MOMO'S POV :
Mabuti na lang talaga at nakatakas ako sa weird na maid namin . As in ang weird-weird niya talaga . Saan ba kasing planeta nanggaling 'yun ?!
Umalis na ko sa picnic area . Mas gusto kong mag-isa kaysa makasama ko sila . Pare-pareho silang weird .
Lumakad na lang ako at naglibot dito sa Park . Wait , Saan nga pala magandang kumain dito ? Gusto kong kumain eh .
Naghanap ako ng pwedeng kainan hanggang sa makakita ako ng stall dito sa Park na nagtitinda ng Jokbal . Omg ! Ang paborito kong pagkain 😍💞💕
Agad na kong bumili ng pagkain at ini-enjoy na lang ito nang mag-isa . Yummy ! 💞💟 Gustong - gusto ko talaga ng Jokbal .
Kahit kailan , Hindi ako magsasawa sa pagkain nito . Habang kumakain ako , Biglang tumunog ang phone . May nagtext . Napabuntong-hininga na lang ako kasi si Dad yung nagtext .
From Dad :
"Momo , Kumusta na ? Maayos ba ang trato sayo sa mansion ? Kahit anong mangyari , Huwag mong hayaan na malamangan ka ng mga pinsan mo . Mas deserving ka kaysa sa kanila . Tandaan mo 'yan ! Ayokong sa huli ay malaman ko na talo ka na pala ng dalawang 'yan . Huwag kang papayag"Heto na naman si Dad sa mga birada niya . Hay Naku ! Bakit ba kasi kailangan ko pang makipagpagaling sa dalawang 'yun ?! Alam ko namang mas deserving ako eh . Bakit pinahihirapan pa ko nang ganito ?!
Hindi na lang ako nagreply sa text ni Dad . Whatever , Wala rin naman akong magagawa . Sa huli , Sa mansion padin ang bagsak ko . Ano nga namang laban ni Dad kay Grandpa ?!
Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko ng Jokbal . Nang matapos akong kumain , Bumili na muna ko ng maiinom . Dahil wala namang jokbal sa bahay , Nagpa-take out ako ng dalawang order pa . Kinuha ko na ang order konv nakalagay sa plastic . Lalakad na sana ko kaso may nakita ako . Napansin ko namang nagtitinda din sila ng Kimchi .
Tsk ! Naalala ko na naman ang weird naming maid . Hanggang ngayon , Kinikilabutan pa din ako nung makita ko siya sa ilalim ng lamesa . Grabe ! Ang lakas niyang kumain .
Aish ! Halo atakihin ako nung gabing 'yun . Akala ko talagang may multo na eh . Tsk ! Bwisit talaga siya . Sana nga mapaalis ko na siya sa mansion eh .
Mas humihirap lang ang lahat dahil sa kanya . Pero , Hindi ako papayag na maging sunod-sunuran sa kanya . No Way !
Pagharap ko sa likod ko , Nagulat ako . Shete ! Palagi niya na lang akong ginugulat 🙅 Kasi naman , Nakatayo na yung maid namin sa likuran ko . Kasama niya yung dalawang buwisit kong pinsan .
"A--Anong ginagawa niyo dito ?!" Tanong ko sa kanila.
"Sinusundo ka , Uuwi na tayo" Sagot ng maid namin .
"Buwisit na Maid , Tigilan mo nga ko" Sagot ko sabay akmang lalakad na palayo kaso bigla niya kong nahawakan sa kamay .
Natigilan ako at napatingin sa kanya .
"Oh , Jokbal ba 'yan ? Paborito mo 'yan ?" Tanong sakin ng maid namin.
"Aish , Wala ka na dun" Sagot ko sabay layo sa kanya.
"Sungit mo naman ! Oo na , Basta tara na . Darating na si Secretary Park para sunduin tayo" Sagot niya sakin.
"Tama si Dahon , Wag ka nang magmatigas" Sabi ni Sana sakin . Dahon ? Dahon ba ang pangalan ng babaeng 'to ? Hahaha ! Dahon ! Wtf ?! 👏😂👏😂👏
"Dahon pala ang pangalan mo" Sabi ko sa maid namin .
