Chapter 46 - Time Machine

755 31 0
                                    

MINA'S POV :

Nang lumabas ako ng kwarto ni Dahyun , Agad na kong dumeretsyo sa living room kung saan naroon sina Sana at Momo . Naupo na ko sa tabi nila .

Ilang minuto ring napuno ng katahimikan ang living room . Mabuti pa ako nang magsimula .

"Anong nangyari ?" Tanong ko nang paseryoso.

"Makikinig lang ako dito" Sabi naman ni Momo.

"Nasaktan ko 'yung feelings ni Dahyun" Sagot ni Sana . Tumingin ako sa kanya habang siya naman nakayuko lang .

"Sa paanong paraan ?" Tanong ko.

"Inamin ko na 'yung feelings ko sa kanya" Sagot ni Sana kaya naman nagulat din si Momo.

"What ?! Feelings ?!" Tanong ni Momo.

"Yes , May gusto ko kay Dahyun . Hindi ko din naintindihan yung sarili ko nung una dahil akala ko wala lang 'tong nararamdaman ko pero habang tumatagal hindi ko na makayanan . Alam kong ako ang pinaka-buwisit sa buhay niya pero sa pagkakataong 'to hindi ako nagloloko . Seryoso ko sa kung anong mga nararamdaman ko para sa kanya . Nahanap ko na 'yung kapatat ko na magpapatino sakin" Sagot ni Sana .

"Then ?" Tanong ko.

"Hi--Hindi niya tinanggap 'yung nararamdaman ko sa kanya" Sagot niya.

"Bakit ?" Tanong ni Momo.

"Dahil may mahal siyang iba at hindi niya ko kayang mahalin" Sagot ni Sana na nalulungkot .

"Tapos , Anong ginawa mo ?" Tanong niya.

"Hindi ko nakontrol 'yung sarili ko . Nawala na ko sa tamang pagiisip nung i-reject niya ko kaya naman pinag-isipan ko siya ng masama . A---Akala ko nakikipagmabutihan siya sa inyo at kay Somi nang sabay-sabay . Nagselos ako . Naisip ko na bakit sakin hindi siya ganun . Tapos , Aksidente ko ding na-mention ang pamilya niya . Natanong ko siya na kung ganun ba siya pinalaki ng magulang niya" Sagot ni Sana kaya naman agad akong napatayo dahil sa inis ko .

Agad namang naalerto si Momo para pigilan ako .

"Relax lang , Mina" Sabi ni Momo sakin .

"Alam kong nasaktan ko talaga siya kaya namaj nagsisisi talaga ako . Gagawin ko ang lahat para patawarin niya ko sa nagawa ko . Hindi ko sinasadya 'yun" Sagot ni Sana.

Naalala ko 'yung sinabi ni Dahyun . Sinabi niyang uuwag kaming mag-away kaya naman ginalang ko 'yung mga sinabi ni Dahyun.  Baka kasi lumala ang kondisyon niya kapag na-stress siya .

Humarap na ko kay Sana at tiningnan siya nang paseryoso . Hindi na ko papayag na maulit 'to . Hinding-hindi .

"Sana , Please lang wag mo nang ulitin 'to . Baka kung anong magawa ko sayo" Sabi ko sa kanya.

"Pasensya na , Pangako" Sagot ni Sana.

"Sisiguraduhin kong hindi mo na siya ulit masasaktan , Tandaan mo 'yan" Sagot ko .

"Mi---Mina , Bakit nagkakaganyan ka ?" Tanong naman ni Momo.

"Dahil kaibigan ko si Dahyun" Sagot ko .

"Wait , Ano bang nangyari kanina ?" Tanong ni Momo.

"Mabuti na lang at dumating ako dahil walang naidulot na maganda ang Somi na 'yun sa kanya . Nakita ko si Somi na may kasamang iba sa Park noong magpahangin kami ni Dahyun sa Park pero hindi ko sinabi sa kanya dahil alam kong masasaktan siya . Nangyari na nga , Sinaktan din ni Somi 'yung feelings niya katulad ng ginawa mo , Sana. Manloloko si Somi . Pero alam niyo , Sinigurado kong mapoprotektahan ko siya kanina . Ginawa ko 'yun dahil ayokong may nananakit ng feelings ng kaibigan ko" Sagot ko sabay lakad na papunta sa kwarto ko. 

Hindi na pwedeng mangyari 'to ulit kay Dahyun . Nandito na ko para ipagtanggol siya . Pangako 'yan .

💟💟💟💟💟💟💟💟💟💟💟

SANA'S POV :

Hindi ko naman gustong humantong sa ganito ang lahat . Alam kong kasalanan ko 'to . Hindi naman sinabi ni Dahyun na mahulog ako sa kanya pero nangyari parin . Na-inlove ako sa taong palagi kong binubuwisit , Sa taong gusto ko laging makitang nakakunot-noo sakin .

Ganito pala talaga kapag ayaw sayo ng taong gusto mo . Hindi niya ko gusto dahil may iba siyang mahal . Saka , Siguro mahirap akong mahalin dahil sa ugali kong 'to . Naging selfish ako . Hindi ko man lang inisip kung anong mararamdaman niya sa mga nasabi ko sa kanya .

Huli na nang malaman kong nagkamali ako . Dapat itinago ko na lang sa sarili ko 'tong lint*k na nararamdaman ko sa kanya . Oo , Tinamaan ako ng lint*k na pag-ibig na 'yan .

Nasaktan ko yung feelings niya . Hindi ko naman intensyong masaktan siya.  Kailangang may gawin ako para makabawi sa kanya . Kailangang mapasaya ko siya . It's all my fault .

Masyado kong nagpaka-kampante . Masyado kong itinaas ang pride ko . Natakot akong ma-reject kaya naman nasaktan ko siya . Inisip ko lang 'yung sarili kong nararamdaman . Ngayon , Ano nang gagawin ko ?

Nahanap ko na nga talaga yung katapat ng isang tulad ko . Kung pwede ko lang sanang ibalik yung oras kung saan hindi pa niya nalalaman ang nararamdaman ko , Gagawin ko . Hindi ko na lang dapat sinabi sa kanya para hindi na siya nasaktan .

Nasaktan pa si Dahyun kay Somi kanina . Kasalanan ko talaga 'to . Kung di sana ko nagsabi ng masasakit na salita kagabi , Hindi na sana pupunta si Dahyun kay Somi . Tama si Mina , Pareho lang kami ng Somi na 'yun . Sinaktan namin si Dahyun 💔

Ngayon , Hindi na niya ko gugustuhing makasama o makita man lang . Nasaktan ko ang Monster Maid ko . Sorry , Dahyun .

💔To be Continued💔

- Magready na tayo sa COMEBACK ng TWICE . WAAAAHHH !
- lherrygulpo



Kim Dahyun & The J-TrinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon