MOMO'S POV :
Ang daming nangyaring hindi maganda . Na-inlove ang sira-ulong si Sana kay Dahyun . Napansin ko 'yung pagbabago kay Mina . Lumabas na ang tunay na kulay ni Somi .
Ano ba naman ang mga nangyayari sa'min ? Nalulungkot ako sa nangyari kay Dahyun . Hindi niya deserve na masaktan . Wala talagang kwenta ang Somi na 'yun . Sinayang niya si Dahyun . Mabuti na lang at dumating si Mina para protektahan siya .
Nang pumunta na sa kwarto si Mina , Napatingin na lang ako kay Sana na halatang problemado .
"Ayusin mo 'to , Sana" Seryosong sabi ko sa kanya.
"So--Sorry" Sagot niya sakin sabay yuko.
"Wag sakin , Kay Dahyun ka mag-Sorry" Sagot ko sabay lakad na .
Napabuntong-hininga na lang ako at pumunta na lang sa kwarto ko . Bubuksan ko na sana ang doorknob pero nagbago ang isip ko dahil kay Dahyun . Gusto kong masiguradong maayos na ang lagay niya.
Lumakad na ko't pumunta sa kwarto niya . Kumatok ako , Mabuti na lang at sumagot siya kaya naman pumasok na ko sa loob. Nakahiga siya sa kama niya at nagpapahinga . Lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi niya.
"May problema ba ?" Tanong niya sakin.
"Wala naman . Gusto ko lang masiguradong makakatulog ka nang maayos" Sagot ko.
"Wag kang mag-alala , Konting pahinga lang ang kailangan ko tapos pwede na ulit akong magtrabaho" Sagot niya.
"No , Magpapahinga ka muna . Mas mahalaga sakin 'yung health mo" Sagot ko sa kanya.
"Ayos lang ako , Momo" Sagot naman niya sakin.
"Sigurado ka ? Kung gusto mo kong kausapin about random things , Sabihin mo lang . Okay ?" Tanong ko.
"Salamat" Sagot niya.
Napatingin naman ako sa teddy bear na ibinigay ko sa kanya . Agad ko itong kinuha at inilagay sa tabi niya .
"Yakapin mo lang 'to , Baka makatulong" Sabi ko kaya naman niyakap na niya ang teddy bear . Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan siya .
"Yung about kay Sana ---- Wag na nga lang . Hindi magandang pag-usapan 'yun . Magpahinga ka na lang" Sabi ko sa kanya.
"Ayos lang , Momo . Naiintindihan ko naman 'yung ugali ni Sana . Intindihin ko na lang siya" Sagot niya sakin .
I looked at her . Halata namang nasasaktan parin siya . Kahit ngumiti siya sakin , Hindi maipagkakailang nalulungkot padin siya .
"Yung about naman kay Somi , Nalaman na rin namin . Kalimutan mo na 'yun , Sinayang ka niya. Gague siya para lokohin ka" Sabi ko sabay smile sa kanya.
"Talaga ? Hahah , Siguro nga . Wag mo na kong intindihin about sa kanya . Kakalimutan ko na ang feelings ko sa kanya . Alam kong hindi agad-agad magagawa ko pero susubukan ko" Sagot niya sakin.
"Tama 'yan . Kim Dahyun ! Alam kong si Mina ang nagprotekta sayo . Pero --- Pwede bang gawin ko rin 'yun ?" Sabi ko sa kanya.
Gusto ko siyang protektahan nang higit pa sa kahit na sino . Hindi deserve ng isang katulad niya ang masaktan dahil simula't sapul wala naman siyang ginawang masama . Actually , Siya ang reason kung bakit gusto ko nang gawin 'yung ikasisiya ng puso ko eh .
Kaya heto , Sinisigurado kong ayos lang siya dahil ito ang ikasisiya ng puso ko . Sasaya ko kapag nagawa ko siyang mapasaya .
"Oo naman" Sagot niya sakin kaya sumaya ako .
"Salamat , Dahyun . Maraming Salamat sa pagdating sa buhay ko" Sagot ko sabay hawak sa kamay niya .
"Walang anuman , Masaya ko dahil pinipili mo nang maging masaya" Sagot niya.
