MOMO'S POV :
"Wala ka nang ginawang tama ! Wala kang kwentang anak !" Paulit-ulit na sabi sakin ng Dad ko .
"Ano bang dapat kong gawin ?! Ibuwis ang buhay ko para lang matuwa kayo ?!" Tanong ko.
"Gawin mo kung anong gusto ko ! Patunayan mong ikaw ang karapat-dapat na magmana ng kompanya ng Grandpa mo" Sagot niya sakin.
"Tama na nga , Dad . Sawang-sawa na kong sumunod sa mga gusto niyo . Ayokong makipag-away sa mga pinsan ko ! Mas pipiliin kong maging masaya kaysa sundin ang mga masasamang utos niyo !" Sagot ko.
"Kanino mo naman natutunan ang mga 'yan ?! Sagutin mo ko !" Galit na tanong ni Dad sakin.
"Sa babaeng nagpatunay na mas mahalaga ang maging masaya" Sagot ko.
"Sino naman ang babaeng 'yun ? Malalagot sakin ! Tuturuan ko siya ng leksyon dahil nilalason niya ang isipan mo !" Galit na sabi ni Dad.
"Subukan niyong saktan siya , Ako ang makakatapat niyo !" Sagot ko nang paseryoso.
"Ang babaeng 'to ba ?!" Tanong ni Dad . Nagulat ako nang biglang sumulpot si Dahyun na hawak-hawak sa braso ng mga tauhan ni Dad.
"Mo---Momo" Mahinang sabi ni Dahyun sakin .
"Dahyun" Sagot ko sabay akmang lalapit sa kanya kaso bigla siyang tinutukan ni Dad sa ulo ng baril .
"Subukan mong lumapit kundi mamamatay ang babaeng 'to !" Sagot ni Dad.
Namuo na ang luha sa mata ko dahil ayokong masaktan si Dahyun . Hindi siya maaaring madamay dito. Hindi ako papayag !
"Momo , Ayos lang ako . Palagi mong tatandaan na mas mahalaga ang maging masaya kaysa piliin mong gawin yung bagay na ayaw mo naman talaga" Sagot ni Dahyun sakin .
"Tuturuan kita ng leksyon !" Sigaw ni Dad . Natigilan ako nang pumutok na ang baril . Nakita kong tumumba si Dahyun sa sahig na naliligo na sa sariling dugo .
"HINDI !" Malakas kong sigaw . Agad akong nagtatakbo palapit kay Dahyun pero bigla siyang naglaho.
"Dahyun !" Malakas kong sigaw hanggang sa mapaiktad ako sa kinahihigaan ko.
Lumingon ako sa aking paligid . Panaginip ? Isang masamang panaginip. Sobrang-sama !
Pawis na pawis ako't kabadong-kabado . Nang tumingin ako sa oras , Hapon na pala .
Nagmadali akong kumilos sabay labas ng kwarto ko.
Agad kong hinanap si Dahyun pero hindi ko siya makita . Nasaan si Dahyun ? Kailangan ko siyang makita ! Kailangan kong makasiguradong ayos lang siya . Baka napahawak na siya .
"Dahyun !" Paulit-ulit kong sigaw.
"May problema ba ?" Tanong ni Mina.
"Nasaan si Dahyun ?!" Tanong ko.
"Hi---Hindi ko din alam . Kagigising ko lang .Baka umalis . Baka kasama si Sana" Sagot ni Mina.
"Kailangan kong makita si Dahyun !" Sagot ko.
"Bakit pawis na pawis ka ?" Tanong ni Mina sakin sabay lakad na sa labas ng Mansion.
"Nasaan si Dahyun ?!" Tanong ko sabay hawak sa ulo ko.
Baka kailangan ako ni Dahyun . Hindi ako papayag na masaktan si Dahyun .
"Momo , Nandito na si Dahyun !" Sabi ni Mina mula sa labas kaya naman nagmadali akong lumabas . Nakita namin si Dahyun na kasama si Sana . Pauwi na sila dito .
Sinalubong ko na si Dahyun dahil gusto ko makasiguradong walang nangyaring masama sa kanya . Niyakap ko siya nang mahigpit.
Akala ko talaga totoo na . Akala ko totoo nang nawala na siya sakin. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag napahamak siya. Hinding-hindi !
"Akala ko kung ano nang nangyari sayo" Sambit ko habang yakap siya.
"A--Ayos lang ako" Sagot niya sakin .
"Guys , Saan ba kayo nagpunta ?" Tanong ni Mina sa kanila.
"Nagpadala ng pera si Dahyun sa pamilya niya" Sagot ni Sana.
"Wala namang masamang nangyari ?" Tanong ko .
"W--Wala naman" Sagot ni Dahyun sakin.
Bumitaw na siya sakin sabay smile samin ni Mina.
"Bakit ?" Tanong namin ni Mina sa kanya.
"Bati na kami nitong Shiba Inu na 'to" Sagot ni Dahyun sabay hampas sa braso ni Sana.
"Tama 'yun , Napatawad na niya ko" Sabi ni Sana samin.
"Mabuti kung ganun" Sagot naman ni Mina sa kanila.
"Dahyun , Nag-alala ako sayo" Sambit ko sabay hawak sa kamay ni Dahyun.
"May problema ka ba ? Bakit pawis na pawis ka ?" Tanong ni Dahyun sakin.
Agad ko ulit siyang hinila papunta sakin . Muli ko siyang niyakap .
"Basta , Ipangako mong hindi ka mawawala . Hindi ka masasaktan" Sabi ko habang yakap siya.
"Pa--Pangako" Sagot niya sakin.
"Pumasok na tayo sa loob" Sagot ni Mina samin kaya naman pumasok na kami sa loob . Mas pinili kong bumalik na muna sa kwarto ko.
Hindi parin ako makapaniwala na mananaginip ako ng ganun . Yun na ata ang worst nightmare na nangyari sakin .
Maya-maya pa , May kumatok sa pinto .
"Pasok" Sabi ko . Si Dahyun pala . Agad siyang umupo sa tabi ko.
"Momo , Ayos ka lang ba talaga ?" Tanong niya sakin
"Ayos lang ako , Nanaginip lang ako nang masama" Sagot ko sabay simangot.
"Wag ka ngang ganyan . Dapat palaging masaya !" Sabi niya sakin.
"Kasi naman sa masamang panaginip ko , Napahamak ka daw" Sagot ko.
"Talaga ? Bakit ? Anong nangyari ?" Tanong niya.
"Hindi mo na kailangang malaman 'yun . Nag-alala talaga ko sayo . Sisiguraduhin ko namang ligtas ka" Sagot ko.
"Sabihin mo lang sakin kapag may kailangan ka ah . Magpahinga ka na muna diyan . Panaginip nga lang 'yun" Sagot niya sakin sabay lakad na palabas.
Napapikit na lang ako nang lumabas na siya . Well , Masaya kong malaman na ayos na ulit sila ni Sana . Tama si Dahyun . Panaginip lang 'yun . Hindi mangyayari 'yun sa kanya dahil po-protektahan ko siya .
💞To be Continued💞
EMEGESH ! ANG CUTE NG BUHOK NI DAHYUN SA TEASER A HAHAHAHAH 👏😂
BINABASA MO ANG
Kim Dahyun & The J-Trinity
FanfictionKim Dahyun & The J-Trinity "Kim Dahyun , Pwede ka nang magsimula sa bago mong trabaho . Good Luck , Sana'y makatagal ka . Binabalaan na kita dahil hindi biro ang trabahong pinasok mo . Siguraduhin mong magtitino ang tatlong magpipinsan na apo ng Cha...