Chapter 49 - My Job

750 33 1
                                    

DAHYUN'S POV :

Kailangan ko ng time . Kailangan ko ng space . Yun lang sa ngayon ang magagawa ko para magawa ko nang patawarin siya . Ang ayoko kasi sa lahat ay yung idinadamay ang pamilya ko at hinuhusgahan ako nang hindi pa ko gaanong nakikilala.

Iniwanan ko na si Sana sa Garden . Bumalik na lang ako sa loob at naglinis na. Kaya ko na naman eh. Nakapagpahinga na ko.

"Oh Dahyun , Wag ka munang maglinis" Sabi ni Momo sakin.

"Kaya ko na 'to , It's my job" Sagot ko.

"Tama si Momo , Dahyun . Wag ka munang maglinis . Kami nang bahala diyan" Sagot naman ni Mina.

"Momo , Mina --- Nandito ko sa Mansion niyo dahil trabaho kong panatilihing maayos at payapa ang lugar na 'to" Sagot ko sa kanila.

"Alam namin pero naiintindihan naman namin na dapat magpahinga ka pa" Sagot nila.

"Ang kulit niyo , Kaya ko na talaga . Promise" Sagot ko.

"By the way , Nagkausap na kayo ni Sana ?" Tanong ni Mina.

"Oo , I need time and I need space" Sagot ko.

"Kung ganun , Naiintindihan ka namin . Desisyon mo parin ang mananaig" Sagot nila kaya napatango na lang ako sa kanila.

"Kumain ka na muna , May niluto na kong foods kanina" Sagot ni Momo.

"Salamat" Sagot ko.

"Hindi mo kinain yung bigay ni Sana ?" Tanong ni Mina.

"Nope" Sagot ko.

"Kung ganun , Naiintindihan ko pero sana mabigyan mo siya ng chance . Hindi sa kumakampi ako sa kanya . Kasi , Ngayon lang nag-effort si Sana para magsorry" Sagot ni Mina.

"Bakit ? Hindi niya ba 'yun ginagawa mo sa ibang sinaktan niya ? Sa mga ini-date niya ?" Tanong ko sa kanila.

"Hindi eh . Never na nagsorry si Sana sa kanila . Never din 'yang na-guilty o nagsisi kaya naman naisip namin na baka sincere talaga siya na magsorry sayo" Sagot ni Momo sakin.

Napaisip na lang ako . Ganun ? First time niya ? Tsk ! Eh , Ano naman ? So , Ibig sabihin nun dapat patawarin ko na ? Ganun na lang kadali ? No way . Kailangan ko munang maramdaman na talagang sincere siya sa pagsisisi at pagsosorry. 

Maya-maya pa , Pumasok na rin siya sa loob . Nagulat ako nang bigla siyang kumuha ng walis at maglinis na rin .

"Yah ! It's my job . Hayaan mo na ko" Sabi ko.

"Gusto ko lang namang maglinis" Sagot niya.

"Kung ginagawa mo 'to para mapatawad kita pwes hindi effective" Sagot ko.

"Gusto ko lang talagang maglinis" Sagot niya.

"K , Fine . Gawin mo kung anong gusto mong gawin" Sagot ko.

Mas nagulat na lang ako nang makita siyang nagliligpit na sa kusina kaya naman nagmadali na ko para pigilan siya . Trabaho ko 'yun eh !

Kim Dahyun & The J-TrinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon