Chapter 63 - Bottle Of Soju 🍻

627 27 3
                                    

MINA'S POV :

Kinagabihan , Nagpatawag na naman ng meeting si Dahyun samin . Pinalabas niya kami sa mga kwarto namin at pinaupo sa tabi niya . May bonfire pa sa gitna naming lahat .

Ano namang gagawin namin ngayon ? Nagkatinginan na lang kami nila Sana at Momo.

"Guys , Ito na ang panahon para magkausap-usap kayong tatlo nang maayos . Sana pagkatapos nito , Bati bati na kayo" Sambit ni Dahyun samin sabay akmang aalis na.

"Wait ! Saan ka naman pupunta ?" Tanong ni Sana kay Dahyun.

"Sa kwarto , Mas mabuti kung kayong tatlo lang ang mag-uusap" Sagot ni Dahyun.

"No , Maupo ka rin dito . Mas maganda kung nandito ka . Samahan mo kami . Mas masaya ang kwentuhan kapag madami" Sambit ni Momo.

"Saka, Mas masaya kapag may inuman" Sagot naman ni Sana.

Inuman ? Aish ! Hindi ako umiinom noh . Wala akong hilig sa pag-iinom .

"Tama ! Maglabas ka nga ng Soju , Sana" Utos ni Momo kay Sana .

"Yah ! Bakit may soju pa ?! Wag na kayong maginom !" Sabi ni Dahyun sa kanilang dalawa.

"Eh di hindi na kami maguusap-usap" Sabi ni Sana.

"Please , Dahyun . Ngayon lang naman 'to" Sagot ni Momo.

"Gawin niyo kung anong gusto niyong gawin" Sagot ko sa kanila.

Agad na rin namang kumuha ng mga bote ng soju si Sana . Wala na namang nagawa si Dahyun dahil sa kakulitan nilang dalawa . Naku , Bahala nga sila . Basta ako , Hindi iinom . Sakit sa ulo lang 'yan . Tsk !

Nagsimula nang uminom sila Sana at Momo . Si Dahyun naman pilit silang pinaghihinay-hinay .

"Hayaan mo sila , Yan ang gusto nila eh" Sabi ko kay Dahyun .

"Aish ! Tigilan niyo na 'yan" Awat ni Dahyun sa dalawa.

Maya-maya pa , Biglang nagsalita si Momo.

"I hate my parents !" Sambit ni Momo.

"Momo , Magulang mo parin sila" Sagot ni Dahyun kay Momo.

"Kalokohan ! Palagi na lang kasi nilang iniintindi ang sarili nilang kasiyahan . Hindi naman ako robot" Sambit ni Momo.

Malamang lasing na 'to . Ang lalakas ng loob uminom. Ang bilis naman palang malasing .

"Dahyun , Sa totoo ---- Masaya naman ang buhay ko" Sambit naman ni Sana kay Dahyun.

"Bakit ? Ano bang problema mo ?" Tanong ni Dahyun kay Sana.

"Close naman kami ng parents ko . Naiintindihan ko sila kung bakit nandito ko sa sitwasyong 'to . Hindi naman nila ko sinasakal sa mga gusto nilang gawin ko . Sa katunayan nga , Payag silang magpakasal ako sa taong mamahalin ko . Yung problema ko --- Hindi naman ako mahal ng taong mahal ko" Sabi ni Sana.

"Sana , Tama na yan" Sabi ni Dahyun sa kanya.

"Aish ! Nako , Dahyun . Kung ako na lang ang minahal mo , Hindi yung Somi na 'yun ! Niloko ka lang niya !" Sabi ni Sana.

Ano bang pinagsasabi nila ?! Aish ! Mga baliw na . Mga lasing na .

Nagulat na lang ako nang kumuha na rin ng soju si Dahyun . Wait , Makikiinom na rin siya ? Na-mention lang si Somi mag-iinom na rin siya ? Hindi pa yata nakaka-move on ang babaeng 'to eh .

"Tama ka , Niloko nga ko ni Somi . Gague talaga ang isang 'yun . Mabuti na lang lumabas rin ang tunay niyang ugali !" Sagot ni Dahyun sabay inom na rin .

Natahimik lang ako sa tabi nila . Pinapanood ko lang silang mag-inuman at magsalita nang magsalita about sa mga hinaing nila sa buhay . Hindi ko naman pwedeng iwanan si Dahyun kasama ng dalawang 'to . Baka kung ano pang gawin nila , Mabuti na yung sigurado ko.

"Dahyun , Mahal kita . Mahal mo rin ba ko ?" Tanong ni Sana kay Dahyun.

"Hindi" Sagot ni Dahyun sa kanya .

Medyo natawa ko 'dun . Nonsense ang usapan nila eh . Mga lasing na . Maya-maya pa , Bigla nang napahiga si Momo sa buhanginan.

"Matutulog na ko" Sambit ni Momo.

"Ang hina niyo naman ! Aish . Goodnight" Sambit ni Sana sabay ub-ob na sa isang tabi.

Napatingin naman ako kay Dahyun na lasing na rin . Gising pa siya pero halata namang talagang lasing na siya . Tulala lang si Dahyun habang umiinom.

"Gague talaga ang Somi na 'yun" Sambit ni Dahyun.

"Dahyun , Ihahatid ko lang sa kwarto nila ang dalawang 'to" Sagot ko kay Dahyun .

Agad ko na rin namang inalalayan si Momo papunta sa kwarto niya . Tapos , Si Sana naman . Mga pahirap talaga sakin 'to . Ako pa tuloy ang nahihirapan ngayon .

Agad ko rin namang binalikan si Dahyun sa pwesto namin . Umiinom parin siya . Akala ko ba maguusap-usap na nang maayos ? Tsk ! Baliw talaga sila . Nauwi sa inuman ang matinong usapan .

"Yah ! Kim Dahyun , Tama na yan . Matulog ka na" Sambit ko sabay kuha ng bote ng soju kay Dahyun .

"Bakit ba ? Gusto ko pang maginom eh . Ngayon ko lang ie-enjoy 'to" Sagot niya.

"Tama na , Let's Go ! Ihahatid na kita sa kwarto mo . Come On" Sagot ko sa kanya . Inalalayan ko na siya sa paglakad .

"Inom kasi kayo nang inom eh" Sambit ko habang nakaalalay sa kanya .

Nakaakbay siya sakin habang nakaalalay ako sa kanya . Nabigla na lang ako nang bigla niya kong titigan .

Bigla niyang ipinatong ang ulo niya sa balikat ko . Ano bang ginagawa niya ?

🌹To be Continued🌹


Kim Dahyun & The J-TrinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon