DAHYUN'S POV :
Hindi ko talaga inaakalang pinaglalaruan lang pala ko ni Somi . Akala ko kasi talagang gusto niya rin ako . Kasi ako , Gusto ko siya . Nagustuhan ko siya dahil sa ipinapakita niyang kabutihan sakin . Hindi dapat ako nagtiwala agad . Hindi dapat ako umasa agad .
Ang dami kong natanggap na masasakit na salita mula sa kanya . Hindi ko inaasahang gagawin niya sakin 'to . Sino nga ba naman ang magkakagusto sa isang tulad ko ?
Napag-isip isip ko habang sinasabihan ako ni Somi nang masasakit na salita , Mahirap pala talagang magtiwala . Mahirap na umasa nang sobra . Ako 'yung may kasalanan nito eh .
Down na down ako habang nakaupo sa sahig sa harapan ng bahay ni Somi. Hindi ko na napigilang maluha . Tama si Mina . Hindi ako dapat nagtiwala nang basta-basta . Ang tanga ko kasi .
Hindi ko talaga inasahang mangyayari sakin 'to . Pakiramdam ko ang hina-hina ko talaga . Halata naman sa itsura ko ngayong para kong kaaaw-kaawa na umiiyak sa harapan ng bahay ni Somi .
Pero alam niyo kung ano 'yung mas ikinagulat ko ? Hindi ko akalain na darating siya para ipagtanggol ako . Walang-iba kundi si Mina na palaging walang pakialam sa ibang tao . Si Mina na palaging cold . Si Mina na new friend ko .
Sobra kong napabilib sa mga sinabi niya kay Somi . Ngayon ko lang nakita si Mina na ganito . Dumating siya para sakin . Totoo ba 'to ? Pero , Paano niya nalaman ?
Hindi ko talaga akalain na darating si Mina para sakin . Nakaramdam ako ng pagka-kampante dahil nasa tabi ko na siya . Hindi ko alam pero pakiramdam ko safe na ko nang makita ko siya .
Inalalayan na niya ko . Ngayon , Nakikita ko yung other side ni Mina . Siyempre , Hindi mawawala yung panenermon niya sakin . Naiintindihan ko naman siya eh . Gusto niya lang na maging safe ako at masaya ko 'dun . Ang swerte ko kay Mina dahil naging kaibigan ko siya.
Nag-volunteer pa siyang kargahin ako sa likuran ko dahil masakit yung paa ko . Napalakas 'yung pagtulak ni Somi sakin eh . Pumayag na ko dahil may punto naman si Mina . Mas maraming makakakita samin dito sa labas habang nakaaalay siya sakin dahil sa paika-ika akong maglakad .
Agad na kong kumarga sa likod niya . Kapag nandiyan siya , Hindi ako natatakot . Hindi ako nag-aalalang baka may mangyari sakin dahil alam kong poprotektahan niya ko . Siguro nasanay lang ako sa kabila nang pagiging cold niya , Alam kong siya yung tipo ng tao na maalaga .
Siyempre , Patuloy lang siya sa panenermon sakin . Habang naglalakad siya't karga ko sa likod , Nakasalubong namin sila Sana at Momo na hingal na hingal sa pagtakbo . Agad akong kinumusta ni Momo .
Napatingin sakin si Sana nang paseryoso. Ayoko pa siyang makausap . Hindi maganda yung mga sinabi niya sakin .
"Da--Dahyun" Sabi niya habang nakatingin sakin.
"Bilisan na natin ang pag-usi baka may makakita pa satin" Sabi ko kay Mina kaya naman lumakad na si Mina . Nilagpasan na namin si Sana na nakatayo lang sa kinatatayuan niya. Hindi ko kayang ibigay 'yung pagmamahal na gusto niya . Hindi pwede at hindi ko kaya.
Nang dumating kami sa mansion , Dumeretsyo si Mina sa kwarto ko . Ihiniga niya ko sa kama ko at hinayaang makapagpahinga . Hindi ako dapat tumatambay dito dahil may trabaho kong dapat gampanan .
