Chapter 69 - Mina's Dad

552 25 13
                                    

SANA'S POV :

Nagpapahinga kami sa living room at nanonood ng TV nang biglang dumating ang Dad ni Mina . Hindi niya kami pinansin . Dere-deretsyo lang papunta sa kwarto ni Mina .

"Sino 'yun ?" Tanong ni Dahyun samin ni Momo.

"Mina's Dad" Sagot ko.

"Ang creepy naming tito . Hindi niya kami pinansin" Sagot ni Momo kay Dahyun.

"Ganun ba talaga siya ?" Tanong ni Dahyun.

"Mas masungit pa kaya 'yan kay Squidward sa Spongebob Squarepants" Sagot ko .

Totoo naman kasi eh . Kapag mami-meet namin siya , Ni hindi niya kami pinapansin . May allergy yata samin ang Dad ni Mina .

"Nung umulan ata ng kasiyahan , Natutulog ang Dad ni Mina kaya nagkaganyan . Walang kasiya-siya sa mukha niya" Sagot naman ni Momo.

"Oh , Ano kayang pakay niya ?" Tanong ni Dahyun.

"Alamin natin" Sagot ko . Agad na kaming pasimpleng pumunta sa labas ng kwarto ni Mina . Nang buksan ni Mina ang pinto , Nabigla siyang makita ang Dad niya .

Kitang-kita namin sa mukha ni Mina ang pagka-problemado nang makita ang Dad niya . Siyempre , Pumunta sila sa garden kung saan makakapag-usap sila .

"Saan sila pupunta ?" Tanong ni Dahyun.

"Sa Garden" Sagot ko.

"Malamang masesermonan yang si Mina" Sagot naman ni Momo.

"Anong gagawin natin ?" Tanong ni Dahyun.

"Wala tayong gagawin . Problema nila 'yan , Hindi tayo pwedeng manghimasok . Baka pandilatan lang tayo nang mata ng Dad ni Mina" Sagot ko sabay balik na sa living room . Ganun din naman sila Momo at Dahyun.

"Kawawang Mina" Sambit ko.

"Matingnan nga sila" Sambit ni Dahyun sabay labas na ng mansion .

Nagkatinginan kami ni Momo.

"Hi--Hindi na ko makikitsismis dun" Sagot ni Momo.

"Me too" Sagot ko .

"By the way , Alam mo ba kung bakit nag-away away ang mga magulang natin noong kabataan nila ?" Tanong niya sakin.

"Hindi ko rin alam eh . Pero , Curious din ako" Sagot ko.

"Naiisip ko kasi , Ano kayang pinag-awayan nila na naging dahilan kung bakit hindi parin sila nagkaayos ngayon ?" Tanong niya sakin.

Oo nga noh . ANO KAYANG REASON NG AWAY NG MGA DAD NAMIN NOON ? SANA MALAMAN NAMIN BALANG ARAW .

Nanood na lang ako ng TV with Momo . Maya-maya pa , Hindi na ko nakatiis .

"Matingnan muna sila sa labas" Sabi ko.

"Ako din !" Sagot ni Momo.

Lumabas na kami ni Momo at pasimpleng sumilip . Natigilan kami nang makitang magkayakap na sila Mina at Dahyun sa Garden .

Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman . Magkayakap yung pinsan ko at yung babaeng gusto ko . Bakit kaya ?

Natigilan na lang ako habang nakatingin sa kanila . Ganun din naman si Momo.

Lumakad na sila at natigilan nang makita kami ni Momo.

"Kanina pa kayo diyan ?" Tanong ni Mina.

"Ka---Kakapwesto lang dito" Sagot ko.

"Sige , Pumasok na tayo sa loob" Sagot ni Mina sabay pasok na sa loob .

"Anong nangyari ? Nasaan ang creepy mong Dad , Mina?" Tanong ni Momo sa kanila.

"Umalis na" Sagot ni Mina.

"Ayos ka lang , Sana ?" Tanong ni Dahyun sakin nang nakangiti.

"O---Oo" Sagot ko.

"Pasok na tayo sa loob" Sagot niya sabay pasok na .

Naiwan akong nakatayo sa pwesto ko . Napahawak na lang ako sa dibdib ko . Ang sakit nun ah . Inaamin kong nagselos ako nang makita silang magkayakap pero wala naman akong karapatan eh . Yun yung masaklap .

Siguro naman walang gusto si Mina kay Dahyun. Tama ! Siguro dinadamayan lang ni Dahyun si Mina .

Pumasok na lang din ako sa loob . Bumalik ako sa living room .

"Ano ngang nangyari ?" Tanong ni Momo kay Mina.

"Ganun padin , Sinermonan na naman ako" Sagot ni Mina.

"Sabi na nga ba eh , Ang creepy ng Dad mo !" Sabi ni Momo kay Mina.

"Ayoko nang pag-usapan" Sagot ni Mina.

"Sige , Sabi mo eh . Pero mas creepy padin ang Dad ko" Sambit ni Momo.

"Oo na , Creepy na ang mga Dad niyo . Manood na lang kayo ng TV" Sagot ni Dahyun sa kanila.

"Dahyun , Yung dad ko hindi gaanong creepy . Siya nga ata ang pinakamabait sa kanilang tatlo eh" Sabi ko kay Dahyun.

"Talaga ? Wow ! Mabuti naman" Sagot ni Dahyun.

"Hayaan mo , Ipakikilala kita sa kanya someday" Sagot ko sabay wink sa kanya.

"Nako , Sana . Hahaha" Sagot ni Dahyun sabay tawa.

Totoo naman kasi eh . Pinakamabait sa kanilang tatlo yung Dad ko . Marunong siyang tumawa , magbiro , sumaya , maki-bonding etc . Pero nag-iinit ang dugo niya kapag namemention ang Dad nila Mina at Momo .

Ako nga yata ang pinakamaswerte saming tatlong magpipinsan dahil mabait yung Dad ko sakin . Close na close nga kami . Alam ko namang love niya ko kahit hinayaan niyang mapadpad ako dito sa mansion .

Ipakikilala ko sa Dad ko si Dahyun someday . Sa wakas , Magkikita na rin ang Dad ko at ang future wife ko . Hihihihi . I'm sure magugustuhan siya ni Dad . EXCITED NA KO ! HAHAHAHAHA .

🌹To be Continued🌹

Na-spoiled ko na yata kayo . Palagi na kong naga-update . HAHAHAHA . Kahit inaabot ako ng 4AM , Sige padin ako . LOL JJIRIT JJIRIT HAHAHAHAHA 👏😂

VOTE.COMMENT.SHARE

Kim Dahyun & The J-TrinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon