MOMO'S POV :
Nang matapos ko na ring ayusin ang gamit ko , Lumabas na muna ko para sulitin ang view sa dagat . Natigilan na lang ako nang makita kong magkatabing nakaupo sa buhanginan sa tabing dagat sina Dahyun at Mina .
Mukhang seryoso ang pinaguusapan nila ah . Hinayaan ko na lang silang magkwentuhan. Naglakad-lakad na lang ako sa tabing dagat .
Mamimiss ko ang lugar na 'to . Siyempre , Mamimiss ko rin yung happy moments na meron kami nila Dahyun dito .
Ngayong sigurado na ko sa nararamdaman ko para kay Dahyun , Kailangang gumawa ako ng paraan para maamin ko na sa kanya ang katotohanan .
Ano kayang dapat kong gawin ? Naupo na lang ako sa buhanginan malayo kila Dahyun at Mina. Kinuha ko ang phone ko at agad nang nag-video .
Ihinarap ko ang camera sakin . Gusto kong mag-video kung saan sasabihin ko kung anong nararamdaman ko para sa kanya .
Alam kong mukha akong tanga dito mag-isa . Pero anong magagawa ko ? Mahal ko siya eh . Handa akong magmukhang tanga maamin lang sa kanya ang totoo .
"Kim Dahyun , Makinig ka sa mga sasabihin ko . Alam kong ang weird nito . Ni hindi ko nga ma-imagine na gagawin ko 'to eh . Ikaw lang yung kumatok sa puso ko eh. Sa tingin ko dun nagsimula ang lahat eh . Akala ko kaibigan lang kita pero palagi kitang naiisip eh . Namumula yung pisnge ko at napapangiti na lang ako kapag nandiyan ka . Nagsimula na kong ma-inlove sayo . You're sweet , You're just like chocolate candy . Papatunayan ko kung gaano kalaki ang pagmamahal ko sayo . I can't hide anymore . Always stay with be . Don't leave me . Ngayon , Alam ko nang sa puso ko --- Ikaw lang . Look into my eyes , It's full of hearts . Kahit na ano pang sabihin ng iba , Ikaw lang . Hindi ko alam kung bakit mahal na kita eh . 'Cause Real love has no reasons. Don't make me wait any longer , Isang sagot lang naman yung hinihintay ko . You and me against the world , I'm not afraid . Kahit na anong mangyari , Lalaban ako para sayo kahit sabihin pa nilang hindi tayo bagay . Kahit sabihin pa nilang hindi tayo karapat-dapat sa isa't-isa . Kim Dahyun , Mahal na mahal kita . Mahal mo rin ba ko ?" Sambit ko habang naka-video .
Nang matapos na kong mag-video , Initago ko na ang phone ko . Ipapakita ko sa kanya yung video sa oras na magko-confess na ko sa kanya .
Agad na rin naman akong tumayo . Bumalik na ko sa pwesto ni Dahyun at Mina kanina , Wala na si Mina sa tabi ni Dahyun . Mag-isa na lang siyang nakaupo sa buhanginan .
"Dahyun" Tawag ko sa kanya
"Oh Momo , Naayos mo na rin ang gamit mo ?" Tanong niya sakin.
"Oo , Ayos na" Sagot ko sabay upo sa tabi niya .
"Mabuti naman" Sagot niya sabay tingin na lang sa malayo .
Pinagmasdan ko siya . Kahit talaga anong anggulo , Maganda parin siya . Kahit nga mag-derp face siya , Maganda parin siya para sakin .
Makita ko lang siya at mapagmasdan ang mukha niya , Masaya na ko . Paano na lang kung maging kami na , Eh di sobrang saya ko na nun . Sana nga ganito rin ang nararamdaman mo para sakin , Kim Dahyun . Sana mahal mo rin ako . Sana ako 'yung nandiyan sa puso niya kasi siya lang yung nasa puso ko eh .
Agad naman akong napaiwas ng tingin nang tumingin siya sakin . Wew ~ Muntikan na yun ah .
"Ang ganda talaga dito noh" Sambit niya sakin.
"Ta--Tama , Maganda nga talaga dito . Lalo na kapag maganda rin yung kasama mo" Sagot ko.
"Ako ba ang tinutukoy mo ?" Tanong niya sakin.
"Oo , Ikaw nga . Maganda ka kaya , Dahyun" Sagot ko sa kanya nang paseryoso.
"Nako , Momo ! Hahaha . Binobola mo ko" Sagot niya sabay tawa pa .
"Totoo ang sinasabi ko , Dahyun" Sagot ko sa kanya . Napatawa na lang siya sakin .
"Dahyun , May sasabihin akong scenario sayo . Sabihin mo kung anong gagawin mo" Sambit ko.
"Sige , Ano ba yun ?" Tanong niya.
"What if ma-inlove ka sa taong hindi mo ka-level ang estado sa buhay . What if mayaman siya mahirap ka ? What if madaming humahadlang sa pagmamahalan niyo ? Anong gagawin mo ? Pipiliin mo parin ba siyang mahalin ?" Tanong ko.
Tumingin siya sakin sabay hawak sa kamay ko.
"Sa Love , Walang level-level ng estado sa buhay 'yan . Kapag nagmahal ka , Nagmahal ka . Anong gagawin ko ? Eh di ipaglalaban ang pagmamahalan namin nang magkasama , Mahal namin ang isa't-isa eh . Pero , Scenario lang yan ah ! Hindi ko parin alam ang gagawin ko kung sakaling mangyari sakin yan" Sagot niya sakin.
"Talaga ???" Tanong ko sa kanya. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko .
"Oo naman , Iba parin ang nagagawa ng love noh. Laban lang ! Makapangyarihan ang Love" Sagot niya sakin sabay smile.
Napangiti na lang ako sa kanya . Kakaiba ka talaga , Kim Dahyun . Ibang-iba ka sa iba . Ikaw na nga yung hinahanap ko . Ikaw na yung makakapagpasaya sakin kahit na anong mangyari .
As soon as possible , Malalaman na niyang mahal ko siya . Lalaban ako para sa kanya .
💟TO BE CONTINUED💟
ONLY OH ONLY , ONLY NEO 🎶🎶🎶 GUSTONG-GUSTO KO ANG KANTA NG TWICE NA 'TO . LALO NA YUNG LINE NA "YOU AND ME AGAINST THE WORLD , I'M NOT AFRAID" EMEGESH ! HAHAHAHAHA 😍😘💞
BINABASA MO ANG
Kim Dahyun & The J-Trinity
FanfictionKim Dahyun & The J-Trinity "Kim Dahyun , Pwede ka nang magsimula sa bago mong trabaho . Good Luck , Sana'y makatagal ka . Binabalaan na kita dahil hindi biro ang trabahong pinasok mo . Siguraduhin mong magtitino ang tatlong magpipinsan na apo ng Cha...