DAHYUN'S POV :
Nang kunin ko ang lahat ng gamit sa aking kwarto , Iniwanan ko na ang teddy bear na bigay ni Momo . Wala nang dahilan para dalhin ko 'yun dahil puro sakit lang naman ang iniwanan ko kay Momo dahil hindi ko magawang ibigay ang pagmamahal na gusto niya . Ganun din naman kay Sana .
Palabas na sana ko nang mapahinto ako sa harapan ng pintuan . Napabuntong-hininga na lang ako habang pinagmamasdan ang kwartong iiwanan ko .
Madami ring memories ang nangyari sakin dito . Napalingon ako sa cr sa loob ng kwarto ko kung saan una kong naka-encounter sila Mina . Napangiti na lang ako nang maalala ko yung moment na binato ko si Mina ng sabon sa noo . Sobrang daming masasayang alaala ang iiwanan ko sa bahay na 'to .
Kumuha na lang ako ng isang papel at ballpen . Hindi ako aalis basta-basta , Kailangan kong masabi ang mga dapat kong sabihin sa kanila .
Nang matapos kong isulat ang mga nais kong sabihin sa kanilang tatlo , Inilapag ko na ang sulat sa table sa tabi ng kama ko.
Lumabas na ko ng kwarto't ibinigay na kay Secretary Park ang mga gamit ko .
"Umalis na po tayo , Miss Dahyun" Sambit ni Secretary Park sakin . Napatango na lang ako sa kanya . Hanggang sa paglabas ko ng Mansion , Hindi ko naiwasang lumingon sa kanila .
Sa huling pagkakataon , Pinagmasdan ko silang magkakasama . Sumakay na ko ng kotse .
"Let's Go , Secretary Park" Sabi ko kaya naman umalis na kami . Hindi nakasarado ang bintana ng kotse kaya naman naririnig ko ang pagsigaw nila . Sinusubukan nila kong tawagin pero alam kong hindi 'yun makatutulong sa kanila at sakin .
Aminado kong mamimiss ko ang kwarto ko sa mansion . Mamimiss ko rin ang mga taong kasama ko doon .
Akala ko tuluyan nang magiging masaya ang pamilya nila . Akala ko wala nang mangyayaring gulo dahil nakita ko nang masaya sila sa piling ng isa't-isa . Akala ko tuloy-tuloy na , Nagkamali ako .
Mas lalong nagkaroon ng gulo nang maging involved ako sa buhay nila . Habang nagkakagulo sila , Naisip kong napasama pa ang pagdating ko sa buhay nila . Mas nagkagulo sila ngayon nang dahil sakin .
Bakit ganun ? Sa tuwing makukuha na ni Mina 'yung saya , Palaging may nangyayaring hindi maganda . Ako 'yung pampagulo sa buhay niya eh .
Nang dahil sakin , Nag-away na naman silang magpipinsan . Ako talaga ang may kasalanan ng lahat eh . Kung alam ko lang sanang may nararamdaman rin si Mina para sakin katulad nila Sana at Momo , Hindi na sana ko naghangad na mas maging malapit sa kanya . Kung nalaman ko lang sana nang mas maaga , Eh di sana nagawa kong umiwas sa kanya .
Nang aminin ni Mina ang nararamdaman niya para sakin , Pumasok sa isip kong "Hindi tayo pwede sa isa't-isa . Nasa taas ka , Nasa baba ako . Langit ka , Lupa ako . Mayaman ka , Mahirap lang ako" .
Siguro may dahilan kung bakit nangyayari ang lahat . Siguro panahon na talaga para umuwi ako sa Probinsya . Panahon na para putulin ko ang koneksyon ko sa kahit na sino sa kanila .
Habang bumibiyahe sakay ng kotseng minamaneho ni Secretary Park , Napatulala na lang ako dahil hindi ko mapigilang alalahanin ang memories naming apat together .
"Miss Dahyun , Ayos lang po ba kayo?" Tanong ni Secretary Park sakin.
"Ayos lang po ako , Wag po kayong mag-alala" Sagot ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Kim Dahyun & The J-Trinity
ФанфікиKim Dahyun & The J-Trinity "Kim Dahyun , Pwede ka nang magsimula sa bago mong trabaho . Good Luck , Sana'y makatagal ka . Binabalaan na kita dahil hindi biro ang trabahong pinasok mo . Siguraduhin mong magtitino ang tatlong magpipinsan na apo ng Cha...