"Tama , Pinipili kong maging masaya hindi lang para sa sarili ko kundi para rin sayo" Sagot ko.
"Ta--Talaga ? Hehe , Salamat . Ang tanga ko kasi eh , Wag mo kong tutularan . Naniwala ako sa walanghiyang Somi na 'yun" Sabi niya sakin.
"What is coming is better than what is gone" Sagot ko sa kanya .
"What do you mean ?" Tanong niya sakin.
"Wag mong ikahinayang 'yung nawala sayo dahil may mas better na parating . Wag mong ikahinayang ang Somi na 'yun dahil parating na si Momo sa buhay mo" Sagot ko sabay smile sa kanya.
"Taka ka diyan pero --- Ikaw si Momo eh" Sagot niya.
Tsk ! Minsan may pagka-slow talaga siya . Hindi niya nagegets yung sinasabi ko.
"Ibig kong sabihin ---- Nandito na ko sa buhay mo . Hindi ko hahayaang maging malungkot ka . Ano bang gusto mo ? Gagawin ko . Para mapasaya ko lang 'yang puso mo" Sagot ko .
"Gusto kong makita kang sumayaw" Sagot niya kaya natigilan ako't napatingin sa kanya.
"Sabi mo gagawin mo" Sagot niya sabay biglang lungkot ng mukha.
"Sino bang nagsabing 'di ko gagawin ? I'll do it for you" Sagot ko sabay tayo na sa harapan ng higaan niya .
"Go Momo ! Hahaha" Sagot niya sabay tawa.
Sinimulan ko nang sumayaw sa harapan niya . Marunong kaya akong sumayaw . Ako pa ! Hahahah .
Sumayaw-sayaw ako sa harapan niya . Nakita kong maganda ang naging reaksyon niya kaya naman natuwa din ako . Nagpapatawa ko habang sumasayaw . Nagaala-Comic ang sayaw ko para lang sa kanya .
Tumatawa-tawa siya sakin . Masaya ko na napapasaya ko siya sa ganitong paraan .
"Hahaha ! Woohoo ~ Ang galing mo pala sumayaw , Momo !" Sagot niya sakin sabay palakpak.
"Siyempre , Ako pa . Hindi ako magsasawang sumayaw para sayo basta sumaya ka lang" Sagot ko sa kanya .
"Salamat , Momo . Salamat sa pagpapasaya sakin at salamat sa pagiging kaibigan ko" Sagot niya.
Kaibigan ? Well , Ayos lang naman saking kaibigan ang trato niya sakin ngayon eh . Mas magandang nagsisimula sa pagkakaibigan ang pagkaka-ibigan 💞 Sa ngayon , Ang mahalaga ay mapasaya ko siya at masiguradong pati yung puso niya masaya .
"Matulog ka na , Sleep Well . Kim Dahyun , Goodnight" Sabi ko sa kanya.
"Ikaw din , Momo" Sagot niya sakin .
Inayos ko na ang kumot niya at lumabas na ng kwarto niya . Napasandal ako sa pader at napangiti na lang.
Nagulat naman ako nang makita ko si Sana na nakatingin sakin kaya naman nagpakaseryoso na ulit ako. Aish ! Ginugulat niya ko !
"A--Ano bang ginagawa mo ? Bakit abot-tenga na 'yang ngiti mo ?" Tanong niya.
"Tsk ! Wag ka na ngang magtanong . Matutulog na ko" Sagot ko sabay lakad na sa kwarto ko. Nahiga na ko sa kama ko at masayang nahimbing ang tulog . Her Happiness is my Happiness . Kaya dapat palagi siyang masaya .
💞To be Continued💞
- Magkaayos pa kaya si Sana at Dahyun ? Paano naman sila Momo at Mina ? Abangan !
- lherrygulpo
BINABASA MO ANG
Kim Dahyun & The J-Trinity
FanfictionKim Dahyun & The J-Trinity "Kim Dahyun , Pwede ka nang magsimula sa bago mong trabaho . Good Luck , Sana'y makatagal ka . Binabalaan na kita dahil hindi biro ang trabahong pinasok mo . Siguraduhin mong magtitino ang tatlong magpipinsan na apo ng Cha...