Chapter 25 - Sleeping Dahyun 💞

861 29 3
                                    

DAHYUN'S POV :

Nasasanay na talaga ako sa pagu-ugali nila Sana , Momo at Mina . Mas nagiging confident akong mapapagkakasundo ko silang tatlo .

After kong maglinis nang paulit-ulit sa kwarto ni Sana , Pumunta na muna ko sa Living Room . Madilim na rin ah . Gabi na pala 🌆🌆🌆

Magpapahinga muna ko dito sa Living Room dahil baka may ipagawa pa ang tatlong 'yun sakin .

Habang nagpapahinga ako , Napansin kong parang ang lungkot nitong mansion . Sobrang lungkot 'ni wala man lang mga decorations tulad ng mga butterflies , mga picture frames , mga flower vase at iba pa .

Bigla ko tuloy naalala ang memories naming pamilya kung saan palagi kaming nagdedecorate nang sama-sama . Masaya kami kapag naka kapag nakakapagdecorate kami ng bahay namin .

Itinuturing na rin naming family bonding ang pag-aayos at paglilinis ng bahay namin . Namiss ko tuloy sila lalo .

Yung mga kulitan namin ni Chaeyoung habang nagdedecorate at yung pananaway samin nila Mom and Dad . Yung after naming magdecorate at maglinis ng bahay ay magtatawanan naman kami habang kumakain nang sabay-sabay .

Napangiti na lang ako habang inaalala ang mga memories naming 'yun . Miss na miss na miss na miss ko na talaga siya . Pero , Kailangan kong malayo sa kanila dahil gusto kong maging maginhawa ang buhay namin .

Para sa kanila kinakaya ko ang lahat . Para sa kanila , Magtitiis ako sa mga nangyayari sakin dito sa mansion na 'to .

Iisipin ko na lang na tulong ko na rin 'to kay Chairman . Iisipin ko na lang na kapag nagawa ko nang maayos ang trabaho ko , May pamilya akong matutulungan . Matutulungan ko sila Momo , Mina at Sana na magkasundo . Kapag nangyari 'yun , Matutulungan nila ang mga Dad nilang magkasundo-sundo rin at sasaya na si Chairman .

Napangiti na lang ako habang inaalala ang memories naming pamilya . Nakangiti ako ngayon pero yung luha ko kusa nang tumulo . Miss ko na talaga sila . Ano kayang ginagawa nila ngayon ? Siguro miss na rin nila ko nang todo .

Pinunasan ko na lang ang luha ko at ngumiti na lang nang todo . Kakayanin ko 'to !

Mamaya na lang ako matutulog . Sumandal na lang muna ko sa sandalan ng sofa at naghintay na may mag-utos sakin . Fighting !

💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞

MINA'S POV :

Nagiisip-isip lang ako dito sa kwarto ko habang pinagmamasdan ang maliit na penguin keychain na bigay ni Mom sakin noon . Inilagay ko na muna sa bulsa ko ang keychain ko.

Gabi na pala ,  Matutulog na sana ko kaso bigla akong nauhaw kaya naman naisipan ko na munang lumabas ng kwarto.

Tahimik na ah , Siguradong tulog na sila Sana at Momo . Malamang tulog na rin ang maid naming weird .

Pumunta na ko sa kusina at kumuha na ng tubig . Habang uminom ako ng tubig , Napabuga ako nang makita ko si Dahyun na nakaupo sa sofa . Nakakagulat naman siya !

Akala ko kung sino 😱😱😱 Kainis ! Anong ginagawa niya dun nang ganitong oras ?! Nakakatakot kasi yung itsura niya . Nakasaklob sa mukha niya yung buhok niyang mahaba habang nakaupo . Mas na-weirdo-han ako sa kanya ngayon . Kasi naman , Tulog na pala siya !

Bakit diyan siya natutulog sa sofa nang nakaupo ?! Weird ! Aish , Baliw na nga talaga .

Nilinis ko na muna yung naibuga kong tubig sa sahig . Dahan-dahan akong lumapit sa kanya na nakaupo habang tulog sa living room .

Pinagmasdan ko muna siya kung talagang tulog siya . Humahagok na , Malamang tulog na nga . Mukhang napagod siya . Hindi niya talaga pinahahalagahan ang sarili niya . Tsk !

Sasakit ang leeg niya kapag nanatili siyang ganito . Giginawin siya dito sa living room . Anong gagawin ko ?! Teka ! Anong among gagawin ko ?! May pakialam ba ko sa kanya ?!

Agad na kong tumayo at akmang babalik na sa kwarto ko pero ---- natigilan ako . Wala naman sigurong masama kung tulungan ko siya ngayon .

Oo ! Wala namang meaning 'tong gagawin kong tulong sa kanya . Bumalik na ko sa tabi niya at napabuntong-hininga na lang .

"Myoui Mina , Kaya mo 'yan !" Sabi ko sa sarili ko.

Lumapit na ko sa kanya at ginising siya .

"Dahyun!" Paulit-ulit kong gising sa kanya . Aba ! Ang lalim na ng tulog niya . Wala na kong choice kundi buhatin siya .

Dahan-dahan ko na siyang inalalayan . Oh My God ! Ang bigat pala niya . Buong lakas ko siyang binuhat . Hindi parin siya nagigising . Grabe talaga !

Agad ko na siyang dinala sa kwarto niya at dahan-dahan siyang ihiniga sa kama niya kaso nawalan ako ng balanse kaya naman natumba ako sa tabi niya .

Ang sakit ng likod ko , Ang bigat niya ! Grabe ! Tatayo na sana ko nang marinig ko siyang magsalita .

"Tigilan niyo kong tatlo !" Bigla niyang sabi.

Natigilan ako sa mga sinabi niya . Hanggang sa panaginip niya , Nababaliw na siya dahil saming tatlo . Hahaha . Baliw na talaga siya . Nagulat naman ako nang bigla siyang gumalaw at pumaling sakin . Bigla niya kong niyakap , Gawin ba naman akong yapusan !

Anong gagawin ko ?! Baka magising siya kapag gumalaw ako . Baka kung ano na namang isipin niya sakin . Wala naman akong nakita nung pumasok ako sa cr dati kung saan nasa bathtub siya . Ang sakit kaya nung pagkakabato niya ng sabon sakin .

Napatingin ako sa kanya habang yakap niya ko . Ang lakas niya kahit na ang liit-liit niya . Natatakluban ng buhok niya ang mukha niya kaya naman dahan-dahan kong inayos ang buhok niya .

Kailangan ko nang matulog . Dahan-dahan na kong tumayo sa kama niya at inayos ang kumot niya . Tama ! Hindi niya naman malalaman eh . Kunwari wala akong alam sa paglipat niya sa kama niya .

Agad na rin akong lumabas ng kwarto niya at agad nang bumalik sa kwarto ko . Wew ! Mina , Bakit mo pa kasi siya tinulungan ?! Nakakainis ! Bahala na nga .

💟To be Continued💟

Mahal ko ulit kayo 💞 Hahaha ! Hindi na napagod eh noh . Basta , Love ko kayo . Saranghaeyo ! Fighting !
- lherrygulpo

Kim Dahyun & The J-TrinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon