DAHYUN'S POV :
Kinabukasan , Abala ko sa paglilinis nang biglang magtext sakin si Tzuyu . Aba , Ano kayang pakay niya ? Hahaha . Namiss ko rin ang isang 'to eh . Kumusta na kaya siya ?
"Unnie , Pwedeng malaman ang address ng tinutuluyan mo ngayon ?" Text niya sakin.
"Bakit ?" Reply ko.
"Basta , Just tell me" Reply niya.
Initext ko na sa kanya ang location ng Mansion na 'to . Bakit kaya tinatanong niya ? Well , Baka natripan niya lang . Ni hindi man lang ako kinumusta . Bakit kaya ?
Nang matapos akong maglinis , Agad na kong nagpahinga muna sa living room. Nang magising na 'yung tatlo , Nilapitan nila ko.
"Sabay-sabay na tayong kumain" Sabi ni Mina.
"Tama ! Sumabay ka na samin , Dahyun" Sabi naman ni Sana.
"Tamang-tama ! Magluluto ako" Sagot ni Momo.
Tumango na lang ako sa kanila kaya naman tuwang-tuwa sila sakin . Sabay-sabay na kaming kumain .Siyempre , Di mawawala ang picture namin habang kumakain. Kung dati , Nakasimangot silang lahat . Ngayon , Nakangiti na sila sa picture . Mukhang nagkakasundo na nga sila .
Oo nga pala ! Magpaplano pa ko para sa Outing . Kailangang mag-enjoy silang tatlo.
Nang matapos kaming kumain , Nagligpit na agad ako ng mga plato . After kong magligpit , Inilabas ko naman ang basura . Ang bigat naman ng mga 'to .
Sa sobrang bigat ng mga trash bag na puno ng basura , Na-out of balance ako at napaupo sa sahig . Tsk ! Ang sakit na naman ng pwet ko.
"Pwede ba kitang tulungan diyan ?" Rinig kong tanong ng kung sino.
"Naku , Hindi na . Kaya ko na 'to" Sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya .
"Sa wakas , Natunton din kita" Sagot niya kaya naman natigilan ako .
Nang tumingala ako para makita siya , Nagulat ako dahil hindi ko alam na siya pala 'yung kausap ko.
"Tzu---Tzuyu ?" Gulat kong tanong.
"Kumusta ka na ?" Tanong niya sakin sabay smile.
"Anong ginagawa mo dito ?" Gulat kong tanong.
"Dahyun ! Ako na dapat ang pinagta---tapon mo . Sino siya ?" Sabi sakin ni Sana . Nang makita ni Sana na may kasama ko , Natigilan siya . Maya-maya , Lumabas na din sila Momo at Mina.
"Sino siya , Dahyun ?" Tanong nila Momo.
"Sino sila , Dahyun ?" Tanong ni Tzuyu sakin.
Anong ginagawa ni Tzuyu dito ?!
"Dahyun , Mabuti na lang at nagkita na ulit tayo" Sagot niya sakin sabay ngiti.
Agad ko muna siyang dinala sa isang tabi kung saan di kami maririnig nila Sana .
"Anong ginagawa mo dito , Tzuyu ?" Tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Kim Dahyun & The J-Trinity
Hayran KurguKim Dahyun & The J-Trinity "Kim Dahyun , Pwede ka nang magsimula sa bago mong trabaho . Good Luck , Sana'y makatagal ka . Binabalaan na kita dahil hindi biro ang trabahong pinasok mo . Siguraduhin mong magtitino ang tatlong magpipinsan na apo ng Cha...