Chapter 99 - Family Outing

584 23 4
                                    

MINA'S POV :


This is it ! Ito na ang araw na pinakahihintay naming lahat .

"Nandito na tayo !" Masayang sabi ni Secretary Park kaya naman nagsibabaan na kaming lahat sa malaking van . Kasama namin si Secretary Park dahil parte na siya ng pamilya namin. Tinatrato na rin namin siyang kapamilya .

Dito kami sa Beach Resort ni Grandpa maga-outing at magsasaya.

"Finally , Ang ganda dito" Sabi ni Chaeyoung .

"Picture-an kita , Chaeyoung" Sabi naman ni Tzuyu kay Chaeyoung .

Nagtatakbo na agad yung dalawa sa tabing dagat at nagpicture-an . Ang mga bata talaga . HAHAHA . Mahilig magselfie .

"Sana ay mag-enjoy tayong lahat" Sambit ni Grandpa samin . Oo , Kasama namin si Grandpa . Gusto kasi niyang makabawi saming lahat kaya naman bakit hindi namin siya pagbibigyan .

Agad na naming inilagay sa mga kwarto namin ang mga gamit namin .

"PARTY PARTY !" Biglang sumigaw si Momo .

"Woohoo , Simulan na ang kasiyahan" Sabi naman ni Sana . Agad nang nagswimming yung dalawa sa dagat . Napatawa na lang kami sa kanila .

"Anak , Ano pang hinihintay mo ?! Let's Go !" Sabi naman ni Dad.

Siyempre , Kasama rin namin ang parents namin nila Sana at Momo . Mas madami , Mas masaya .

Agad nang nagsi-swimming-an ang mga parents namin . Kitang-kita ko na masayang-masaya rin sila .

"Magsisimula na kong magready ng foods" Sabi ni Secretary Park .

Agad na rin namang nagswimming sila Tzuyu at Chaeyoung kasama si Daddy Jungyeon at Mommy Nayeon .

Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan silang nagsasaya sa dagat . Wala nang mas hihigit pa sa kasiyahan na makitang masaya ang lahat ng pamilya mo .

"Apo , Maraming salamat sa second chance" Sabi ni Grandpa sakin.

"Walang anuman , Grandpa" Sagot ko sa kanya.

"Sige , Magsuswimming na rin ang lolo niyo . Matagal na kong hindi nageenjoy" Sabi ni Grandpa kaya naman tumango na lang ako sa kanya.

Nagulat na lang ako nang biglang umakbay sakin ang pinakamamahal kong Baby .

"Ano pang hinihintay mo?" Tanong niya sakin.

"Ikaw" Sagot ko sa kanya.

"Let's Go !" Masayang sabi ni Dahyun sabay hawak sa kamay ko .

Nagtatakbo na rin kami papunta sa dagat at nakisaya sa pamilya namin . Walang tigil ang lahat sa kakatawa .

"Grandpa ! Wala ka paring ka-kupas kupas ! Ang lakas mo parin" Sabi ni Sana kay Grandpa kaya nagtawanan na lang kaming lahat .

"Ako pa !" Masayang sagot ni Grandpa . (SI JYP TALAGA SI GRANDPA DITO 👏😂)

Basta , Para sakin sobrang saya na ng buhay ko . Finally , Nagawa ko na ring maging masaya nang tuluyan .

Iba talaga ang nagagawa ng tunay na pagmamahal . Nagagawa nitong magpasaya ng mga tao . Tulad ng nangyari sakin , Akala ko wala nang pag-asa . Meron pa pala basta't magtiwala ka lang .

Para sa lahat ng may problema sa pamilya , Para sa lahat ng may alitan sa iba ---- Piliin na nating magmahal at magpatawad .

Tama nang away . Mas mabuting punan na lang ang away ng pagmamahalan . I-enjoy lang natin ang buhay . Lahat ng tao kahit hindi mo kadugo , Maaari mong maging pamilya .

"Ready na ang foods !" Sigaw ni Secretary Park samin .

Kaya naman nagsiahunan muna kaming lahat sa dagat at nagsikainan na muna ng pagkain .

"Guys , Picture tayong lahat" Sabi ni Chaeyoung.

Agad kaming nagsama-sama para magpicture . Siyempre , Hindi rin mawawala ang video ng masayang moments na meron kami ngayon .

"The best talaga si Secretary Park" Sabi ni Dahyun .

"Magswimming ka naman" Sabi ni Sana kay Secretary Park

"Hindi na , Ayos lang ako dito" Sagot niya kay Sana.

Nagkatinginan na lang kami nila Sana at Momo. Tumayo kaming tatlo at lumapit na kay Secretary Park.

"Oh , Bakit ?" Tanong niya samin.

"Let's Go!" Sagot namin sa kanya . Agad namin siyang pinagtulungang dalhin sa dagat . Tawa na lang kami nang tawa nang tuluyan na siyang mabasa .

"Mga baliw , Haha" Natatawang sabi niya samin.

Nagsisitawanan rin naman sila Dahyun habang kumakain . Pinaghahabol kami ni Secretary Park . Isa lang ang alam ko , Hindi na mawawala yung happiness naming lahat .

Napalingon na lang ako sa kalangitan .

"Mom , Masaya na tayong lahat" Sabi ko sabay ngiti na lang . Alam kong nasa masayang lugar na ang Mom ko . Alam ko ring masaya siya para saming lahat . Wala man siya sa tabi namin ngayon , Nandito naman siya sa puso ko habang buhay .

Narinig naming nagpatugtog sila Dahyun ng music . Nagsasayawan silang lahat . Actually , Hindi lang naman swimming yung masayang nangyayari kapag may outing . Mas masaya yung bonding ng buong pamilya at yung memories kasama ang isa't-isa.

"SALI KAMI !" Sigaw namin nila Sana . Nagtatakbo na kami papunta sa kanila . Ito ang pinakamasayang outing ng buhay ko .

🎉To be Continued🎉

Abangan ang last chapter ng story na 'to . Fighting ! 😘😘😘

VOTE.SHARE.COMMENT


Kim Dahyun & The J-TrinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon