Chapter 80 - Second Chance

521 21 0
                                    

MOMO'S POV :

Nang sabihin na ni Grandpa na aalis na si Dahyun sa isang araw , Nakaramdam ako nang sobrang kalungkutan . Hindi pa ko handa sa pag-alis niya . Hindi ko kakayanin . I don't want her to leave .

Nasa loob siya ng kwarto niya sa ngayon , Alam kong nag-aayos na siya ng gamit niya para sa pag-alis niya . Anong gagawin ko ? Ni hindi pa ko nakakapagconfess sa kanya .

Naisip ko rin yung mga nalaman ko tungkol sa nangyari sa parents namin noon .

Kailangan kong makausap nang personal ang Dad ko matapos ng mga nalaman ko . Agad ko nang kinuha ang susi ng kotse ko't umalis na ko .

Agad akong pumunta sa bahay namin dala ang kotse ko . Nang dumating ako sa bahay , Naabutan ko si Mom pero wala si Dad .

"Mo--Momo , Anak ko !" Nang makita niya ko , Agad niya kong niyakap nang mahigpit . Alam kong kahit na busy ang mom ko , Mahal niya ko .

"Mom , Alam ko na ang lahat" Sagot ko sa kanya .

"What do you mean ?" Tanong niya sakin.

"Yung tungkol sa nangyari sa inyong lahat noon" Sagot ko sa kanya.

"Paano mo nalaman ?" Tanong niya sakin sabay hawak sa pisnge ko .

"Nalaman ko kay Mina" Sagot ko sa kanya.

"Paano naman nalaman ni Mina ?" Tanong niya sakin .

"Nagkita sila ni Dad sa puntod ng Mom ni Mina"  Sagot ko.

"What ? Nagpunta ang Dad mo sa puntod ng Mom ni Mina ?" Tanong niya sakin .

"Opo , Si Dad ang nagkwento kay Mina ng lahat" Sagot ko.

Natahimik lang si Mom sa mga sinabi ko . Kailangan ko na silang makahanap ngayon. 

"Mom , Nagmahalan ba talaga kayo ni Dad ?" Tanong ko sa kanya.

"Minahal ko ang dad mo kahit na arranged marriage lang ang nangyari noon . Pero dahil sa  pambababae niya , Palagi kaming nag-aaway.  Yan ang totoo" Sagot niya sakin.

"Aminado kong madami akong kasalanan" Natigilan ako nang marinig ang boses ng Dad ko .

Nang lumingon ako sa likuran ko , Siya nga . Ano bang sinasabi ni Dad ?

"Totoo ba ang lahat ng sinabi niyo kay Mina ?" Tanong ko sa kanya.

"Totoo ang lahat ng 'yun . Totoong minahal ko rin ang mom mo at mahal rin kita" Sagot niya sakin.

"Mahal niyo ko ? Bakit hindi ko po nararamdaman ?" Tanong ko sa kanya.

"Aminado kong palagi kitang nasasaktan . Palagi kitang nasasakal sa mga nais kong ipagawa sayo . Pasensya ka na , Anak . Nagkamali ako . Kahit na nagawa kong mambabae , Kayo yung mahal ko . Kayo ng mom mo . Hindi ko lang magawang ipakita ng maayos . Hindi ko nahalatang nasasaktan ko na pala kayo dahil sa mga ginagawa ko" Sagot niya .

"Tama po , Nasasaktan po ako . Lalo na kapag ipinagagawa niyo sakin ang bagay na ayoko namang gawin" Sagot ko.

"Dumalaw ako sa puntod ng mom ni Mina upang sabihing mahal ko kayo ng mom mo . Kahit na siya ang laman ng puso ko noon , Kayo parin ang nakasama ko sa mga oras na kailangan ko ng karamay . Narealized ko nitong nakaraan na ang dami ko palang atraso sa inyong dalawa ng mom mo" Sagot niya sakin.

Kim Dahyun & The J-TrinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon