Pakinggan niyo 'yung "In A World Without You" by Dennis 👏😂 Ost siya ng Absolute Boyfriend (Taiwanese Drama) HAHAHAHA . Wala lang , Maganda kasi talaga 'yun eh 💞😍💑😘 Panoorin niyo ang Absolute Boyfriend , Maganda yun . Emegesh ! HAHAHAHA .
MINA'S POV :
Kinabukasan , Maaga akong nagising . Nang lumabas ako ng kwarto , Bigla kong naalala yung mga happy memories kasama si Dahyun . Nasasaktan ako , Nasasaktan ako nang sobra dahil alam kong memories na lang ang lahat ng 'yun ngayon .
Memories na kahit kailan ay hindi na mauulit . Lalabas sana ko ng mansion kaso hinarang ako ng mga guards .
"Hindi po kayo maaaring lumabas" Sambit ng guards sakin . Napaupo na lang ako sa sofa sa living room at napatulala . Naalala yung panahon na nanood kami ng movies dito sa living room nang sama-sama . Yun yung panahong hindi ko namamalayang sobrang saya ko na pala nang dahil sa kanya.
Hanggang sa hindi ko na makayanang magstay sa kinauupuan ko dahil sobrang daming memories ang naaalala ko kasama siya.
Lumakad na ko pabalik sa taas nang mapadaan ako sa kwarto niya . Hindi ko alam kung bakit pero nagawa kong pumasok sa loob kahit na nasasaktan ako sa tuwing maaalala ko ang memories namin together .
Nang pumasok ako sa loob ng kwarto niya , May nakita akong sulat na nakapatong sa table sa tabi ng kama niya .
To : Mina , Momo and Sana
Guys , Pasensya na kayo dahil kailangan ko nang umalis . Ito na yung panahon na 'yun . Panahon kung saan babalik na ko sa probinsya . Panahon na hindi ko na kayo makakasama . Maraming salamat sa lahat ng tulong na ibinigay niyo sakin . Para sakin , Kayo ang pinaka-the best na kaibigan . Kayo ang naging sandalan ko habang namumuhay ako diyan . Masaya ko dahil nakilala at naging kaibigan ko kayo . Sana maging maayos na talaga ang buhay niyo . Iwasan niyo nang magawa ng gulo . Matuto na kayong magdesisyon ng tama hindi lang para sa sarili niyo kundi para na rin sa ikabubuti ng ibang tao . Maging masaya sana kayo . Fighting ! Kaya niyo 'yan !
From : Dahyun 💞Napaupo na lang ako sahig matapos mabasa ang sulat niya para samin . Bakit ganito ?! Kung kailan masaya na ko , Saka pa siya nawala . Kung kailan sigurado na ko sa nararamdaman ko , Saka pa niya ko iniwanan .
Talaga bang nananadya ang tadhana ?! Dapat pinigilan ko siya eh . Dapat ipinaglaban ko siya ! Dapat hindi ko siya hinayaang umalis nang ganun na lang .
Paano ko magiging masaya kung wala naman siya sa tabi ko ?! Ano pang saysay ng nakalagay sa bracelet namin na "With you , I'm not afraid" ?!
Sa mga oras na 'tong hindi ko siya kasama , Takot na takot ako ! Takot na takot dahil baka hindi ko na talaga siya muling makita .
Naisip kong hindi nga pala kinuha ni Grandpa ang cellphones namin . Kailangan ko siyang makausap .
Agad ko na siyang tinawagan . Sinusubukan ko siyang tawagan pero hindi niya sinasagot ang tawag ko . Pinatay na niya ang phone niya kaya naman hindi ko na siya ma-contact .
Tuluyan na kong napaluha nang hindi ko na siya matawagan . Kim Dahyun , Kailangan kita . Pakiusap , Hayaan mo kong gumawa ng paraan para makausap ka .
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko eh . Hindi ko na alam kung anong dapat na maramdaman ko . Para kong nasa sarili kong mundo kung saan wala siya . Pakiramdam ko , Parang wala na talaga siya . Kailangan ko siyang makausap . Kailangan ko siyang makasama . Kaikangan niya ko at kailangan ko rin siya .
Yun yung nararamdaman ko eh . Nararamdaman kong pareho kami ng nararamdaman sa isa't-isa . Pero , Bakit niya piniling lumayo sakin ?! Bakit hindi siya lumaban ?! Bakit hindi siya nagstay sa tabi ko ?!
Maya-maya pa , Biglang pumasok si Momo sa loob ng kwarto ni Dahyun .
"Nandito ka lang pala" Sambit niya sabay upo na sa tabi ko.
"Basahin mo 'yan , Letter from Dahyun" Sagot ko.
Agad namang binasa ni Momo ang sulat . Matapos basahin , Tinapik niya ang likuran ko .
"Tama nang kakaiyak , Mina" Sabi niya sakin.
"Nasasaktan kasi ako . Huli na ang lahat nang marealized kong mahal ko talaga siya . Gusto ko siyang makausap . Tinawagan ko siya pero ayaw niyang sagutin" Sagot ko habang umiiyak.
"Mina , Sasabihin ko na sayo ah . Para sakin , Ikaw yung mahal ni Dahyun . Kahit hindi niya sinabi , Alam kong ikaw 'yun . Nakikita ko sa mata niya na masaya rin siya kapag masaya ka . Kaya niya kami binusted ni Sana dahil ikaw yung nasa puso niya" Sagot niya sakin.
"Ano pang purpose ng sinasabi mo ngayon ?! Eh , Wala na siya sakin" Sagot ko.
"Anong purpose ?! Ang purpose ng mga sinasabi ko sayo ngayon ay para wag kang sumuko . Wag kang bibitaw kay Dahyun . Ipgalaban mo siya ! Tulad ng palagi mong sinasabi sa kanya , Pahalagahan mo ang nararamdaman niyo para sa isa't-isa" Sagot niya sakin.
"Salamat sa pagpapagaan ng loob ko" Sagot ko kay Momo.
"Hindi ko pinapagaan ang loob mo ! Sinasabi ko ang totoo at ang dapat na ginagawa mo" Sagot niya .
"Ipabasa mo rin kay Sana ang sulat mula kay Dahyun" Sagot ko.
"Talagang ipapabasa ko sa kanya 'to" Sagot niya sakin.
Maya-maya pa , Sumulpot si Sana at pumasok rin sa loob .
"Nandito ang Dad mo , Mina" Sambit ni Sana sakin. Pumasok na rin sa loob si Dad.
"Anak , Kumusta na kayo ?" Tanong ni Dad sakin .
"Hindi po mabuti . Hindi parin kami makalabas" Sagot ko.
"Pasensya na , Wala akong magawa eh" Sagot ni Dad sakin.
"Naiintindihan ko , Dad . Bakit nagpunta kayo dito ?" Tanong ko.
"Binibisita ko lang kayo . Naglagay na ko ng mga pagkain sa ref niyo" Sagot ni Dad.
"Salamat po" Sagot ni Momo kay Dad.
"Lalabas na muna kami" Sagot ni Sana . Lumabas na si Sana at Momo at tumabi sakin si Dad.
"Anak , Ayos ka lang ba ?" Tanong ni Dad sakin.
"Heto , Nahihirapan dahil hindi ko magawang puntahan yung mahal ko" Sagot ko kay Dad.
"Anak , Kakayanin mo 'yan . Tiwala lang ! Kung nagmamahalan kayo , Ipaglaban niyo ang isa't-isa . Kung hindi naman pareho ang nararamdaman niyo sa isa't-isa , Kailangang palayain mo siya kahit na anong mangyari . Wag mong ipipilit ang sarili mo" Sagot ni Dad.
"Naiintindihan ko , Dad . Pero sa kaso namin ni Dahyun , Nararamdaman kong mahal rin niya ko" Sagot ko.
"Kung ganun , Lumaban ka ! Wag kang susuko" Sagot ni Dad sakin.
Tumango na lang ako kay Dad. Agad na ring tumayo si Dad.
"Paano ? Kailangan ko nang umalis eh . Sabihin mo lang kapag kailangan mo ng tulong ko" Sagot ni Dad .
"Thanks Dad" Sagot ko. Tama sila ! Dapat ngang lumaban ako . Kakayanin ko 'to .
Nang umalis si Dad , Narinig kong nag-uusap sila Momo at Sana . Umiiyak si Sana .
💑To be Continued💑
Bakit nga ba umiiyak si Sana ? Abangan .
BINABASA MO ANG
Kim Dahyun & The J-Trinity
FanfictionKim Dahyun & The J-Trinity "Kim Dahyun , Pwede ka nang magsimula sa bago mong trabaho . Good Luck , Sana'y makatagal ka . Binabalaan na kita dahil hindi biro ang trabahong pinasok mo . Siguraduhin mong magtitino ang tatlong magpipinsan na apo ng Cha...