SANA'S POV :
Nang magising ako , Agad na rin akong bumangon sa higaan ko . Nag-ayos na ko ng sarili ko sa CR sa kwarto ko . Naghilamos ako ng mukha at humarap sa salamin .
"Sana , Ayos ka lang . Wag kang mag-alala , Mawawala din yang pagiisip mo sa nakita mo kagabi" Sabi ko habang nakatingin sa sarili kong mukha sa salamin .
Hanggang ngayon , Hindi ko parin maiwasang alalahanin yung nakita ko kagabi . Hindi ko rin alam kung bakit hanggang ngayon iniisip ko parin .
Napabuntong-hininga na lang ako't lumabas na lang ng kwarto . Bumaba na ko sa hagdan . Dimiretsyo ko sa kusina kung saan nakita ko si Momo na abala sa pagluluto ng kung ano .
"Anong niluluto mo ?" Seryoso kong tanong sa kanya.
"Pagkain" Sagot niya sakin . Aish ! Namimilosopo pa siya 😠
"Seryoso ko sa tanong ko" Sagot ko.
"Almusal namin ni Dahyun" Sagot niya .
What ? Nila ni Dahyun ? Kasama si Dahyun ? Sabay silang maga-agahan ? Talagang ipinaghahanda ni Momo ng pagkain si Dahyun ? Seriously ?!
"What ? Pati si Dahyun ?" Tanong ko sa kanya.
"Kung gusto mo , Ipagluluto na rin kita" Sagot niya sakin .
"Mabuti pa nga , Ipagluto mo na rin kami ni Sana" Extra ni Mina .
"Fine , Ipagluluto ko na rin kayo pero huwag niyong isipin na close na tayong tatlo" Sagot ni Momo samin.
"Alam ko 'yun" Sagot ni Mina . Napatango na lang ako .
Maya-maya pa , Nagising na si Dahyun . Nakita niya kaming tatlo na nasa kusina .
"Pasensya na , Ngayon lang ako nagising . Maglilinis na ko" Sagot niya samin.
"Sandali !" Sabi ni Momo sa kanya . Napatingin kami kay Momo.
"Bakit ?" Tanong ni Dahyun sa kanya.
"Sumabay ka na samin sa paga-agahan . Kumain na muna tayo ng almusal" Sagot ni Momo.
"Talaga ? Salamat" Sagot ni Dahyun.
"Yes , Maupo na kayo diyan" Sagot ni Momo samin . Anong nangyari sa Momo na 'to ? Anong nangyari sa Mina na 'to ? Anong nangyari kay Dahyun na 'to ? Anong nangyari sa sarili ko ?!
Naupo na kami sa upuan sa dining room . Inihanda na ni Momo ang mga pagkain . May mga pritong hotdog , egg , bacon , jokbal etc . May mga milk din na nakahanda .
Napuno ng katahimikan ang dining room . Nagkatinginan kaming apat . Ang awkward ata masyado ngayon .
"Kumain na tayo" Sabi ni Dahyun .
"Wala paring magbabago , Tandaan niyo 'yan" Sabi ni Momo.
"Mabuti pa nga kumain na tayo" Sagot naman ni Mina .
Kumilos na rin ako't nagsimula nang kumain . Nagulat kami kay Dahyun na nagpicture na naman .
Habang kumakain , Hindi ko maiwasang mapatingin kay Dahyun na katabi ni Momo .
BINABASA MO ANG
Kim Dahyun & The J-Trinity
FanfictionKim Dahyun & The J-Trinity "Kim Dahyun , Pwede ka nang magsimula sa bago mong trabaho . Good Luck , Sana'y makatagal ka . Binabalaan na kita dahil hindi biro ang trabahong pinasok mo . Siguraduhin mong magtitino ang tatlong magpipinsan na apo ng Cha...