Punong-puno ng kaba ang dibdib
Dahil hindi ka naman iniibig
Pwersahang pag-iisang dibdib
Ni hindi ka magawang masilipTayo lamang ay napilit
Na magsama kahit sa pag-idlip
Ayaw kang makita kahit sa panaginip
Alam na ganun din nasa'yong isipHanggang sa puso nati'y magkaintindihan
Nagsimula ating maayos na pagkakaibigan
Naisip na simulan ang tunay na pag-iibigan
Ngunit dumating trahedya't iyong kinalimutanUmasa akong hindi na magkakalabuan
At matutuloy na pag-ibig na walang hanggan
Ako'y hindi mo maatim yakapin at hawakan
Dahil akala mo sati'y walang namamagitan
Pero kahit na ikaw ay nagkaganyanPatutunayan sayong hindi ka susukuan
Ipapaaalalang tayo'y nagpakangakuan
Magiging masaya kahit pagsubok dumaan
Lalaban hanggang sa muli mong paniwalaanGanyan kita kamahal , Tandaan mo 'yan
Ngunit tadhana'y mukhang lumalaban
Nagkaparaan upang tayo'y maghiwalayan
"Mahal kita" , Mga salitang binitawanHindi na alam kung dapat pa bang hawakan
Kamay mong kailangan nang bitawan
Dahil alam kong ika'y masasaktan lamang
Kailangan mo nang kalimutan nang tuluyan"Ba't pa pinaalala lahat kung ako'y iiwan?"
Tanong mo sakin nang ika'y sinukuan
Hindi masabi ang tunay na dahilan
Pagka't ayaw iwan masakit na alaala lamangMas gugustuhin pa na iyong kamuhian
Kaysa iyong iyakan nang iyakan
Kung pwede sanang ibalik ang nakaraan
Kung sa'n puso mo'y di pa sakin nakalaanSana'y di ka na lang ipinaglaban
Eh di sana'y di ka na nasasaktan
Ang ating nakaraan na kahit kailan
Hinding-hindi ko makakalimutanSpoiler para sa inyo 👏😎 HAHAHAHAHA . Malapit na 😘
BINABASA MO ANG
Kim Dahyun & The J-Trinity
FanfictionKim Dahyun & The J-Trinity "Kim Dahyun , Pwede ka nang magsimula sa bago mong trabaho . Good Luck , Sana'y makatagal ka . Binabalaan na kita dahil hindi biro ang trabahong pinasok mo . Siguraduhin mong magtitino ang tatlong magpipinsan na apo ng Cha...