DAHYUN'S POV :"Dahyun Unnie , Gising na ~" Naalipungatan ako sa panggigising ng nakababata kong kapatid na si Chaeyoung .
"Hmmm , Bakit ?" Tanong ko sa kanya.
"Kailangan mo na daw gumising sabi ni Daddy Jungyeon and Mommy Nayeon" Sagot niya.
"Inaantok pa ko , Mamaya na lang" Sagot ko sabay pikit ulit ng mata ko.
"Diba ngayon ka bibiyahe papunta dun sa mansion na pagtatrabahuhan mo ?" Tanong niya sakin kaya naman agad na napamulat ang mata ko.
Omg ! Oo nga pala ! Nakalimutan ko 😱 Agad na kong napaiktad sa higaan ko at agad ring kumilos para maligo at mag-ayos ng sarili .
"Unnie ! Hinay-hinay lang , Di ka pa naman late sa biyahe mo sa bus eh" Sabi ni Chaeyoung sakin.
"Aish ! Pero kailangan ko paring kumilos nang maaga para hindi ako nagmamadali mamaya" Sagot ko.
"Unnie , Hinay-hinay lang sa trabaho baka naman magkasakit ka na niyan" Sabi ni Chaeyoung sakin.
"Tama ang kapatid mo , Wag mong abusuhin ang katawan mo" Biglang sabi ng Daddy Jungyeon ko .
"Kung di ako kikilos , Sinong kikilos ? Ginagawa ko po 'to para sa pamilya natin" Sagot ko .
"Anak , Di mo naman kailangang gawin 'to . Kami nang bahala ng Dad niyo . Kumikita naman kami sa restaurant natin diba" Sagot naman ng Mommy Nayeon ko.
"Pero hindi po sapat 'yun , Malapit na mag-graduate ng college si Chaeyoung . Gagawin ko 'to para sa inyo" Sagot ko.
"Kailangan mo ba talagang umalis dito sa probinsya at pumunta sa malayong lugar para magtrabaho ?" Tanong ni Dad.
"Ayokong malayo sa inyo pero sayang naman yung kikitain ko . Dagdag na rin 'yun sa panggastos sa tuition ni Chaeyoung at dagdag sa pagpapaayos ng restaurant niyo" Sagot ko sa mga magulang ko.
My name is Kim Dahyun . Simpleng 20 taong gulang na probinsyana . Si Chaeyoung , Ang bunso kong kapatid na 19 taong gulang palang .
Sa pamilya namin , Ako 'yung kumikilos at gumagawa ng lahat para samin . Ayokong mapahinto sa pag-aaral ang kapatid ko .Gusto kong makatapos siya ng pag-aaral . Nakatapos naman ako para dahil sa probinsya nga ko nakatira , Nahirapan akong makakuha ng trabaho .
Nasubukan ko nang maging waitress sa restaurant , maging janitress sa isang mall , maging food vendor sa kalsada kaso mahirap talagang kumita . Ang unti lang ng kinikita ko dito sa probinsya ganun din naman ang restaurant ng magulang ko.
Kulang parin ang pera na nakukuha namin kaya naman nagdesisyon akong gawin ang isang bagay na gusto kong gawin para sa pamilya ko. Yun ay ang lumuwas mula sa probinsya para magtrabaho sa isang mansion kung saan magiging maid daw ako.
Natanggap ako sa trabaho na 'to dahil nakita ko sa internet na naghahanap sila ng isang maid na kayang-kaya ang pag-aalaga sa tatlong bata . Tumawag ako sa phone number na nakalagay and ininterview nila ko . Mabuti na lang at ako ang napili nila . Ang laki ng sweldo na matatanggap ko . Makakatulong 'yun para sa pagpapaaral sa kapatid ko . Kailangan kong magsakripisyo kahit na mamimiss ko sila nang sobra .

BINABASA MO ANG
Kim Dahyun & The J-Trinity
FanfictionKim Dahyun & The J-Trinity "Kim Dahyun , Pwede ka nang magsimula sa bago mong trabaho . Good Luck , Sana'y makatagal ka . Binabalaan na kita dahil hindi biro ang trabahong pinasok mo . Siguraduhin mong magtitino ang tatlong magpipinsan na apo ng Cha...