya kakilala ?

Pinagmasdan ko siya na tuwang-tuwang kausap yung kausap niya . Grabe ! Enjoy na enjoy pa siya . Nagulat na lang ako nang biglang lumapit sa kanya yung kausap niya at bumulong sa kanya .

Para namang kinilig siya sa ginawa nung kausap niya . Tsk ! Baliw talaga 👏😎

Lumakad na yung kausap niyang kung sino . Mukhang mag itsura yung kausap niyang yun ah .

"Hoy ! Maid namin !" Sambit ko nang malakas . Nagulat naman siya at napalingon sakin . Agad siyang nagpamewang . Lumapit na ko sa kanya .

Kim Dahyun & The J-TrinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon