SANA'S POV :
Nang lumabas kami ni Momo sa kwarto ni Dahyun para makapag-usap si Mina at Dad niya , Natigilan ako dahil narinig ko yung mga sinabi ng Dad niya .
Kung nagmamahalan , Lumaban . Kung hindi naman pareho ang nararamdaman , Magpalaya kahit na anong mangyari .
Sapul na sapul yun sa puso ko . Bakit ? Dahil kagabi pa ko nag-iisip sa mga nangyari . Naisip kong naging selfish pala talaga ko . Inisip ko lang yung sarili ko at hindi ko na inalam kung may masasaktan ba kong iba .
Sinabi na ni Dahyun sakin noon na hanggang kaibigan lang talaga pero hindi parin ako nakinig dahil sarili ko lang inisip ko .
Ako yung may kasalanan kung bakit napaaga ang pag-alis ni Dahyun . Dahil sa nagawa ko , Umalis na siya nang tuluyan . Alam ko naman talaga kung sino yung nagpapasaya sa kanya pero mas pinili ko paring ipilit ang sarili ko sa kanya .
"Sana , Sumunod ka nga sakin . Wag ka nang makinig sa usapan nila" Sabi ni Momo sabay hila sakin .
"Bakit ba ?" Tanong ko sa kanya . Dinala niya ko sa kitchen .
"Basahin mo 'tong sulat from Dahyun" Sagot niya sakin .
Agad ko nang binasa ang sulat . Nang matapos akong magbasa , Napayuko na lang ako .
Nasaktan ko si Dahyun dahil naging selfish ako . Nasaktan ko rin sila Mina at Momo . Nasaktan ko ang mga pinsan ko .
Hindi ko na napigilang maluha . Nagsisisi na ko sa mga nagawa ko noon .
"Sorry , Momo . Naging selfish ako" Sagot ko nang umiiyak.
"Bakit ka nagso-sorry ?" Tanong ni Momo sakin.
"Nasaktan ko kayong lahat dahil naging selfish ako . Inaamin ko nang nakagawa ako ng pagkakamali dahil ipinilit ko ang sarili ko kay Dahyun na may mahal na iba . Dahil sakin , Tuluyan na silang nagkalayo" Sagot ko nang umiiyak .
Aminado kong tanggap ko na sa sarili kong hindi ako kayang mahalin ni Dahyun sa paraang gusto ko dahil may iba siyang mahal .
Kailangang palayain ko siya kahit na anong mangyari . Kahit na mahirap , Kailangan kong gawin .
"Nagsisisi na ko" Umiiyak kong sagot.
"Tama na nga yang kakaiyak mo . Hindi bagay sayo" Nagulat ako nang biglang magsalita si Mina .
"Mi--Mina" Mahinang sabi ko.
"Wag ka nang umiyak . Ang corny eh !" Sagot niya sabay yakap sakin . Mas napaluha ako nang yakapin niya ko.
"Patawarin mo ko" Sabi ko sa kanya.
"Kalimutan mo na yun , Sana . Wag na tayong mag-away . Tayo-tayo rin naman ang magtutulungan eh . Ang mahalaga ay maayos na ang problema sa pagitan natin" Sagot niya.
"Sana maging masaya kayo ni Dahyun" Sagot ko sa kanya.
"Mukhang hindi na mangyayari 'yan dahil imposibleng makatakas tayo dito" Sagot ko.
"Anong imposible ?! Gagawin kong posible ang lahat ngayon ! Hindi tayo susuko" Sagot ni Momo sakin.
"Anong binabalak mo , Momo ?" Tanong ni Sana kay Momo.
BINABASA MO ANG
Kim Dahyun & The J-Trinity
FanficKim Dahyun & The J-Trinity "Kim Dahyun , Pwede ka nang magsimula sa bago mong trabaho . Good Luck , Sana'y makatagal ka . Binabalaan na kita dahil hindi biro ang trabahong pinasok mo . Siguraduhin mong magtitino ang tatlong magpipinsan na apo ng Cha...