"It's Dahyun not Dahon" Sagot niya sakin.
"Ay ! Dahyun nga pala , Sorry . HAHAHA !" Sabi ni Sana kay Dahyun. Dahyun pala 👏😎
"Umalis na nga tayo dito" Sabi naman ni Mina.
"Isusumbong mo ba kami ?" Tanong ni Sana kay Dahyun .
"Oo ! Pero pwedeng hindi kung magpapakaayos kayo" Sagot ni Dahyun.
"Tara na nga !" Sagot ko.
"Tara na ! Initext ko na si Secretary Park" Sagot ni Dahyun samin kaya naman lumakad na kami .
Nang dumating si Secretary Park , Pare-pareho kaming napatingin kay Dahyun .
"Nagkaroon ba ng problema ?" Tanong ni Secretary Park kay Dahyun .
Ilang segundo ring napaisip si Dahyun .
"Wala naman po , Let's Go" Sagot ni Dahyun kaya naman sumakay na kami sa Van . Bakit hindi niya kami inisumbong ? Nevermind na nga lang .
Habang nasa biyahe , Tahimik lang ang lahat . Nasa passenger seat si Mina tapos nasa likod naman kami nila Sana at maid naming weird .
Mas gusto ko siyang tawaging maid na weird kaysa sa Dahyun . Mas bagay sa kanya yun eh .
Naka-earphone si Sana sa isang tabi. Nananahimik ako sa isang tabi nang mapansin kong natingin-tingin ang maid naming weird sakin.
"Ano ba ?!" Tanong ko sa kanya.
"Siguro paborito mo ang Jokbal noh" Sagot niya sakin.
"Eh , Ano namang pakialam mo ?" Tanong ko sa kanya sabay irap.
"Wala lang . Naisip ko lang kasi mukhang ang dami ng binili mo . Sa'yo lahat yan ? Kaya mong ubusin yan ?" Tanong niya .
"Ang dami mong tanong ! Oo , Sakin 'to" Sagot ko.
"Wow , Mahilig ka nga talagang kumain" Sagot niya sakin sabay palakpak.
"Tapos ? Kung hindi ako kakain mamamatay ako" Sagot ko sa kanya .
"Oh ! Tamang-tama , Huwag ka nang kumain para mamatay ka na . Mas mabuti 'yun" Sagot niya sakin .
Ano ?! What the f----?! Sino ba siya para ganituhin ako ?!
"Alam mo --- Mas mauuna ka kapag ipinagpatuloy mo pa ang pangingialam sakin" Sagot ko.
"Grabe siya !" Sagot niya sakin .
"Don't talk to me" Sagot ko sabay focus na lang sa pagtingin sa labas ng bintana .
Nakakainis na talaga ang weird na 'to . Nangingialam ng buhay ng iba 🙅
Nang dumating kami sa Mansion , Pumasok na kaming lahat sa loob . Inilagay ko na muna sa ref ang jokbal ko.
"Kim Dahyun , Sumama ka sakin . Kakausapin ka ng Chairman sa office niya" Sabi ni Secretary Park sa weird naming maid.
"Behave lang kayong tatlo dito , Babalik din ako agad" Sagot niya samin .
"Sige lang ! Kahit wag ka nang bumalik" Sagot ko.
Hindi naman umimik yung dalawa kong pinsan at nagtuloy-tuloy na lang sa sarili nilang kwarto.
💞To be Continued💞
Ano nga ba ang pag-uusapan ni Chairman at Dahyun ? Abangan !
BINABASA MO ANG
Kim Dahyun & The J-Trinity
FanfictionKim Dahyun & The J-Trinity "Kim Dahyun , Pwede ka nang magsimula sa bago mong trabaho . Good Luck , Sana'y makatagal ka . Binabalaan na kita dahil hindi biro ang trabahong pinasok mo . Siguraduhin mong magtitino ang tatlong magpipinsan na apo ng Cha...