Chapter 71 - Sana's Parents

598 26 1
                                    

SANA'S POV :

Sobrang sarap ng tulog ko dahil sa magandang balita na dinala ni Grandpa samin kagabi . Kaya ngayong paggising ko , Sobrang saya ko .

Finally , Mabibisita ko na ulit sila Mom and Dad sa bahay namin . Miss na miss ko na ang dalawang 'yun eh .

Agad na kong nag-ayos ng sarili ko at lumabas na ng kwarto . Nagmadali akong lumabas ng mansion . Mas sumaya ako nang makitang naka-park na ang kotse ko sa harapan ng Mansion .

"Oh My God ! My Baby !" Sigaw ko sabay takbo agad sa kotse kong namiss ko nang sobra .

Sa wakas , Makakagala na ulit ako gamit ang kotse ko . Excited na kong gamitin ulit 'to .

Agad na ring ini-check nila Mina at Momo ang mga kotse nila . Sobrang-saya ko talaga .

"Good Morning sa inyong tatlo" Sambit ni Dahyun .

"Good Morning talaga , Hahaha" Sagot ko sabay tawa .

Pumasok na rin naman agad sila Mina at Momo sa loob . Nagkatinginan kami ni Dahyun .

"Dahyun , Ngayon ang punta ko kila Mom and Dad" Sabi ko sa kanya.

"Good , Mabibisita mo na sila . Yung pamilya ko sa isang araw pa bibisita dito" Sagot niya sakin .

"Oo nga pala noh" Sagot ko sa kanya.

"Sige , Mauna na ko sa loob" Sagot niya sakin.

"Wait ! Dahyun , Diba sa isang araw pa naman ang dating ng pamilya mo dito ---- Sumama ka sakin sa pagbisita kila Mom and Dad" Sagot ko.

"Sana , Wag na . Nakakahiya . Ikaw na lang" Sagot niya sakin.

"Nope , Mas maganda talaga kung kasama ka . Samahan mo na ko . Sige ka , Kapag di ka sumama sakin magagala ako nang magagala" Sagot ko sa kanya .

Napa-glare naman siya sakin kaya napangiti na lang ako sa kanya . Alam kong mapapasama ko rin siya .

"Fine ! Sasama ako para masiguradong wala kang gagawing gulo" Sagot niya sakin.

"Salamat Dahyun , Magkikita na kayo ng parents ko" Masayang sagot ko sa kanya.

"Fine , Mag-aayos lang ako ng sarili ko . Hintayin mo ko . Subukan mong umalis nang mag-isa . Subukan mong gumawa ng gulo" Sagot niya sabay pasok na sa loob .

Siyempre , Bakit naman ako gagawa ng gulo ? Bakit naman ako tatakas ? Eh , Gusto ko ngang makilala ni Dahyun ang parents ko . Gusto kong makilala din siya ng parents ko .

Maya-maya pa , Lumabas na siya ng mansion kaya naman ihinanda ko na ang kotse . Ang ganda ni Dahyun sa dress niya . Marunong rin naman pala siyang pumorma . Ang ganda-ganda niya 😍

"Nagpaalam na ko kila Mina at Momo" Sagot ni Dahyun sakin .

"Let's Go" Sagot ko sabay bukas ng pinto ng kotse para sa kanya .

Sa tabi ko siya umupo . Agad ko rin namang ini-start ang kotse . Bumiyahe na kami nang magkasama .

Habang bumibiyahe , Nanlaki ang mata ko nang makitang may paparating na taxi sa harapan ko kaya naman agad akong nagpreno .

Kim Dahyun & The J-TrinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon