MINA'S POV :Nakakaloka lang na ganito umasta 'tong bagong maid na kasama namin . As if namang tumagal siya dito 🙅 Hindi ako papayag na magpaka-close kila Momo at Sana . Ayoko ! As in never .
Nakakainis na bagong weird na maid . Sinabihan ba naman akong manyakis ! Binato pa ko ng sabon . Tinamaan kaya ako sa noo 🙅🙅🙅 Ang sakit kaya nun !
Hindi ko naman kasi alam na dumating na pala ang maid na 'yun dahil nasa garden ako sa labas ng mansion tapos naisipan kong maligo . Saka , Hindi ko rin alam na yun pala ang room na gagamitin niya . Gusto ko lang namang dun muna maligo dahil hindi ko pa nalilinis yung cr sa kwarto ko . Malay ko bang nandun siya sa loob ng cr . Saka , Hindi naman niya ini-lock eh .
Simula nang dumating siya , Ang dami nang nangyaring gulo . Mas dumami pa nga nang dumating siya . Inis na inis na nga ko kila Momo at Sana tapos dadagdag pa siya 🙅
Tapos nung nanonood na ko ng TV , Bigla niyang initabi sakin 'yung dalawang baliw at pinatay pa niya yung TV . Nakakainis !
Ngayon , Katabi ko parin 'tong dalawang 'to . Bakit ?! Pinagbantaan niya lang kaming irereport kami kay Grandpa . Diba nakakainis ?! Pasalamat siya kasi bumalik kami sa sofa . Sino ba siya sa akala niya ?!
"Ngayon , Gusto kong malaman niyo na nagkaroon ng misunderstanding" Sabi niya samin.
"Tapos ?" Tanong namin.
"Naklaro ko na ang nakalagay sa text ni Secretary Park . Hindi pala tatlong bata kundi tatlong isip bata" Sagot niya samin.
Ipinakita pa niya samin yung text sa kanya pero poker face lang kami sa harapan niya .
"Tsk ! Sinasabi na sayo , Ang tigas ng ulo mo" Sabi ni Sana sa kanya.
"Hindi ko naman kasi alam . Malay ko bang kayo pala 'yung tatlong aalagaan ko" Sagot niya sabay kamot sa ulo.
"Ganyan ba dapat umasta ang isang maid na tulad mo ? Ganyan ba ang way mo ng pag-aalaga sa mga boss mo ?" Tanong ko sa kanya.
"So---Sorry , Nagkaroon lang ng misunderstanding" Sagot niya samin.
"Tapos ka na ba ? Gusto ko nang magpahinga" Sabi ni Momo sa kanya.
"Sandali lang , Ako si Kim Dahyun . 20 years old mula sa Probinsya . Nice to meet you . Sana kalimutan na natin yung nangyari kanina" Sabi niya saming tatlo.
Wow ! 20 years old ?! Mas bata pa pala 'to samin eh . I'm 21 years old . Mas matanda pa ko ng isang taon kaya dapat ginagalang niya ko . Isang Probinsyana 👏😎
"Mas bata ka naman pala sakin eh ! I'm 21 years old" Sagot ko.
"I'm 22 years old" Sagot naman ni Sana sa kanya.
"And I'm 23 years old" Sagot naman ni Momo.
"Ta---Talaga ? Ganun ba ? Sige ! Wag kayong mag-alala dahil kahit mas bata ako sa inyo , Gagawin ko ng tama ang trabaho ko . Akong bahala sa inyo . Magkakaayos din kayo" Sagot niya samin sabay smile.
"Tsk ! Never na mangyayari yan" Sagot ko.
"Bakit hindi ? Magpipinsan kayo dapat nagtutulungan kayo" Sagot niya.
"Pinsan your face , Ayoko nga" Sagot naman ni Sana .
"Saka , Ni ayoko ngang makita 'yang dalawang 'yan" Sabi naman ni Momo.
"Relax lang nga kayo ! Ako nang bahala . Simula ngayon , Kailangan niyo nang sumunod sa rules" Sagot niya samin.
"Rules ?!" Tanong naming tatlo.
"Tama , Rules . Ibinilin sakin ng Grandpa niyo na alagaan ko kayo at siguraduhing magkakasundo kayong tatlo" Sagot niya samin.
"No Way !" Sabay-sabay naming sagot.
"Saka , Bawal niyo ring atupagin ang pakikipagdate" Sagot niya samin . Natigilan tuloy kaming tatlo. Pakikipagdate ?!
"As if namang nakipagdate na ko . Wala akong interes sa pakikipagdate" Sagot ko.
"Hindi pwede ! Ano ko tatambay na lang dito forever ?" Tanong ni Sana . Palibhasa kasi walang inatupag kundi makipagdate .
"Oo ! Ang atupagin mo , Makipagkasundo ka sa mga pinsan mo" Sagot niya kay Sana.
"Gusto mo atang tayo na lang ang magdate eh" Sagot ni Sana sa kanya .
"Ayoko nga ! Nandito ko para magtrabaho" Sagot niya kay Sana.
"As if namang ide-date kita . Mas gusto ko pang ka-date ang cactus kaysa sayo" Nakangising sagot ni Sana sa kanya.
"I--Ikaw !" Inis na sabi ni Dahyun kay Sana.
"Wala akong time makipagdate . Saka , Wala namang deserving para ma-date ko" Sagot naman ni Momo . Ang Yabang !
"Bukod sa mga sinabi ko , Kailangang panatilihin niyo ang kalinisan dito sa mansion . Maglilinis naman ako . Saka , Sa tuwing may activities tayo kailangang kasama kayong tatlo . Kapag hindi kayo sumunod sa rules , Isusumbong ko kayo sa Grandpa niyo" Sagot niya samin .
"Ang dami naman ng rules na 'yan !" Reklamo ni Momo.
"Sumunod na lang kayo para wala tayong pagtalunan" Sagot niya samin sabay smile.
"Hindi ka tatagal dito , Maniwala ka !" Sagot ko sa kanya.
"Kakayanin ko , Wag kayong mag-alala . Fighting !" Sagot niya samin sabay smile pa.
Nakakainis talaga ang fighting spirit na pinapakita niya . First time ko lang nakaencounter ng ganitong maid . Pero , Hindi ako susuko sa kanya . Akala ba niya ?!
"Ngayon , Magpahinga muna tayong lahat" Sabi niya samin .
Napakamot-ulo na lang kami at agad ring bumalik sa kanya-kanyang kwarto . Napahiga na lang ako sa kama ko . HINDI PWEDE ! HINDI DAPAT NANGYAYARI 'TO 😭😭😭
💞To be Continued💞
Hanggang saan nga ba kakayanin ni Dahyun ? Sino nga ba ang unang susuko sa kanila ? Abangan !
BINABASA MO ANG
Kim Dahyun & The J-Trinity
FanfictieKim Dahyun & The J-Trinity "Kim Dahyun , Pwede ka nang magsimula sa bago mong trabaho . Good Luck , Sana'y makatagal ka . Binabalaan na kita dahil hindi biro ang trabahong pinasok mo . Siguraduhin mong magtitino ang tatlong magpipinsan na apo ng Cha...