"Wait ! Wag kang tatayo diyan . Magpahinga ka na muna" Sagot ni Mina sakin .
"Pero ako ang maid niyo" Sagot ko.
"Relax lang , Dahyun . It's Alright . Kailangan mong magpahinga" Sagot niya sakin sabay upo at ayos sa buhok ko .
Napatango na lang ako sa kanya . Ngumiti siya sakin .
"Wag kang mag-alala , Nandito lang ako . I'm your friend , Right ? Magpahinga ka na lang muna diyan . Fighting !" Sagot niya sakin .
"Maraming Salamat , Mina" Sagot ko.
"You're Welcome , Dahyun . Wag mo na munang intindihin 'yung mga inaalala mo . Ang mahalaga ay maging maayos na kaagad ang pakiramdam mo . Kung kinailangang alagaan kita hanggang sa gumaling ka , Gagawin ko" Sagot niya .
"Hindi na kailangan , Mina . Kaya ko 'to . Ako 'pa . Kakayanin ko 'to . Saka , Hindi naman nabali ang paa ko noh . Konting pahinga lang ayos na ko" Sagot niya sakin .
"Alam ko , Pero --- Yung puso mo alam kong mas nasaktan" Sagot niya .
Tama siya . Mas nasaktan 'yung feelings ko. Umasa ko eh . Umasa ko sa wala.
"Tama ka , Hindi ko talaga akalain na ganun si Somi" Sagot ko sa kanya.
"Don't Worry , You can lean on me" Sagot niya sakin kaya naman napangiti na lang ako sa kanya .
Talagang unti-unti ko na nga talagang nakakilala 'yung tunay na Mina .
"Salamat" Sagot ko.
"Akong bahala sa Somi na 'yun . Anong gusto mo ? Pasabugin yung bahay niya ? Gagawin ko" Sabi niya sakin .
"Mina naman eh" Sagot ko kaya bigla siyang tumawa . Wait , Tumawa ba siya ? Pinagmasdan ko siya . Tumatawa siya sakin .
"Wag kang mag-alala , May tamang oras para turuan ng leksyon si Somi . Hindi 'yun ngayon kasi ang mahalaga ngayon ay maging maayos na ang lagay mo" Sagot niya sakin .
"Tama ka . Makakalimutan ko rin siya" Sagot ko.
"Yes ! Handa akong tumulong para mangyari 'yun" Sagot niya sakin sabay hawak sa kamay ko.
"Yung about samin ni Sana" Sabi ko.
"Hindi mo na kailangang mag-explain , I'll talk to Sana" Sagot niya sakin sabay tayo na.
"Please ! Hu--Huwag kayong mag-aaway" Sabi niya na parang nag-aalala .
"Bakit ? May ginawa ba siyang masama sayo ? Kung Oo , Talagang malalagot siya sakin" Sabi ni Mina sakin.
"Mina naman eh" Sagot ko.
"Sige na , Magpahinga ka na . Lalabas na muna ko para kausapin ng maayos si Sana" Sagot niya sakin .
Tumango na lang ako kaya naman lumabas na siya ng kwarto ko . Naniniwala akong makakalimutan ko rin yung mga masasamang nangyari sakin ngayong araw . Tiwala lang . Kakayanin ko 'to .
Maraming Salamat , Mina ~
🌹To be Continued🌹
-Shete ! Ang dyosa talaga nila sa teaser photos . Emegesh ! Di ko na talaga keri . Nae-alien na ko sa kung anong concept nila 👏😂
- lherrygulpo
BINABASA MO ANG
Kim Dahyun & The J-Trinity
FanfictionKim Dahyun & The J-Trinity "Kim Dahyun , Pwede ka nang magsimula sa bago mong trabaho . Good Luck , Sana'y makatagal ka . Binabalaan na kita dahil hindi biro ang trabahong pinasok mo . Siguraduhin mong magtitino ang tatlong magpipinsan na apo ng Cha...