MOMO'S POV :
Kinagabihan , Napagdesisyon-an kong kausapin si Dahyun about random things tulad na lang ng feelings ko para sa kanya .
Gusto ko kasi na malaman niya na gusto ko siya higit pa sa pagkakaibigan . Alam kong gusto siya ni Sana pero hindi naman niya gusto si Sana eh . Anong masama kung umamin ako kay Dahyun ?
Agad na kong pumunta sa labas ng kwarto niya at kinatok ang pintuan pero walang sumasagot . Tulog na kaya siya ? Baka tulog na siya , Next time na nga lang .
Naglakad-lakad na lang ako sa tabing dagat para mag-isip isip about sa problema ko sa buhay . Ang Dad ko na walang ginawa kundi mambabae , Ang Mom ko na walang ginawa kundi magtiis kay Dad . Ang parents ko na gusto kong gawing robot na sunod-sunuran sa mga gusto nila .
Gusto nilang angkinin ko ang pwesto sa kompanya ni Grandpa . Alam ko sa sarili kong kaya kong pangunahan ang kompanya pero wala sakin ang desisyon kundi nakay Grandpa . Kung sakin niya ibigay ang posisyon , Malugod ko 'yung tatanggapin --- Kung hindi , Maiintindihan ko .
Habang naglalakad nang mag-isa , Natigilan ako nang makita sina Sana at Dahyun na magkasama . Anong ginagawa nila nang ganitong oras sa tabing dagat ?
Lalapit na sana ko sa kanila nang biglang hawakan ni Sana si Dahyun sa magkabilang balikat . Hinalikan niya si Dahyun sa pisnge .
Para kong natulala at nabaliw nang makita ang pangyayaring 'yun , Ang sakit ! Nasasaktan ako . Sila na ba ? Gusto na rin ni Dahyun si Sana ?
"Dahyun ? Sana ?" Sambit ko habang nakatingin sa kanila .
Nagulat naman sila nang makita ako . Bakit ganun ? Hindi ko maintindihan . Gusto na nila ang isa't-isa ? Ano 'to ?
"Momo , Nagkakamali ka sa iniisip mo" Sabi ni Dahyun sabay lapit sakin .
"Ano bang sinasabi mo ?" Tanong ko sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito , Momo ?" Tanong ni Sana sakin sabay lapit na rin.
"Ikaw ? Anong ginagawa mo dito ?" Tanong ko sa kanya.
"Nakikipag-usap lang kay Dahyun" Sagot niya sakin.
"Ganun ba ? Sige" Sagot ko sa kanya.
"Goodnight , Dahyun . Matulog ka na rin" Sabi ni Sana kay Dahyun .
Agad na hinawakan ni Sana ang kamay ni Dahyun . Akma niya sanang isasama si Dahyun paalis sa harapan ko kaya naman agad kong hinawakan ang kabilang kamay ni Dahyun .
"Ba--Bakit Momo ?" Tanong ni Dahyun sakin.
"Pwede ba tayong magusap , Dahyun ?" Tanong ko sa kanya.
"Oh Sige" Sagot niya sakin.
"Mauna na ko" Sagot na lang ni Sana sabay lakad na .
Total nandito na rin naman si Dahyun sa harapan ko , Gagawin ko na 'to . Kakausapin ko na siya about sa feelings ko .
Naupo na kami ni Dahyun sa buhanginan sa tabing dagat .
"Wala lang 'yung kaninang nakita mo" Sambit niya sakin.
"Hindi mo na kailangang magpaliwanag" Sagot ko sa kanya .
BINABASA MO ANG
Kim Dahyun & The J-Trinity
FanfictionKim Dahyun & The J-Trinity "Kim Dahyun , Pwede ka nang magsimula sa bago mong trabaho . Good Luck , Sana'y makatagal ka . Binabalaan na kita dahil hindi biro ang trabahong pinasok mo . Siguraduhin mong magtitino ang tatlong magpipinsan na apo ng Cha...