Chapter 91 - Wait For Me

586 21 0
                                    

CHAEYOUNG'S POV :

Napansin kong simula noong umuwi si Unnie dito sa bahay , May nagbago sa kanya . Ilang araw na siyang ganyan .

Palagi lang siyang tulala at tahimik . Ni hindi nga namin nakitang ngumiti siya o tumawa man lang .

Mas madulas siya sa kwarto niya ngayon . Nararamdaman naming may problema siya . Ayaw niya lang aminin samin eh .

Palagi rin siyang wala sa focus . Halatang - halata na nalulungkot siya . Di kaya may nangyari noong nasa mansion siya nung tatlong boss niya ?

Kahit pinapatawa na namin siya ni Tzuyu , Wala parin siyang pakialam samin .

"Chaeng , May problema talaga si Dahyun . Feeling ko" Sambit ni Tzuyu sakin.

"Tama ka ! Obvious naman eh" Sagot ko kay Tzuyu .

Maya-maya pa , Lumapit na ang Mom and Dad samin .

"Napapansin niyo ba na parang may iniisip na malalim si Dahyun ?" Tanong ni Dad sakin.

"Yun nga eh ! Pansin na pansin ko" Sagot ko kay Dad.

"Kausapin na kaya natin siya" Sagot naman ni Mom.

"Mas mabuti pa nga po" Sagot naman ni Tzuyu .

Agad na naming nilapitan si Dahyun Unnie na nakaupo lang sa labas ng bahay habang pinagmamasdan yung mga halamang tanim nila Mom and Dad .

"Anak , Kailangan mo ba ng kausap ?" Tanong ni Dad kay Dahyun Unnie.

"Ayos lang po ko" Sagot ni Dahyun.

"Unnie , Sabihin mo na kung anong problema mo" Sagot ko.

"Tama ! Pakikinggan ka namin" Sagot naman ni Mom sa kanya.

"By the way , Ang ganda ng bracelet mo" Sabi ni Tzuyu .

Kaloka 'tong si Tzuyu ! Panira ng moment , Nagawa pang pansinin yung bracelet ni Dahyun Unnie .

"Ito ba ? Bigay 'to ng taong mahal na mahal ko" Sagot ni Dahyun kaya naman nagkatinginan kami nila Mom , Dad and Tzuyu .

"Ta---Talaga ? Anong ibig mong sabihin ?" Tanong ko sa kanya.

"Inaamin ko na . Umuwi na ko dahil nagmahal ako sa taong hindi ko dapat mahalin . Magkaibang ang estado ng buhay namin . Hindi kami pwede sa isa't-isa" Sagot ni Dahyun nang nakatulala lang .

"Sino ba yung tinutukoy mo ?" Tanong ni Tzuyu .

"Si Mina . Isa sa tatlong boss ko . Mahal niya ko at mahal ko rin siya pero hindi kami para sa isa't-isa kaya naman mas pinili ko na lang na lumayo" Sagot ni Dahyun .

Kaya naman pala ! Brokenhearted ang Unnie ko . Kaya siya nagkakaganyan .

Agad namang niyakap nila Mom and Dad si Dahyun Unnie .

"Mahal na mahal ko siya pero kailangan ko siyang layuan" Sabi ni Dahyun . Nagsimula na siyang umiyak .

"Anak , Basta palagi lang kaming nakasuporta sayo" Sabi ni Mom.

Kim Dahyun & The J-TrinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon